Chapter 74 Ksenia's POV "B-Babalik ka na?" Hindi ko maintindihan ang epekto ng pamamaalam nito sa akin ngayon. Magkasabay na nanakit ang ulo at dibdib ko. Nakasama ko na siya sa simula pa lang ng kinaharap namin ngayon. Sa kaniya ko man nalaman ang lahat, sa kaniya rin naman ako nakahugot ng pag-asa. Kung wala siya sa tabi ko noon na umalalay sa akin, I will never know whether I'll survive this or not... Ito na naman iyong pakiramdam na parang unti-unti akong iniiwan. I wish narito ang pamilya ko ngayon na papalit sa kaniya pansamantala... Iba pa rin kapag may alam kang kaibigan o kapamilya na nasa tabi mo lang na handang damayan ka anytime... Iba pa ang magagawa ng mga ito sa magagawa ng asawa ko. Ang gusto ko lang sana, marami silang nariyan sa akin katulad nang mga panahong ipinagla

