Chapter 91 Ksenia's POV May mga CCTVs naman kami sa labas ng mansion, sa palibot at sa mismomg labas ng mga gates. We have four gates in total. Pero kahit pala secure na ang buong paligid sa akala ko ay magkakaroon pa rin pala ng mga ganitomg insidente at ang mga ito ay hindi ko pa malalaman kung hindi manggagaling sa mga tao ko. Ang ipinagtaka ko lang, hinidi kami kaagad na-notify tungkol doon. May nakaatang naman sa trabaho na iyon, may nagre-review sa mga CCTV footages dito. Hindi rin kaya nila napansin? Gusto kong iparating kaagad ito sa sir nila pero baka isa na naman sa mga magiging isipin pa nito. Marami na siyang ginagawa at hindi na healthy sa palagay ko kung pati ang concern na ito ay iisipin pa niya. Nagkapagdesisyon na ako ngayon pa lang, hindi ka muna sasabihin sa asawa ko

