RED DAYS AND HOTDOGS

1791 Words
ALEXANDRA’S (ALEXANDER) POV "MOMMY! TULONG! NAG-HE-HEMORRHAGE AKO!" Naka-squat ako sa loob ng banyo, hawak ang tissue na puno ng dugo. Nanginginig ang tuhod ko. Ito na ba 'yon? Did I contract some rare disease from one of my flings? Is this Ebola? Biglang bumukas ang pinto ng CR. Pumasok si Mommy na may dalang... ano 'to? Tinapay? "Alexandra! Ano ba?! Ang ingay-ingay mo!" sabi ni Mommy sabay abot sa akin ng isang plastic na kulay pink. "Ma! Dinudugo ako! Look!" Tinuro ko ang krimen sa pagitan ng hita ko. "Kailangan ko ng doctor! Or pari! I think I'm dying!" Binatukan ako ni Mommy. Napahawak ako sa ulo ko. Aray ha, ang lakas nun. "Anong dying?! Meron ka lang ngayon! First day mo, diba? Nakalagay sa calendar mo." Tinuro niya ang maliit na calendar sa pinto ng CR na may red circle sa date ngayon. Natigilan ako. "Meron? You mean... mens?" "Malamang! Alangan naman ketchup 'yan? Heto, magpalit ka na. Ang laki-laki mong babae, para kang tanga." Inilapag niya ang pink na plastic sa sink at lumabas. "Bilisan mo, kakain na. At ayusin mo 'yang sarili mo, mukha kang sinapian." Naiwan akong nakatulala sa pink na plastic. Kinuha ko ito. WHISPER WITH WINGS. COTTONY SOFT. Napalunok ako. Napakarami ko nang nahubaran na babae. Napakarami ko nang nakitang panty. Pero hindi ko pa nararanasan magkabit nito! I usually leave before they deal with this stuff! Binuksan ko ang packaging. Tunog krispy. "Paano ba 'to?" Tinanggal ko ang sticker sa likod. Okay, sticky side. Didikit ko ba sa balat ko? Parang salonpas? "f**k, ang hirap naman maging babae!" reklamo ko habang sinusubukang i-align yung wings sa panty ko. Pagkatapos ng limang minutong pakikipagbuno kung saan nagkadikit-dikit ang napkin sa daliri ko at sa hita ko nagawa ko ring ilagay. Sinuot ko ang panty. Pakiramdam ko... may unan sa pwetan ko. Or parang naka-diaper ako. Ang init. Ang sagwa. At ang sakit ng puson ko! Parang may boksingero na sumusuntok sa matris ko—wait, may matris na ako?! Lumabas ako ng banyo na paika-ika ang lakad. Imagine mo si John Wayne na cowboy, pero naka-floral pyjamas. BREAKFAST FROM HELL Pagbaba ko sa dining area, nandoon na si Daddy nagbabasa ng dyaryo, at si Mommy naghahain ng sinangag. At may isa pang nilalang sa mesa. Ang kapatid kong si Lena. Lena Valdaramos. 20 years old. Gen Z to the core. Ang buhay ay umiikot sa t****k, iced coffee, at pang-aasar sa akin noong lalaki pa ako. "Good morning, Ate!" bati ni Lena habang nakatutok ang phone sa mukha niya. Nagva-vlog yata. "Look guys, my sister is awake and she looks like... a zombie?" "Shut up, Lena," garalgal na boses ko. Humila ako ng upuan. Umupo ako sa natural kong position. Manspread. Binukaka ko ang hita ko nang malapad, sumandal sa upuan, at kinamot ang tiyan ko sa ilalim ng pyjama top. "Hayup na napkin 'yan, makati," bulong ko. PAK! Hinampas ni Daddy ang dyaryo sa mesa. Napatalon ako. "Alexandra!" sigaw ni Dad. "Isara mo nga 'yang hita mo! Para kang kanto boy kung umupo! Nakikita na ang singit mo!" "Dad, relax! Masakit puson ko, kailangan huminga ng..." Napahinto ako. Sasabihin ko sanang balls ko, pero wala na nga pala. "...ng flower ko." "Flower?!" Nasamid si Lena sa kape niya. "Ate, ang cringe mo!" "Wala akong pakialam kung masakit ang puson mo," striktong sabi ni Dad. "Ang babae, dapat demure. Sit properly! Cross your legs!" Napanganga ako. Dati, kapag umuuwi akong lasing at nakabukaka sa sofa, tatawanan lang ako ni Dad at sasabihing 'That's my boy.' Ngayon, kulang na lang ipadala