Makeover over a date

1484 Words
ALEXANDRA’S (ALEXANDER) POV ​"Ayoko nga sabi eh! Mukha akong suman sa itim na tela na 'to!" ​Nagwawala ako sa loob ng kwarto habang pinipilit ipasok ni Lena ang zipper ng isang body-hugging black dress sa likod ko. ​"Ate, kumalma ka! Huminga ka nang malalim para maisara ko 'to!" reklamo ni Lena, pawis na pawis habang hinihila ang tela. "And please, stop spreading your legs while sitting! Naka-dress ka na!" ​"Eh sa naiipit yung... yung singit ko eh! Bakit ba kailangan kong magsuot ng ganito?! Pwede namang mag-jeans na lang sa date ah!" ​Yes. Date. Kaninang umaga, tumawag ang gago kong halikan mate na si Deon. ​"I bought you a Nissan Silvia in cash. I towed your broken toy in the middle of a storm. And I warmed you up," sabi niya sa kabilang linya kanina, ang yabang ng boses. "You owe me a real date, Alexandra. No running away this time. Wear a dress. I'll pick you up at 7 PM." ​At dahil may natitira pa akong pride (bilang lalaki na marunong magbayad ng utang na loob), pumayag ako. Putik na 'yan. Ako na ngayon ang sinusundo at pinag-aantay sa bahay! Dati, ako yung bumubusina sa labas ng bahay ng mga chix ko! ​ZIIIP! ​"Ayan! Perfect!" Pumalakpak si Lena. "Humarap ka sa salamin, dali!" ​Tumayo ako (medyo hirap kasi ang sikip ng tela sa hita). Humarap ako sa full-length mirror. ​Natigilan ako. Holy s**t. ​Sino 'tong dyosa na nasa salamin?! Ang itim na dress ay may slit hanggang hita. Naka-off shoulder ito kaya kitang-kita ang mapuputing balikat ko at ang cleavage na pilit pinag-isa ng isang malupit na push-up bra. Ang buhok ko, naka-blow dry at may malalaking curls. May light makeup ako na nagpalitaw sa hugis ng mata ko at red lipstick na hindi masyadong matingkad. ​Ang ganda ko. Tangina, kung ako si Alexander ngayon at nakita ko 'to sa bar, baka nai-uwi ko na 'to. ​"See?!" tili ni Lena. "You look stunning! Siguradong malalaglag ang panga ni Deon Ravena kapag nakita ka niya!" ​"Malalaglag talaga panga niya kapag sinapak ko siya," bulong ko, pero hindi ko maalis ang tingin ko sa salamin. Napahawak ako sa bewang ko. Not bad, Alex. Not bad. ​Biglang tumunog ang intercom mula sa yaya namin. "Ma'am Alex, nandito na po si Sir Deon sa baba." ​Kinabahan ako. Parang may nagkakarera sa loob ng dibdib ko. "Kaya mo 'to, pre," bulong ko sa sarili ko. "Lalaki ka. Kumain ka lang. Tapos umuwi ka." ​THE REVEAL ​Pagbaba ko ng hagdan, nandoon si Deon sa sala. Kausap niya si Daddy. Naka-bespoke dark blue suit siya. Ang buhok niya, naka-brush up. Parang galing sa cover ng GQ Magazine. Gwapo ng gago, bwisit. ​Pag-apak ko sa huling baitang, napalingon siya. Natigil siya sa pagsasalita. Natigil din si Daddy. ​Natahimik ang buong sala. Rinig mo lang ang paghinga ko (na hirap na hirap dahil sa corset). ​Tinitigan ako ni Deon mula ulo... pababa sa dibdib... pababa sa slit ng dress ko kung saan nakalabas ang maputi kong hita. Nakita ko ang Adam's apple niya na gumalaw. Lumunok siya nang malalim. ​"Well," basag ni Daddy sa katahimikan. "My daughter looks beautiful tonight. Wag mo siyang iuwi nang late, Deon." ​"I... I won't, Sir," sagot ni Deon, hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. ​Lumapit siya sa akin. Ang dilim ng mga mata niya, parang may bagyo sa loob. Inilahad niya ang kamay niya. ​"You look..." huminto siya, tila naghahanap ng tamang salita. "...dangerous." ​Umirap ako, pero inabot ko ang kamay niya. (Kasi kailangan ko ng alalay, baka matapilok ako sa heels ko!). "Dangerous talaga. Kaya wag mo akong gagalitin mamaya." ​Ngumisi siya. "I like living on the edge." ​THE HIGH-END RESTAURANT ​Dinala niya ako sa isang exclusive French restaurant sa BGC. Yung tipong may tumutugtog ng violin sa gilid at dim lights. Ang amoy sa loob ay pera, truffles, at kayabangan. ​Pinaghila niya ako ng upuan. "Thanks," tipid kong sabi, sabay upo (na naka-squat nang slight para hindi mapunit ang skirt). ​Nang i-serve na ang pagkain, napakunot ang noo ko. Isang malaking plato, pero ang laman sa gitna... limang maliliit na s**o ng dagat na may kulay berdeng sauce. ​"Ano 'to? Bait ng isda?" tanong ko. ​Tumawa si Deon, kinuha ang wine glass niya. "That's Escargot, Alex. Snails baked in garlic and parsley butter. It's an appetizer." ​"Kuhol?!" Nanlaki ang mata ko. "Deon, dinala mo ako dito para pakainin ng kuhol?! Sa probinsya, pinapakain lang 'to sa pato ah!" ​Lalong lumakas ang tawa niya. Nakatingin ang ibang mga mayayamang customer sa amin, pero parang walang pakialam si Deon. ​"Just try it," hamon niya. "Use the special tongs." ​Tinignan ko 'yung maliit na sipit. Punyeta, ang arte. Kinuha ko yung sipit, sinubukan kong ipitin yung shell ng kuhol. Pitik. Dumulas yung shell at muntik nang tumalsik sa mukha ni Deon! Buti nakailag siya! ​"Sorry!" sabi ko, medyo nataranta. ​"Let me," seryosong sabi niya. ​Ginamit niya ang tinidor niya, tinuhog ang laman ng escargot, at inilapit sa bibig ko. "Open up." ​Natigilan ako. Sinusubuan niya ako? Sa public? Tumingin ako sa mata niya. Walang halong biro. Seryoso siya. Dahan-dahan kong binuka ang bibig ko. Sinubo niya sa akin 'yung escargot. ​Linamnam ng butter at garlic ang sumabog sa bibig ko. Napapikit ako. "s**t. Ang sarap nga." ​"See? You just need to let me guide you," malambing na sabi niya. ​Dug. Dug. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Bwisit na Deon 'to, ginagawa akong marupok! ​Sunod na dumating ang main course. Ribeye Steak. Kinuha ko agad ang kutsilyo at tinidor. Hiwa nang mabilis. Subo. Dahil nasanay ako sa pagiging lalaki na mabilis kumain, nakalimutan kong naka-dress ako at nasa fine dining. ​"Alex, breathe. Hindi aagawin ng plato mo 'yung steak," natatawang puna niya. ​Nabilaukan ako. Umubo ako at kinuha ang wine glass para uminom. Pag-inom ko, may tumulong konting red wine sa gilid ng labi ko, pababa sa leeg ko, at papunta sa cleavage ko. ​Agad nagbago ang reaksyon ni Deon. Nawala ang tawa niya. Ang mga mata niya ay bumaba sa patak ng wine na gumapang papasok sa gitna ng dibdib ko. Bumigat ang paghinga niya. Hawak niya nang mahigpit ang steak knife niya. ​"Sorry, dugyot," kumuha ako ng table napkin at pinunasan ang leeg ko. "Sayang 'yung wine." ​"Alex," tawag niya, mababa at paos ang boses. "Stop doing that." ​"Doing what?!" ​"Existing like that. Driving me insane." ​Sumandal siya palapit sa mesa. "Wanna skip dessert and go to my penthouse?" ​Nanlaki ang mata ko. PENTHOUSE?! Alam ko kung anong ibig sabihin niyan! Ginagawa ko 'yan dati eh! "Wanna watch Netflix?" pero ang ending, nagbabanatan sa kama! ​"H-hindi ako pwede," utal kong sagot, biglang pinagpawisan. "Grounded ako." ​"Your dad said don't go home late. We still have three hours." ​Hinawakan niya ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. Ang init. Ang sarap sa pakiramdam. Bakit parang... parang gusto kong sumama? Alexander! Gumising ka! ​FRANCO'S DISCOVERY ​Habang nagkakagulo ang internal organs ko sa restaurant, sa kabilang banda ng Metro Manila... ​Nasa loob ng kwarto niya si Franco. Nakaharap siya sa laptop niya. Isa sa mga sikreto ni Franco ay magaling siya sa IT at background checks. (Ginagawa niya 'to dati para i-check kung may asawa na 'yung mga babaeng dini-date ko). ​Pero ngayon, ang subject niya ay si Deon Ravena. ​Binasa ni Franco ang mga leaked emails at financial reports na nakuha niya mula sa isang private investigator. ​"Ano 'to..." bulong ni Franco, kumunot ang noo niya. ​Binuksan niya ang isang folder na may pangalang "Valdaramos Acquisition Project." ​May nakasulat na memo: Target: Alexandra Valdaramos. Objective: Secure marriage tie-up to legally absorb Valdaramos Group’s port assets before their stock plummets. Status: Deon Ravena to initiate engagement. ​Nanlaki ang mata ni Franco. Hindi ito tungkol sa love. Hindi ito tungkol sa attraction. Negosyo. Plano ng mga Ravena na pabagsakin ang kumpanya nina Alex mula sa loob gamit ang pekeng kasal! ​"Kaya pala bigla siyang nagka-interest kay Alex," galit na bulong ni Franco. Pinalo niya ang desk niya. "Pera lang ang habol ng gagong 'yun. Gagamitin niya lang ang best friend ko." ​Kinuha ni Franco ang phone niya at mabilis na nag-dial. ​Ringing... Alex... ​Sa loob ng restaurant, tumunog ang phone ko. Tumingin ako kay Deon, tapos sa phone. ​"Excuse me, si Franco," sabi ko, akmang sasagutin. ​Hinawakan ni Deon ang phone ko at pinatay ang tawag. "No distractions," seryosong sabi niya. "I want you to look at me, Alex. Only me." ​At dahil sa titig niyang 'yun... nakalimutan ko na nag-exist si Franco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD