Chapter 71 Ksenia's POV After naming kumain ay nag-ordered pa si Ramces ng mga French foods na ite-take out. Hindi na lang ako nagsasalita pero may idea na talaga ako na para kay Lander iyon. Iyong mga nagustuhan kong dishes ang in-ordered niya talaga sa waiter kanina, eh. Sa mga oras na ito ay sure naman akong nakakain na si Lander. Ihahanap niyon ang gutom niya kahit papaano. Kahit na wala siyang gana sa mga nangyayari, kailangan niyang kumain at magpalakas. Uuwi pa kami ng France soon... Nagkaroon ako ng eating problem nang magka-anxiety at depression ako. Iyong limang kutsara nga na kanin noon ay nahihirapan na akong ubusin noon, eh. Pati taste buds ko ay naapektuhan. Wala akong malasahan gaano man kasarap ang mga pagkain. Iyong mga bagay na iyon na naranasan ko, ayaw kong maranasan