ako sa finishing school? Pinag-cross ko ang legs ko nang padabog. "Kain na," sabi ni Mommy. Kumuha ako ng hotdog. Sinubo ko ito nang buo yung style na pang-asar ko dati sa mga tropa ko. "Daddy oh! Si Ate, ang bastos kumain!" sumbong ni Lena. Tinignan ako ni Dad ng masama. "Hiwain mo 'yan, Alexandra. Don't eat like a glutton." "It's a hotdog, Dad! Alangan naman tinarin ko?!" "Yes! Use a fork and knife! You represent this family. Ayokong marinig na ang anak kong babae ay kumakain na parang construction worker." Padabog kong hiniwa ang hotdog. This is torture. Literal na impyerno. Nawalan na ako ng junjun, nawalan pa ako ng karapatang kumain ng hotdog nang payapa. Habang kumakain, tumunog ang phone ni Lena. "OMG, Ate! Sale ngayon sa Shein! We need to shop for your outfits for the party tonight!" Muntik ko nang maibuga ang kape ko. "Party?" "Duh? Birthday ni Franco? Your best friend? Diba sabi mo kagabi excited ka?" Franco. s**t. Oo nga pala. Birthday ng gago. Wait. This is my chance! Kapag kasama ko si Franco at ang mga tropa, makakalimutan kong babae ako. I can drink, smoke, and act like a man. Franco understands me. He’s my bro. "Okay," sabi ko, biglang nabuhayan ng loob. "Pupunta tayo. Pero ako pipili ng suot ko." Ngumisi si Lena. Yung ngiting may balak. "Sure, Ate. Whatever you say." THE FASHION DISASTER Pagkatapos kumain (at pagkatapos pagalitan ni Dad dahil nag-burp ako nang malakas), hinila ako ni Lena sa kwarto ko. Binuksan niya ang closet. "Okay, Ate. Since birthday ni Kuya Franco, dapat kabog ka. You need to look stunning." Naghalungkat ako sa cabinet. Hinahanap ko ang mga dati kong damit. Oversized shirts? Hoodies? Loose pants? Wala. Puro crop top. Skimpy shorts. Spaghetti straps. Backless. "Nasaan ang mga damit ko?! Bakit puro tela ng kurtina at panyo ang nandito?!" sigaw ko. "Ate, that's your style! Sabi mo last week, 'less is more'. Heto, suotin mo 'to." Inabot niya sa akin ang isang red dress. Tinignan ko 'to. "Lena, damit ba 'to o napkin? Ang liit!" "Bodycon dress 'yan! Fit na fit. Sige na, suotin mo na. Or isusumbong kita kay Daddy na nagbabalak kang magsuot ng panlalaki." Bwisit. The blackmail card. Padabog akong pumasok sa CR para magbihis. Ang hirap isuot! Ang sikip! Para akong suman na pinipilit ipasok sa loob ng dahon ng saging. At dahil may mens ako, kailangan ko pang siguraduhin na hindi tatagos ang wings ng napkin ko sa dress. Paglabas ko, humarap ako sa salamin. Napatulala ako. The dress hugged every curve. My waist looked tiny. My hips were wide. At ang dibdib ko... halos lumuwa na. I looked... hot. Like, really hot. Kung lalaki ako ngayon, I would totally hit on me. "Damn," bulong ko. "I'd f**k me." "Ate! Did you just say you'd f**k yourself?!" sigaw ni Lena na nasa likod ko, hawak na naman ang phone at nagre-record. "Wala! Sabi ko masikip!" Lumapit si Lena at inayos ang buhok ko. Nilagyan niya ako ng lipstick. "Perfect! Now, walk. Practice your walk." Naglakad ako palapit sa pinto. Stomp. Stomp. Stomp. Nakabuka ang paa, medyo nakayuko ang balikat, swing ng braso na parang siga. "CUT!" sigaw ni Lena. "Ano ba 'yan?! Para kang manghahamon ng suntukan! Hips, Ate! Use your hips! Like this!" Gumiling si Lena. "Swish, swish. Glide." Sinubukan ko. I tried to sway my hips. Pero dahil sa sakit ng puson ko at sa awkwardness, mukha akong pilay na pato. "Whatever, Lena. Tara na. Gusto ko nang uminom ng beer." "Oops! Teka lang." Nilabas ni Lena ang isang pair ng sapatos. Stilettos. 5 inches. Kulay pula. Tinignan ko ang sapatos. Tinignan ko ang paa ko. "No. f*****g. Way." "Yes way. Or no party." Napapikit ako sa inis. Sinuot ko ang heels. Pagtayo ko, parang nasa tuktok ako ng building. Ang tangkad ko na, pero ang sakit sa binti! "Okay, let's go!" masayang sabi ni Lena. Pagbaba namin ng hagdan, kumapit ako nang mahigpit sa railings. Bawat hakbang, dasal. Lord, wag niyo po akong hayaang mabalian. Sayang ang legs na 'to. Nasalubong namin si Mommy sa sala. "Oh, wow. Ang ganda naman ng anak ko," puri ni Mommy. "Pero Alexandra, 'yang lakad mo... bakit parang... may pigsa ka sa singit?" "Mom, it's the fashion," palusot ko. "High fashion." Lumabas kami ng bahay. Sumakay kami sa kotse (na si Lena na ang nag-drive dahil bawal daw ako mag-drive ng naka-heels at baka ibangga ko lang). Papunta na kami sa party ni Franco. Humanda ka, Franco. Your best bro is coming. At kahit naka-dress ako at naka-heels, ipapakita ko sa inyo na lalaki pa rin ako sa loob! Shot puno! Pero habang nasa byahe, naramdaman ko na naman ang pagtulo. Squelch. Napangiwi ako. "Lena..." "Yes, Ate?" "Feel ko napuno na yung napkin." "Eww! TMI!" Welcome to the life of Alexandra Valdaramos. SCENE: AT THE PARTY Pagdating namin sa bahay nila Franco, ang lakas ng tugtog. Amoy alak at usok. My natural habitat. Pagbaba ko ng kotse, agad naagaw ko ang atensyon ng lahat. Lahat ng lalaki sa labas yung mga tropa ko dati, yung mga kakilala ko sa gym lahat sila napahinto. Napatingin sila sa legs ko. Sa dibdib ko. Sa mukha ko. Narinig ko ang bulungan. "Si Alexandra ba 'yan?" "Grabe, ang hot pala ng kapatid ni Lena." "Pare, ligawan ko 'yan." Ligawan?! Mga gago! Tropa niyo 'to! Si Alexander 'to! Pinilit kong maglakad nang maayos (kahit mukha akong natatae dahil sa heels). Nakita ko si Franco sa may poolside, may hawak na beer. "Yow! Franco!" sigaw ko gamit ang pinakamalalim kong boses (na tunog teenage boy na nagbibinata). Lumingon si Franco. Nanlaki ang mata niya. Nalaglag ang hawak niyang red cup. Tumapon ang beer sa sapatos niya. Natulala siya sa akin. Mula ulo hanggang paa. Nilapitan ko siya at sinuntok sa braso. "Happy Birthday, gago! Tulala ka dyan? Pahingi ngang beer!" Hinawakan ni Franco ang braso ko kung saan ko siya sinuntok. Pero hindi siya nasaktan. Nakatitig lang siya sa akin, mukhang... hypnotized. "Alex..." bulong niya. "You look..." Napalunok siya. "...ravishing." Kinilabutan ako. Ravishing?! Anong klaseng word 'yan?! "Tigil-tigilan mo ako sa english mo, Franco. Asan ang alak? At asan ang lechon? Gutom na ako!" Akmang kukuha ako ng beer sa cooler nang biglang may humarang sa akin. Isang lalaki. Matangkad. Gwapo. Matipuno. Naka-leather jacket at amoy mamahaling pabango. Yung tipong amoy fuckboy. Parang nakaharap ako sa salamin noong lalaki pa ako. Ngumiti siya sa akin. Yung ngiting alam kong ginagamit ko dati para mapahulog ang panty ng mga babae. "Hi, beautiful," sabi niya. Ang boses, smooth as silk. "I don't think we've met. I'm Deon." Inabot niya ang kamay niya. Tinignan ko ang kamay niya. Tinignan ko ang mukha niya. The arrogance. The smirk. The confident stance. Putangina. Ako ba 'to dati? Ganito ba ako kamo-mukhang gago? Tinaasan ko siya ng kilay. "Deon?" sabi ko. "Move. Nakaharang ka sa beer." Nakita ko ang gulat sa mata niya. First time sigurong may tumanggi sa kanya. Mas lalong lumaki ang ngisi niya. "Feisty. I like that." Oh no. I know that look. That's the look of a hunter finding a challenging prey. And apparently... I am the prey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD