Lagnat and the babysitter

1359 Words
ALEXANDRA’S (ALEXANDER) POV ​Masama ang pakiramdam ko. Sobrang sama. ​Paggising ko, parang binugbog ako ng sampung tambay sa Tondo. Ang bigat ng ulo ko. Ang sakit ng lalamunan ko. At ang katawan ko... shivering. ​Tinignan ko ang thermometer. 39.5°C. ​"Putek," bulong ko. "Lagnat laki." ​Kasalanan 'to ng elevator incident kagabi. Nabasa ang blouse ko, tapos pumasok ako sa aircon, tapos... well, na-stress ako sa amoy ng Cocoa Butter at sa presensya ni Deon. ​Kinuha ko ang phone ko. Automatic ang daliri ko. Binuksan ko ang message thread namin ni Franco. ​To: Franco (Best Bro) Pre. Mamatay na yata ako. Ang init ko. Dalhan mo ako ng gamot at lugaw. Yung maraming bawang. ​Sent. ​Humiga ulit ako at nagtalukbong ng kumot. Nanginginig ako sa ginaw. Pero sa loob, parang bulkan. ​"Mommy..." tawag ko nang mahina. ​Pero wala si Mommy. Nasa mahjong session. Si Daddy? Nasa office. Si Lena? Nasa school (o nagti-t****k sa Starbucks). ​Ako lang mag-isa. The poor, sick, beautiful heiress. ​ ​Makalipas ang isang oras, may kumatok. ​"Pasok... bukas 'yan..." garalgal na sabi ko. ​Bumukas ang pinto. Pumasok si Franco. May dala siyang plastic ng Mercury Drug at isang tupperware ng lugaw. Mukhang haggard din siya, pawisan. Tumakbo yata papunta dito. ​"Alex!" Lumapit siya agad at hinipo ang noo ko. "Grabe ang init mo! Sabi ko sa'yo wag kang magpapaulan eh!" ​"Di ako nagpaulan, pre. Nabasa lang ng tubig sa opisina," sagot ko habang nakapikit. ​"Bangon ka muna. Kain ka ng lugaw bago uminom ng Biogesic." ​Inalalayan niya ako bumangon. Ang bango ni Franco. Amoy safe. Amoy home. Sumandal ako sa balikat niya habang sinusubuan niya ako. ​"Sarap," bulong ko. "Luto ng Mama mo?" ​"Oo. Alam niyang favorite mo 'to." ​Habang kumakain ako, biglang bumukas ulit ang pinto. Hindi kumatok. Basta na lang pumasok. ​Lumingon kami ni Franco. ​Si Deon. ​Naka-casual polo siya, shades nakasabit sa leeg, at may bitbit na basket ng prutas (Grapes, Apples, at Oranges na mukhang imported) at isang thermal bag na mukhang galing sa 5-star hotel. ​Napatigil si Deon nang makita niya kami. Ako, nakasandal sa balikat ni Franco. Si Franco, sinusubuan ako ng lugaw. ​Dumilim ang mukha ni Deon. Yung predator eyes niya, lumabas. ​"Well," sabi ni Deon, ang lamig ng boses. "Isn't this a cozy little scene." ​Napatayo si Franco. "Anong ginagawa mo dito, Ravena?" ​"Binibisita ang fiancée ko," sagot ni Deon, diniinan ang salitang 'fiancée'. "Nabalitaan ko sa Daddy niya na may sakit siya. I brought her lobster bisque from Le Velour." ​Nilapag ni Deon ang basket at bag sa table nang padabog. ​"Lobster bisque?" tawa ni Franco. "May sakit yung tao, Deon. Lugaw ang kailangan niyan, hindi seafood na allergy siya!" ​Wait. Allergy ako sa seafood? Oo nga pala! Si Alexandra allergy sa hipon! Pero si Alexander hindi! ​"s**t," bulong ko. "Kaya pala makati lalamunan ko nung kumain ako ng sinigang na hipon kila Deon!" ​Lumapit si Deon sa kama. Tinabig niya si Franco (lightly lang, pero ramdam mo ang pwersa). ​"Move aside, Franco. I'll take it from here." ​"Hindi," hinarang ni Franco ang sarili niya. "Ako ang best friend niya. Ako ang nakakaalam kung anong gusto niya." ​Nagkatitigan sila. Eye to eye. Batang Tondo vs. Rich Kid. Lugaw vs. Lobster. ​At ako? Sabog sa lagnat. ​"Ang ingay niyo..." reklamo ko. "Masakit ulo ko..." ​Biglang umikot ang paningin ko. At naramdaman ko ang sobrang init. Yung init na parang nasa oven ako. ​"Ang init!" sigaw ko. "Ang init, tangina!" ​Tinabig ko ang kumot. Hinila ko ang t-shirt ko. ​"Alex! Anong ginagawa mo?!" sigaw ni Franco. ​"Maghuhubad ako! Ang init eh!" ​ ​Dahil sa delirium, nawala sa isip ko na babae ako. At nawala sa isip ko na may dalawang lalaki sa kwarto. ​Hinubad ko ang t-shirt ko. Whoosh. Tinapon ko sa mukha ni Deon. ​Naka-bra lang ako. Black lace bra. Ang puti ng balat ko. Ang kinis. At kitang-kita ang assets na pinagmamalaki ni Tita Miranda. ​Natigilan silang dalawa. Si Franco, namula at tumalikod agad. "Alex! Magdamit ka! Diyos ko po!" Si Deon... Si Deon, hindi tumalikod. Nakatitig siya. Mula sa leeg ko, pababa sa dibdib ko, pababa sa pusod ko. Napalunok siya. Nakita ko ang Adam's apple niya na gumalaw. ​"Ang init pa rin!" sigaw ko. Akmang huhubarin ko na ang pajama pants ko. ​"STOP!" Sabay na sigaw ni Franco at Deon. ​Mabilis na lumapit si Franco at pinigilan ang kamay ko. "Wag mong hubarin 'yan! Alex, may lagnat ka lang!" ​"Ang lagkit ko! Gusto ko maligo!" nagpupumiglas ako. "Bitawan niyo ako! Maliligo ako!" ​"Hindi pwede! Baka mabinat ka!" sabi ni Franco. ​"She needs to cool down," seryosong sabi ni Deon. Kumuha siya ng towel at basin na may tubig (na dala ni Yaya kanina pero iniwan sa gilid). ​Binasa ni Deon ang bimpo. Piniga. ​"Sponge bath," sabi ni Deon. "Kailangan nating punasan para bumaba ang temperature." ​"Ako na gumawa," agaw ni Franco sa bimpo. ​"No," hinawakan ni Deon ang bimpo nang mahigpit. "Ako na. Boyfriend duty." ​"Boyfriend?! Wala kayong label!" ​"Fiancé duty then." ​Nag-agawan sila sa basang bimpo. Tumalsik ang tubig sa mukha ko. ​Splash! ​"ARAY! MGA GAGO!" sigaw ko. "Ako na nga lang!" ​Inagaw ko ang bimpo. Pinunasan ko ang leeg ko. Ang sarap. Ang lamig. ​"Ahh..." ungol ko. "Heaven." ​Bumaba ako sa dibdib ko. Pinunasan ko ang cleavage ko. Dahan-dahan. ​Natahimik ang buong kwarto. Rinig lang ang paghinga ko at ang tunog ng tubig. ​Pagtingin ko, parehong nakatulala sa akin sina Franco at Deon. Parehong pawis na rin. ​"Alex..." bulong ni Franco. "Wag ganyan..." ​"Bakit? Ang sarap kaya," sabi ko, medyo high pa sa lagnat. Tumingin ako kay Deon. "Deon... punasan mo likod ko. Di ko abot." ​Nanlaki ang mata ni Franco. "Alex! Hindi pwede!" ​Pero lumapit si Deon. Kinuha niya ang bimpo sa kamay ko. Ang init ng kamay niya. Mas mainit pa sa lagnat ko. ​Pinatalikod niya ako. Dahan-dahan niyang pinunasan ang likod ko. Mula sa batok... pababa sa spine... hanggang sa bewang. ​Ang bigat ng hagod niya. Madiin. Possessive. ​"Hmmm..." napapikit ako. "Sarap ng masahe mo, pre. Pwede ka nang masahista sa spa." ​Natawa nang mahina si Deon. "Is that so? Maybe I should charge you extra." ​"Magkano?" ​Lumapit ang bibig niya sa tenga ko (habang nasa likod ko pa rin siya). ​"A kiss. Per stroke." ​Biglang hinila ni Franco si Deon palayo. "Tama na 'yan! Sobra na!" ​Kinuha ni Franco ang kumot at ibinalot sa akin nang mahigpit. Para akong lumpia shanghai. ​"Matulog ka na, Alex! Uminom ka na ng gamot! At ikaw..." Tumingin siya kay Deon. "...lumabas na tayo. Hayaan mo siyang magpahinga." ​"I'm not leaving her alone with you," sagot ni Deon. ​"Edi dito tayong dalawa magbantay!" hamon ni Franco. ​"Fine." ​Umupo si Franco sa sofa sa kaliwa. Umupo si Deon sa armchair sa kanan. ​Ako, nakabalot sa gitna. Hilo. Lasing sa lagnat. At litong-lito kung bakit dalawang lalaki ang nag-aaway para punasan ang likod ko. ​"Guys..." bulong ko bago ako lamunin ng antok. ​"Hmm?" sabay nilang sagot. ​"Sino sa inyo... ang may dalang hotdog?" ​Katahimikan. ​"Matulog ka na, Alex," sabay nilang sabi. ​Pumikit ako. Pero bago ako tuluyang makatulog, narinig ko silang nag-uusap. ​"Layuan mo siya, Ravena," banta ni Franco. ​"Why would I?" sagot ni Deon. "She's mine." ​"Hindi siya sa'yo. Kilala ko siya mula bata. Lalaki kumilos 'yan, barumbado, pero mahal ko 'yan." ​"Well," narinig ko ang pagtayo ni Deon. "People change, Franco. And right now... she doesn't look like a man to me. She looks like a woman who needs a real man. Not a boy." ​Ayoko na. Suko na ako. Bahala kayo dyan magpatayan. ​Basta ako... Gigising ako bukas na maganda pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD