A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐
[In geometry, parallel lines are lines which do not meet, not intersect or touch each other. Tangent lines are lines which at some points are apart but that touches or intersect at a certain time. ]
A/N: Read Isla's name as "Ay-lah". Her full name, Islanda as "Ay-landah"
----- 12 YEARS AGO | 12 YEARS OLD LIAM -----
Nakaupo sa isa sa mga upuan sa auditorium si Liam habang hinihintay na tawagin ang pangalan niya bilang susunod na sasalang sa audition bilang prinsipe sa school play nila na Sleeping Beauty.
"Liam."
Liam looks up and parts his bangs sideways that were almost covering his blue-eyes to look at his female teacher. "Yes?"
Ngumiti sa kaniya si Teacher Helen at sa taong nakatayo sa likod nito. "Siya po si Liam."
The middle-aged man with the same blonde hair as his, crunches down to level with him. "You are Liam Emmanuel Allejo-Torres?"
Liam stares straight at him. And like his hair, the man also got the same shade of blue on his eyes. "I am."
Slowly, the man lends his huge hands towards Liam. "H-Hi." His voice shaking as if he's close to crying. "I-I am Elijah Miller."
Liam's mom, Lizbeth, strictly told him not to talk to strangers now that a lot of people are approaching him to be recruited on their agency. Yet, involuntarily, his small hand took his extended palms and shakes it. "Hello po---"
Di na niya natapos ang sasabihin nang bigla siya nitong niyakap nang mahigpit.
----- PRESENT | 8 MONTHS AFTER THE MS. TAGPI 2018 CONTEST -----
"LIIAAAAAAMMMMMMMMMM!!!!" "MARRRRRRY ME, SENPAAIIIIIIII!!!" "OPPPPPPPAAAAAAAAAA!!!" "LIAAAAAAAAAAM!!"
Di magkamayaw na sigaw ng mga fans ni Liam sa labas ng building na pinag-sho-shooting-an niya ng isang soft-drinks commercial. Fans are either waving their posters and banners or raising their cameras to take a picture of the guy they labelled as: The Nation's Idol.
Liam Emmanuel Allejo-Torres was discovered at the young age of 12 years old by no other than the owner of Smith&Miller Conglomorates, Elijah Miller as he was auditioning for a prince role on one of his school play. With Eli's influence, Liam rose to fame and became one of the sought-after faces on the world.
Ironically, just five months ago, he found out he was Elijah's illegitimate son with real name: Isaiah Clark Torres-Miller and the brother to Eli's legal descendant, his ex-manager and the current CEO of the S&MCg., Isaac Roe Smith-Miller.
And oh, Isaac is and always be Avery's true love.
Avery was Liam's childhood and almost-lover. Liam lost Avery to the man who has the world on his hand— his half-brother, Isaac.
.
.
Unang lumabas sa building ang mga bodyguards na agad bumarikada sa exit para bigyang daan ang papalabas ng idolo. They stretched their arms to stop the raging fans to horde the path. May isang bodyguard na nag-slide ng pintuan ng heavy-tinted na van pabukas. The big-bodied man then grabs the walkie-talkie from his pocket to his mouth. "Pathway is clear."
"LIAAAAAAAAMMMMMMMMMMM!!!" Mas lalo pang lumakas ang sigawan at naging agresibo ang mga fans upang makalapit nang lumabas si Liam mula sa building.
Clad in brown trench-coat over a white v-neck shirt, denim jeans and white sneakers, Liam looks down and covers his face with his white cap to conceal his face as he walks towards the van.
Kahit nakayuko, masakit pa rin sa mata ni Liam ang mga flashes ng mga camera o smartphones na nakatutok sa kaniya. Binilisan niya ang hakbang at pumasok sa van. Agad namang dinulas pasara ng bodyguard ang pintuan.
Inside the van, Liam called his mom and left a voicemail. "Ma. I'll be home today." He removes his white cap. "Can you cook me adobo? Thanks. I love you. See you in a bit." After he turns off the call, he leans on the seat's headrest and looks down at his phone's wallpaper: A chubby Avery piggyback riding him.
Napangiti si Liam sa masayang mukha ng kaibigan. Pero unting-unti ring nawala ang ngiti niya nang maalala ang pinagdadaanan ni Avery ngayon sa relasyon nila ni Isaac nang magka-amnesia ang lalake.
He let out a heavy sigh. He wanted to think that he could treat Avery better, but her heart belongs to his half-brother. Fate loves to play with them.
Tumingin siya sa labas ng bintana—sa mga nadadaanan nilang mga nagtataasang-building.
Okay sana kung di niya kapatid sa ama si Isaac kasi kaya niyang makipagpaligsahang paibigin si Avery. But, Isaac grew up alone despite having a father in the form of Eli. Noong manager pa niya si Isaac, he knew Ice has a distant relationship with the elderly business mogul.
It's not that Liam's giving up Avery para ibigay lang ito kay Isaac. It's just Avery loves Isaac so much and the woman let Isaac feel he is at home by loving her back. Seeing them look at each other with love, magmumukha lang siyang kontrabida at tanga kung ipagsiksikan pa niya ang sarili.
Kailan pa kaya siya makakita ng babaeng tulad ni Avery.. yung walang pekeng ngiti o scripted na sinasabi. Yung pwede siyang magbiro, magmura at... di matakot na umutot??
He laughed at the thought. Only Avery can love him like that.
"ISLANDA!!!" Tawag ni Aling Lita mula sa labas ng barong-barong ni Isla. "ALAS DIYES NA!!! LANGYA KANG BATA KA!!! UBOS NA ANG BAGO AT PRESKONG DATING NA ISDA SA PANTALAN SA BAGAL MONG KUMILOS!!"
Sa maliit na barong-barong ni Isla na gawa sa manipis na plywood at kisame na galing sa yerong nilipad lang ng bagyo sa barangay nila, nilabas ni Isla ang ulo sa bintana [na binutas lang sa plywood para masabing may bintana] at sumigaw. "ANDYAN NA ALING LITA!!!"
Pinasok niya ang ulo at kinuha ang tuwalya na sinabit niya sa umuubo niyang ceiling fan sabay hablot na rin sa tupperware na laman ang isang sachet ng Head and Shoulders na shampoong pinagkasya niya ng isang linggo at pink na sabong Safeguard. Di uso conditioner sa kaniya.
Lumabas siya sa hugis-kahon niyang barong-barong at mabilis na umikot sa likod kung saan naka-pwesto ang improvised na banyo niya na gawa sa mga tinatapong naglalakihang poster ni Vilma Santos na nag-e-endorse ng Bear Brand na gatas at ni Coco Martin sa kapeng Nescafe. Pumasok siya sa loob at pinihit pabukas ang gripo [na dinugtong lang niya sa katabing banyo ng mga Sandoval na binabayaran niya ng 100 kada buwan].
Habang umaagos ang tubig, mabilis siyang naligo at di alintana ang nakangiting mukha ni Coco Martin sa poster na nakatingin sa kaniya..
'Ha! Hanggang tingin ka nalang sa yummy kong katawan, Coco.' Kinuha niya ang shampoo, piniga sa kamay at kinuskos sa buhok. Matapos bumula, hahablutin na sana niya ang tabo sa balde ng narinig niyang unti-unting namamatay ang tubig na lumalabas sa gripo.
"ANAK NG---" Lumabas siya sa banyo at tumingala sa bintana ng kapit-bahay. "KAPITAN JEROME!!" Sigaw niya. "TUBIG HO!!! NAGMAMADALI AKO---"
Naputol ang pagsisigaw niya nang lumabas ang ulo ng bruhang asawa ng kapitan na si Madame Gloria. "Bago ka mag-demand ng tubig, magbayad ka muna!"
"Kakabayad ko lang kahapon---"
Di na siya naka-angal ng pabalandrang sinara ni Madame Gloria ang bintana nito.
"BWESIT!" Napapadyak nalang siya sa inis sabay pasok sa banyo niya. "Konti nalang papakulam ko talaga ang matandang yun! Na sana'y tubuan siya ng sungay sa butas ng puwet niya!"
Naglakad si Isla na may bula pa ang buhok papunta sa malayong poso. May nakalinya pang mga ka-barangay niya na makikigamit rin sa poso kaya nakihintay na rin siya. Binilang niya ang naghintay, pang-labing dalawa siya. Huminga siya ng malalim. Walang siyang ibang choice kundi maghintay.
.
.
Tuyo na ang shampoo sa buhok niya ng turno na niyang gumamit ng poso.
"OYYY!!! DALAWA NALANG KULANG AALIS NA ANG JEEP!! PAPUNTANG MONUMENTO, DALAWA NALANG!!" Sigaw ni Isla habang nakakapit sa b****a ng jeep at winagayway ang bimpo na basa sa pawis. Naka-malaking t-shirt siya na kulay asul at shorts na hanggang tuhod ang taas habang tinago naman niya ang mataas na buhok sa suot niyang puting sombrero para di sagabal sa paggalaw niya at para na rin di mainit sa leeg niya. "DALAWA, DALAWA! MONUMENTO!!"
Matapos niyang tulungan si Aling Lita na kumuha ng mga isda sa mga bangkang kararating lang mula sa laot, tinutulungan rin niya itong idisplay ang mga isda sa pwesto nito sa palengke. Siya rin taga-sigaw sa mga namamalengke na bumili ng mga isda nila. Kung swertehin na maagang maubos, suma-sideline rin siyang barker ng mga jeep sa terminal.
"DALAWA! DALAWA!! MONU—Ugh! Ugh!" Napaubo siya sa dala ng tuyo niyang lalamunan. Kinuha niya ang pera sa bulsa para bumili ng nilalakong mineral water sa kalsada ng makitang 100php lang pala ang sahod niya kanina sa isdaan kasi late raw siyang pumasok at wala masyadong nakuhang isda na presko. 25php pa naman ang tubig na binebenta.
'Tch! Sabay binalik niya ang pera sa bulsa. Doon nalang ako bibili sa tig-pi-piso-pisong tubig machine.'
Tang*na. Lahat nalang ng problema niya ngayon ay dahil sa tubig.
"Ma!" Tawag ni Liam nang pumasok siya sa bahay nila. Nilapag niya ang bag sa sofa. "I'm home!"
Being an idol and always travelling, Liam seldom goes home. His bachelor's pad seems to be a one-stop place for him to change clothes and sleep for few hours only. Kung uuwi siya sa mismong kinalakihan niyang bahay, ibig sabihin lang niyon ay may dalawa o tatlong araw siyang pahinga. He decided to spend it with his mom since most of the time she's alone and no one can beat a mother's cooking.
Lumapit si Liam sa hapag-kainan at napangiti. His mom cooked his favorite adobong manok as requested. "Ma!" Tawag uli niya sabay kuha ng tinidor at tinusok ang sahog na patatas.
He's munching the potato when she entered the house from the backyard.
Umirap sa kaniya ang ina na may dalang mga bagong tuyong kurtina.
"Hey there, beautiful." He greeted her and plants a greasy kiss on his mother's cheek. Binalingan uli niya ang adobo at kumuha ng laman.
"Di'ba sabi ko sa'yo na wag kang umuwi rito pag wala kang dalang bata?"
Napailing nalang si Liam habang ngumunguya at nagtusok uli ng patatas.
Her mother wants a kid. A grandchild to be exact, from him. After he celebrated his 23rd birthday last year, she keeps bugging him to give her a grandchild. Tamang-tama na raw ang edad niya na mag-settle down at magkapag-pamilya.
"Ma... how many times---"
Inis na initsa ni Lizbeth ang mga kurtina sa sofa. "How many times have also told you Liam Emmanuel Allejo-Torres that you are already in the ripe age to get married----"
"Hold it! I'm still 24, Ma. Don't make it sound like I'm 45 years old."
Naghuhurementado ang loob ng ina niya na pinulot ang mga kurtinang initsa at nag-martsa papalayo.
He sighs and clicks his tongue. "Tsk."
His mother is right. He might be in the right age to settle down but not on his current circumstances. He has a lot of commitments because of his profession and no woman in the right mind would like to be left alone in a house and a kid. Of course, if he ever becomes a husband, di niya iiwang mag-isa ang asawa niya.
"Ma, come on!" Humarap siya sa inang paakyat na sa hagdan papuntang second floor.
Huminto ito pero di siya nilingon.
"Don't you miss me? You know, I'm a jealous kid. Ayoko nang may kahati. Why would you want a child when you have me, your son, always cute and love to eat your homemade dishes---"
Mangiyak-ngiyak itong lumingon. "Gusto ko yung may humahabol sa akin at tawagin akong 'Lola'. Yung may kasama ako sa pag-go-grocery ko, yung may kakantahan ako sa gabi bago matulog at paliliguan ko. AT YUNG PALAGING ANDITO SA BAHAY AT SINASALUBONG AKO NG YAKAP!"
Natigilan si Liam.
Nagpatuloy itong umakyat papunta sa ikalawang palapag ng bahay.
Shit.
'Lalim ng hugot ni Mama 'ah. Is she suffering from menopause?' Sinubo nalang niya ang patatas na nakatusok sa tinidor.
[A/N: Menopause - is a normal condition that all women experience as they age. They stop menstruating that marks the end of their reproductive period.]
Kinahapunan, tambay na naman sila Empoy, Loloy at Isla sa tindahan ni Aling Nena.
"Sana may anak ako 'no?"
Napalingon si Loloy at Empoy habang kumakain ng barbecue sa kaibigang babae na nakaupo sa hollowblock.
"Di mo nga halos maitaguyod sarili mo, humihiling ka pa ng dagdag pasanin." Komento ni Loloy.
"Uy.. di 'ah." Lumabi si Isla na nakapatong ang baba sa gitna ng dalawang palad niya, siko'y nakatukod sa tuhod niya. "Di kaya pasanin ang mga bata. Ang cute kaya nila..."
Binato ni Empoy sa kaniya ang walang lamang stick. "Dahil sa cute, gusto mo na agad ng anak?"
"Gusto ko lang namang may kasama sa bahay ko."
"Bago mo isipin yan, may pera ka ba pang diapers? Gatas? Bakuna?" Sunod-sunod na tanong ni Loloy.
Inis na nilingon ni Isla ito. "Tumahimik ka! Parang wala kang apat na anak sa iba't-ibang babae. Kung makatanong ka na kaya ko... 'eh nabubuhay mga anak mo dahil sa mga nanay nila samantalang ikaw na tatay, buhay-bintata..."
"Oy! Nagbibigay rin kaya ako."
Tiningnan ni Isla ang mga ibong dumaong sa kalye. "Galing naman sa pagnanakaw mo..." Lumbaba niyang dagdag.
Matapos mamatay ni Aling Bebang ilang buwan na ang nakakalipas, doon mas lalong naramdaman ni Isla na ang lungkot pala ng buhay niya. Sanay na siyang iwan, oo. Pero pag nangyayari yun uli, parang binuksan ng matulis na kutsilyo ang sugat na kakahilom pa lang.
Yumukod siya at yumupyop sa pagitan ng dalawang tuhod niya.
Tama nga naman si Loloy. Bago niya isiping magka-anak, pabubusugin muna niya ang kumukulo niyang tiyan.
Siya ang tipong babaeng ang liit ng katawan pero bakulaw kung kumain.
'Letse.. saan ba napupunta kinakain ko at ang bilis kong gutumin.'
Liam throws a baseball which Andro – standing few feet away from him and wearing baseball gloves – catches. Andro is Avery's younger brother and a close friend of Liam.
"Bakit kasi di mo nalang bigyan ng apo si Tita Lizbeth." Tinapon uli ni Andro ang bola kay Liam na siya namang sinalo nito.
Nasa lumang soccer field sila ng kalapit na elementary school at naglalaro ng baseball.
"Di niyo ako naiintindihan..." He throws the baseball back at Andro. "...I'm always travelling. I can't possibly cut myself in half and be an idol and husband at the same time."
"Pwede mo namang ihabilin ang future wife at anak mo kay Tita Lizbeth kung ang pinoproblema mo lang..." Tapon ni Andros a bola sa kaniya. "...ay yung maiiwan ang asawa mo na mag-isa sa pad mo."
Hinihingal na binagsak ni Liam ang dalawang braso sa gilid niya. "I mean, if I decided to be a husband and a father, I want to be there for them. Not travelling to different countries. I want to see my kid's first steps or hear the first cry."
.
.
Nakakalokong ngumiti si Andro.
"What?"
"Advance ka mag-isip, Kuya Liam." Humagikhik ito.
-.- Right. Andro is still a 17 years old teenager. This topic is too deep for him.
Para itong ulol na unggoy kung ngumiti.
"Why am I talking with you anyway?" At malakas niyang tinapon ang bola papunta rito.
Kinagabihan, lukot ang mukha ni Isla na lumapit sa tindahan. "Aling Nena... isang napkin nga po." Sabi niya sa tindera.
Agad umani ito ng tawanan sa mga nag-iinuman sa labas ng tindahan.
"Oh! Akala ko ba lalaki ka, Isla?" Tukso ni Empoy na halatang natamaan na sa iniinom nitong Ginebra.
"Sampal ng napkin ko na puno ng dugo gusto niyo?" Masungit niyang bara dito.
"Babae pero bibig lalake." Ingos ni Junrey na uminom ng alak sa baso.
Matapos nagbigay ng bayad. Umupo ang naka-sombrero pang si Isla sa tabi ni Loloy – ang natitirang di lasing. Umiling siya nang naglahad si Empoy ng isang basong alak sa kaniya. "Kita mo ngang may menstruation ako, tanga."
"Shuuuuunggggiit mo. Pangit ka!" Pasuray na komento ni Empoy.
"Mas pangit nanay mo!" Inis naman niyang sagot.
Tumawa si Loloy at nilingon si Isla. "Ano problema?" Sabay inom ng alak na nilahad ni Junrey.
"Eh kasi si Aling Gloria!" Sabay kati niya sa tenga dala ng pagkabwesit. "Pinutol niya ang supply ng tubig! Kanina na magbabayad na sana ako, sinabihan pa ako na tataasan raw niya ang bayad. 300php na raw kasi mahal singil ng tubig. Eh panligo at panghugas ko lang naman ang tubig nila 'ah! Tapos kung makasingil, akala mo malakas agos ng tubig 'eh mas marami pa ang ihi ni Empoy sa naiimbak ko." Reklamo niya. "Liit lang nga sahod ko sa pagtutulong kay Aling Lita sa palengke at sa pagiging barker ng mga jeep! Kabanas!! Ano ba nakita ni Kpt. Jerome sa bruhang 'yun!?"
Kahit maikli lang ang pasensiya niya'y nakaya niyang pagtiisan ang buhay na halos patay na ang katawan sa pagkakayod pero di pa rin umaasenso.
"Sumama ka na kasi sa raket namin." Alok ni Junrey sa kaniya.
Nilingon ni Isla ang kaharap. Ang ibig sabihin nitong raket ay ang pagnanakaw. Umiling siya. "Pass. Wag niyo sanang masamain ang paulit-ulit kong pagtanggi pero mahirap man ako, ayaw kong magnakaw para lang mabuhay. Kaya kong kumayod."
"Sheesss, Isla! Alam namin na ikaw ang pinakamatiyaga sa atin. Pero saan ka ba dinala ng pagiging matiyaga at marangal mo?" Kulang nalang ay matumba si Junrey sa kinauupuan nito dala ng kalasingan. "Yung napanalunan mong 100,000 sa contest, naubos mo lang sa pagpapalibing kay Aling Bebang at sa pagbayad sa ni-rentahang gown mo." Sa inis ni Aling Gloria sa ginawa niyang pagpapanggap bilang Tilda, di nito binayaran ang mga nirentahan gown at napilitang akuin ni Isla ang problema kesa ipakulong siya ng may-ari.
"A-Alam mo ba? Isang nakaw na Iphone? Nagkakahalaga ng 20,000 sa merkado?? Saan ka makakita ng easy money na ganiyan?" patuloy ni Junrey.
Nagtawanan na sumang-ayon ang iba.
"Sa pagtutulak ng droga?" Sagot niya.
"Sige, para patayin ka ni Duterte sa Oplan Tokhang niya." Umiiling na saad ni Empoy.
Nang makauwi at makapagbihis, ini-on ni Isla ang ceiling fan niya at pinatay ang ilaw sabay higa sa kama niyang gawa mula sa mga pinagpatong-patong na mga karton. May kuryente sa maliit na barong-barong niya kasi nakikonekta rin siya sa kapitbahay na binabayaran niya ng 300 kada buwan. Tanging ilaw at ceiling fan lang naman ang pinagagamitan niya ng kuryente.
.
.
Hinihila na sana siya ng antok nang biglang nakaramdam siya ng init. Mabilis na dinilat niya ang mga mata at nakitang bumabagal ang ikot ng fan niya hangga't sa huminto ito.
At parang nasagot ang palaisipan niya kung bakit nang sumigaw uli si Madame Gloria. "MAGBAYAD KA RIN NG KURYENTE!!!"
*BLAG* Tunog ng malakas nitong pagsara sa bintana.
.
.
Kinagat nalang ni Isla ang ibabang labi at pinilit matulog para baka sakaling malunod sa panaginip niya ang ang sakit niyang puson at sama ng loob sa matandang babae--- 'Lord, sana sa panaginip ko... mayaman ako at yaya ko ang Gloriang yun.' Humagikhik siya at tahimik na nagdasal.
Napatingala si Lizbeth mula sa pag-ga-gantsilyo kinaumagahan nang makitang bumaba sa hagdan ang anak. "Saan ka pupunta?"
"Magkikita ho kami ni Avery." Tumingin sa salamin si Liam sabay sinuot ang shades at takip sa ulo gamit ang green hoodie jacket bilang disguise. "Hihingi kasi siya ng tips sa bagong fashion show na sasalihan nito."
"Naiwan mo ang cellphone mo rito sa sala." Lahad ng ina niya sa IPhone niya. "Ilang beses na tumawag si Hailey kaya sinagot ko nalang."
"Oh? What did she said?" Upo ni Liam sa single sofa kaharap ang ina.
"Liam... kung ayaw mong mag-asawa, kumuha ka nalang kahit assistant o caretaker sa pad mo." Hinubad nito ang suot na eyeglasses.
'Ow? What's with the change of heart' He's playing the black piercing on his right ear. "Caretaker? I don't need---"
"Tumawag si Hailey. Pumunta siya sa pad mo para kunin ang pinirmahan mong kontrata. Di niya mahagilap ang dokumento sa dami ng kalat doon. The last time I came to your pad, nasa sink pa ang pinagkainan nating mga plato nung nakaraang buwan. Also, you can't even keep your things orderly in your van! Goodness, Liam!" Sermon nito.
"Mom, I can handle it, okay? Hailey can do it---"
"Manager mo si Hailey, Liam. Hindi katulong."
"I mean wala naman ako palagi doon since I'm either travelling or sleeping at the van. Plus, ayaw mo nun, umuuwi ako rito sa bahay para makita ka?"
Umiiling na pinagpatuloy ni Lizbeth ang pag-ga-gantsilyo. "Umuuwi ka lang rito dahil sa adobo."
Liam raises a thumbs-up. "Mom, your adobo's the best. Kaya ayaw kong mag-hire ng caretaker kasi baka pangit lasa ng lulutuin niya."
"Caretaker ang kukunin mo Liam. Di taga-luto." Ngiting-inis ni Lizbeth sa anak. Alam na alam niyang tamad si Liam sa paglilinis. "Pupunta ako sa pad mo." Imporma niya. "Ipapa-laundry ko lahat ng mga damit mo. Sigurado akong inaalikabok na yun doon."
Tumayo si Liam at humalik sa pisngi ng ina. "Whatever suits you, mother."
"Mag-ingat ka." Bilin niya sa anak.
Nagsasaing ng mainit na tubig si Isla sa tabi ng puno ng sampalok sa labas ng barong-barong niya para makapagtimpla ng gatas. Nakaupo siya na parang palaka at namimilipit sa sakit ng puson. 'Diyos ko, bakit hindi niyo nalang ako binigyan ng t**i!!! Ang saakiiittt!!!!' Gusto niyang sumigaw.
.
.
Nagbigay ng bente pesos si Isla sa cashier ng pharmacy bilang bayad sa pain reliever na binili para sa sumisigaw na sakit ng puson niya. Pigil niya ang sarili na wag humiyaw na naglakad dahan-dahan palabas. "Anak ng teteng naman 'oh." Di siya makagalaw sa kondisyon niyang ito. Di makagalaw equals walang trabaho equals walang pera.
Umupo siya sa bench sa labas ng pharmacy habang minamasahe niya ang puson. "Umalis ka na please...wala akong pambili ng pagkain ngayon kung patuloy ka pang mambwebwesit." Sumandal siya sa inuupuan nang may pumaradang kotse sa harapan niya. 'Sarap maging mayaman siguro no? Yung pinoproblema mo lang ay kung anong susuotin mo o anong kotse ang gagamitin mo bukas? Kelan ko pa ba yun mararanasan?'
Agad siyang natauhan. 'Hoy, Isla! Di ikaw 'to!' Pinagalitan niya ang sarili. 'Wag kang magreklamo kung ito ang buhay ng binigay sa'yo ni Lord. Binigyan ka Niya ng pagsubok kasi alam niyang malalagpasan mo 'to! Oo, dala lang ito ng sunod-sunod na problema mo, Isla.. tama.. tama..'
Tatayo na sana siya nang lumabas mula sa nakaparadang itim na Ford Ranger na kotse ang isang lalake. Bahagyang nakalimutan niya ang sakit sa puson ng masamyo niya ang bango nito. Lalakeng-lalake talaga. Nakasuot man ito ng green hoodie at shades, di pa rin maikukubli nito ang mala-Amerikano nitong buhok, ang matangos na ilong at mapupulang labi... at s**t!!! Ang kinis ng mukha nito! Kahit langaw siguro madudulas pag nag-landing doon. At kahit nakatalikod ito sa kaniya, halatang matikas ang pangangatawan sa lapad ng mga balikat nito---
'Teka... ba't parang pamilyar siya sa akin?? ... Saan ko ba siya nakita?'
Nakita niya itong pinindot ang key-remote ng kotse at may t-in-etext sa cellphone. Lumilingon pa ito sa paligid at nang makita siyang nakatingin rito, agad itong yumuko.
'Huh? May ka-meet ba itong drug p****r? Kung maka-yuko, wagas.' Umingos siya at lilingon na sana siya sa ibang direksyon nang makita niya ang nakausling pitaka nito sa bulsa.
> "Sheesss, Isla! Alam namin na ikaw ang pinakamatiyaga sa atin. Pero saan ka ba dinala ng pagiging matiyaga at marangal mo?" Alala niyang sabi ni Junrey sa kaniya kagabi.
Agad niyang pinilig ang ulo. 'Tumigil ka, Isla ha!' Pero mas lalong napalunok siya nang nilagay ng lalake sa likod na bulsa ng designer jeans nito ang pitaka at ang latest na Iphone na cellphone nito.
> "Alam mo ba? Isang nakaw na Iphone? Nagkakahalaga ng 20,000 sa merkado?? Saan ka makakita ng easy money na ganiyan?"
Pumikit si Isla. 'Tae ka, Junrey! Umalis ka sa utak ko, pwede ba?!' Dala ng sakit na nararamdaman, maingat na tumayo si Isla 'Makaalis na nga rito.. baka kung ano-ano pang maisip ko..' Pero bago pa siya makahakbang..
.
.
*UKKKKK* Ungol ng tiyan niya.
.
.
Kinagat ni Isla ang ibabang labi at lumingon sa lalakeng nakasandal na sa streetlight at naghihintay sa kung sinuman ang hinihintay nito. Naglakad siya dahan-dahan papalapit rito. 'Isla!!!!' Sigaw ng puso niya. 'Masama ang ginagawa mo!!!'
Di nakinig ang utak niya. 'Tumigil ka!! Buhay-buhay ito! Mamamatay tayo sa gutom kung di kakain si Isla!! Isla, kung ito nalang ang tanging paraan... gawin mo!!'
Nang makarating siya sa likuran ng lalake. Lumunok siya. 'Sorry po, Lord!!!' At akmang dadakmain na sana ng nanginginig na kamay niya ang pitaka at cellphone nito, nang biglang sumulpot ang kamay ni Empoy na syang maliksi na kumuha ng mga gamit sa bulsa nito at kumaripas nang takbo papalayo.
Naramdaman siguro ng lalake ang pag-alog ng bulsa nito kaya lumingon ito sa likod.
.
.
Na-estatwa ang gulantang na si Isla habang nakatingin sa direksyon na tinahak ni Empoy habang ang isang kamay ay nabitin sa ere malapit sa bulsa ng lalake.
"What the---"
Nilingon ni Isla ang kaharap na pulang-pula ang mukha sa galit. "Huh?" Napatingin siya sa nakabitin niyang kamay at agad itong binaba. "T-Teka... nagkakamali k-ka!" Halos lumabas ang puso niya sa dibdib sa lakas ng t***k nito. "Wala akong a-alam----" Nagkakabuhol-buhol ang dila niyang depensa sa sarili. "M-Maniwala ka-----"
"ISLA!!!" Malakas na sigaw ni Empoy mula sa malayo. Napalingon siya at ang lalake sa direksyon nito. "ANONG GINAGAWA MO DIYAN! HALIKA NA!!!!!!!"
Pumikit nang mariin si Isla. 'P*TA KA EMPOY!!! BABALATAN KITA NG BUHAY MAMAYA, BWESIT KA' At mabilis na kumaripas nang takbo papalayo sa lalake sabay sigaw. "SOOOORRRRRRRYYYYYYYYY!!!!"
"COME BACK HERE!!" Rinig niyang malakas na sigaw ng lalake.
Di na siya lumingon pa.
Hinihingal na huminto si Isla nang lumiko siya sa isang eskinita at nakitang nag-high-five si Empoy at Junrey sa isa't-isa habang tangan ng nauna ang pitaka at cellphone ng biktimang lalake.
Napaluhod si Isla at habol pa rin ang hininga na nakatingin sa dalawa. Lumingon si Junrey at nagulat nang makita siya. "Isla?? A-Anong ginagawa mo rito?"
Siniko ni Empoy si Junrey. "Pasalamat tayo sa kaniya. Siya nag-bigay ng tip sa atin kung sino next target." Nilabas pa nito ang dila na tumingin sa matabang pitaka. "See?! Tibo-tibo tayo nito 'pre!"
"Ow talaga---"
"N-Nagkakamali kayo!!" Pasigaw na singit ng nakaluhod pa ring si Isla. "WALA AKONG ALAM! DI AKO KASALI!!!!" Tumayo siya at tumingin sa dalawang ka-tropa. "DI AKO MAGNANAKAW!!"
Ngumisi si Empoy. "Eh anong ginagawa mo sa likod ng lalake?"
Di agad nakahuma si Isla sa tinuran ni Empoy.
"Alam kong nagdadalawang isip ka, Isla mula nang makita kitang naglalakad papalapit sa lalake at kung paano ka hunos-diling hahablot sa pitaka at cellphone nito. Kung ang sagot mo ay dala ng pangangailangan, nagnanakaw kami dahil na rin sa pangangailangan namin. Kaya di magkakalayo ang ginawa natin. Nagawa mo man o hindi---- ARAY!" Inis na nilingon ni Empoy nang binatukan siya ni Junrey sa ulo. "Ano ba?!"
Palihim na pinagdilatan ng mata ni Junrey ang maingay na kaibigan at tinulungang tumayo si Isla. "Okay ka lang?"
Tumayo si Isla at yumuko. Kinagat niya ang ibabang labi at umiling. "H-Hindi..." 'Hindi ako ang nagnakaw... Pilit niyang kumbinse sa sarili.
Pero tama si Empoy. Nagawa man niya o hindi ang pagnanakaw, sa isip pa lang niya na planong pagnakawan ang lalake ay parang...ginawa na rin niya iyon.
Naiwang nangangalaiti sa galit ang nakatayong si Liam na nakatingin sa tumatakbong pigura ng taong kasabwat nung nag-snatch ng pitaka niya. Jersey. Color Green. Number 14. White Cap. Tanda niya sa suot nito. He immediately grabs his phone behind his pants to call a nearby police station when...
Nilingon ni Liam ang likurang bulsa ng pantalon niya para i-double check ang di niyang makapang cellphone. "Where's my---" Doon lang niya napagtanto na matapos tinext si Avery sa location niya ay nilagay niya sa bulsa ang cellphone kasama ang pitaka. "AH DAMN IT!!!!" He curses loud making some passerby to look at him.
Aware of the stares, Liam immediately pulls his hoodie lower to cover his head. s**t! s**t! His phone! His contacts! His photos of Avery! f**k!
"Oh!" Tapon ni Loloy kay Isla sa Iphone ng biktimang lalake kanina. Nasa harap uli sila ng tindahan habang masayang nag-iinuman na naman ang mga ka-tropa niya dahil naka-jackpot sa malaking perang nanakaw.
Niyuko ni Isla ang Iphone. "A-Ano 'to?"
"Isangla mo." Ani ni Tinong, isang miyembro ng Batang Tagpi Gang, nang makita nito ang naguguluhan niyang mata. "Bagong modelo yan ng Iphone kaya mga 30-35,000 ang makukuha mo nyan sa sanglaan. Balato ni Boss Rene kasi malaking isda agad nakuha natin ngayong araw."
"TAGAY!" Sigaw ng lasing na si Empoy.
Tiningnan ni Isla ang mamahaling gadget. Kulay silver ito at halatang bagong-bago. 'Ito? Kung isasangla ko ito... may instant pera na agad ako? 35,000? Ilang buwan kaya akong di mamomroblema sa tubig at kuryente non?'
"ISLA! TAGAY!" Alok ng lasing ring si Junrey.
Mabilis na sumimangot ang mukha niya. "May menstruation nga ako!! Paulit-ulit?"
"Eh? Akala ko issshaang araw lang 'yun?"
"Uminom ka na nga!" Inis na tumayo si Isla. "Para masunog na mga atay niyo at matahimik na barangay natin!"
"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Loloy.
"Magpapahinga na." Sagot niya. Naubos lakas niya kanina sa sakit sa puson, sa pagtakbo at sa maingay niyang konsensiya.
Matapos binuksan ang bintana ng maliit niyang barong-barong para pumasok ang malamig na hangin, sunod namang kinabit ni Isla ang mosquito net para iwas kagat ng lamok. Nasa tabi ng riles ng tren kasi ang barangay nila kung saan nakaimpok halos halo-halong basura, matataas na damuhan o di matuyo-tuyong tubig baha kaya mainam na ang maging handa.
Ngayong wala siyang kuryente, hanging amoy-putik muna ang magsisilbing niyang pampalamig sa mainit niyang bahay.
Pumasok siya sa kulambo at humiga sa improvise na kama niya sa sahig. Inunan niya ang kaliwang braso sa ulo habang silip-silip pa rin ang Iphone. "Seryoso? Mamahalin ang cellphone na'to? At may bumibili talaga? Ganun nalang ba karangya ang ibang tao?" Tiningnan niya ang screen. "Paano ba 'to i-on---"
*DING*
"TANG---" Malapit niyang mabitawan ito nang biglang tumunog. Binasa niya ang sulat sa screen. " 'Message. Mom. Makakauwi ka ba ngayon?' Wow. Sosyal. Mom." Bago dumilim ang screen, nakita niya ang litrato sa likod ng notification. [A/N: Ang wallpaper]. Isang selfie ng lalake at ng isang matabang babae. "Hmm...girlfriend niya 'ata-----" Natigilan siya nang makita ang mukha ng lalaki.
.
.
"T-Teka!! Si ano 'to 'ah...." Agad siyang kinabahan nang mamukhaan ang lalakeng halos laman parati ng mga magazine at telebisyon. "S-Si----" Unti-unting nanlamig ang kalamnan niya.
*DING*
Tumunog uli ang Iphone. Isang message uli. " 'Message. Isaac Roe. Liam, we'll have a meeting for the upcoming Talent Camp. Be there.' "
Nabitawan niya sa gulat ang gadget na nahulog sa tiyan niya sabay takip ng bibig. Isaac Roe Miller. Ang CEO ng Smith&Miller at dating manager ni... ni...
"PUTTTTTCCCCCCHHHHHHHHAAAAAA!!! SI LIAM ANG MAY-ARI NG CELLPHONE!???!!!!!!!!" Malakas niyang tili na nalunod lang sa ingay ng paparating na tren.
Habang naghahanda ng hapunan, nasa harap ng stove si Lizbeht na napalingon sa binalita ng anak. "What?" Huminto siya sa paghalo ng sahog sa nilulutong pansit. "Nanakawan ka?!"
"You don't have to repeat it, Ma." Hapong-hapong umupo si Liam sa single settee na sofa.
Lumabas siya sa kusina at hinarap ito. "Yan na nga sabi ko!" Nameywang si Lizbeth sa unico hijo niyang umuwing nag-co-commute ng tricycle. "Because you're too careless with your surroundings just like a child!!"
Ngumiwi si Liam. "Geez, thanks.
"Magalit ka na, hahanap ako ng assistant o caretaker mo---"
"What's that got to do with the snatching incident?" Tiningala ni Liam ang ina.
"Kasi kung may assistant ka, di ka magdadala ng maraming pera sa pitaka mo at sana dapat credit card lang ang laman ng wallet mo. Since walang kang assistant, di mo alam ang ganung mga bagay!" Huminga ng malalim si Lizbeth matapos mag-lintanya ng di humihinto. "Oh ngayon? Wala ka ng cellphone? Paano pag hindi lang holdap ang inabutan mo? Matatawagan mo ba kami?"
Nag-iwas ng tingin si Liam.
.
.
His mom got a point.
'That fucker...' Umalsa uli ang galit niya sa magnanakaw.
Lumipas ang tatlong araw, dala ng konsensiya, tinago ni Isla ang Iphone para pag-isipan paano ito isasauli.
Matapos makuha ang 150php na sahod niya mula kay Aling Lita sa palengke, masayang naglalakad si Isla papuntang terminal ng mga jeep para maging barker uli. Inayos niya ng pagkatago ang buhok niya sa puting sombrero at hinila pababa ang pinaglumaang basketball jersey na damit na bigay ni Junrey. Gustong-gusto niyang suotin ito kasi presko sa katawan.
"Sarap, Mama."
Napalingon siya sa mag-inang dumaan sa harapan niya. Agad napako ang tingin ni Isla sa asul na cotton candy na dala ng bata.
And she's always been a sweet tooth.
"Ah.. e-excuse me." Lumingon ang ina sa kaniya. "Saan niyo po yan nabili?" Turo niya sa pagkaing dala ng bulilit.
"Ay, dun harap ng mini-convenience store." Turo nito sa lugar.
"Salamat." Ngumiti siya at mabilis na tinakbo ang nagtitinda ng cotton candy.
Liam is currently at the backseat of the van, travelling to his next pictorial venue. With bored eyes, he watched the people outside as they passed by. He yawns.
Just. Another. Same. Old. Boring. Day.
His new Iphone vibrates. He got a message from Avery.
Ngumiti siya at yuyuko na sana para mag-reply nang may nahagilap ang mga mata niya. His eyes caught glimpse of a familiar outfit --- green, jersey, #14, white cap--- walking on the sidewalk and eating a blue cotton candy.
.
.
It's the snatcher!!!
"STOP THE CAR!" Sigaw ni Liam sa driver na ikinalingon ni Boyet [Driver/Bodyguard] at Hailey [Temporary Manager] sa kaniya sa likod. He immediately grabs a black cap and a shades to cover his identity then slides the van's door open.
"Heto po." Nagbayad si Isla ng kinse pesos sa tindero at masayang tumingin sa mala-ulap na pagkain. "Syet... naglalaway na'ko sa tingin palang." Nagsimula siyang maglakad at dahan-dahang pumupunit sa cotton candy sabay kain. "Hmmmm..." Pumikit siya at ngumiting-aso nang maramdamang unti-unting natutunaw ito sa dila niya. "Saaraaappppp..." Huminto siya sa harap ng appliance store at tumingin sa maraming tv na pare-pareho lang ang pinalabas. Ang pag-alis ng mga kilalang personalidad sa taunang Talent Camp ng Prima Nova -- ang entertainment agency ng Smith&Miller.
Naalala niya uli si Liam. At sa maikli nilang pagkikita nung sa contest.
At ang cellphone nito na nasa kaniya. Bumigat ang damdamin niya. Pinilig niya ang ulo. 'Isasauli ko nga di'ba?'
Tumingin uli siya sa t.v. "Kasali siguro si Liam." Anas niya sabay subo ng cotton candy. Pumikit uli siya para namnamin ang tamis. "Ang saaraaaaapp---"
"Nope. I'm here to watching you."
"UGH!" Napaubo ni Isla ang kinain at agad napadilat ang mga mata sa lalim ng boses sa likuran niya. Di man niya itong lingunin, kitang-kita niya ang repliksyon nito sa t.v. set sa harapan niya. Si Liam!!
.
.
Maamong tupa na nakayukong hinarap ni Isla ito.
"Where's. My. Phone?" Makamandag na tanong ni Liam.
Habang nakayuko, lumingon sa magkabilang gilid si Isla para humanap ng libreng daanan para makatakas.
"I don't like repeating myself." Sa delikadong tono na sabi ni Liam na agad nakapatingala kay Isla sa mukha nito. Dahil halos magkalapit na ang mukha nila, Liam drags his sunglasses down his nosebridge revealing his pair of deep ocean blue eyes. "Where's my phone?"
"H-Huh??" Nanginginig ang boses niya na nakatitig sa mga mata nito. Para siyang na-hi-hypnotize.
"My phone. Damn it!" Mahina pero mariin nitong ulit sabay daklot sa neckline ng jersey niya.
Napatalon si Isla at yumuko uli. 'Shet! Patay ako----' At bigla siyang nakaisip ng paraan para makatakas. Dahil sikat ito na personalidad, alam niya kung anong panlaban rito. Tumingin siya sa likod ni Liam. "OMG!!! MAY PAPARAZZI!!!!"
Mabilis pa sa kidlat na binitawan siya ni Liam at yumuko para itago ang mukha.
Tumatawang kumaripas agad ng takbo papalayo si Isla rito sabay sigaw: "SAYONARA!!!!"
.
.
Liam turns to look behind him and saw no paparazzi. Halong hiya at galit na namula ang mukha niyang nilingon ang direksyon ng tumatakbong lalake. He gritted his teeth. "I'M GOING TO KILL YOU!!!!" Matulin siyang tumakbo pasunod rito.
.
.
Hinihingal na tumatakbo si Isla at nanlamig ang kalamnan niyang maramdaman ang tingin ni Liam sa batok niya. She turns and saw Liam running fast to catch up to her. Binilisan pa niya ang pagtakbo at di alintana ang mga nababangga niya. "TABI! TABI!!" Sigaw niya.
"BUMALIK KA RITO, SNATCHER!!!" Sigaw ni Liam na nakasunod sa kaniya.
"HINDI A-AKO SNATCHER!!!! A-AT SA ATING DALAWA, I-IKAW ANG MAS NA-NAGMUMUKHANG SNATCHER!!" Hinihingal na hiyaw pabalik ni Isla habang patuloy paring tumatakbo.
"GIVE ME BACK MY PHONE!!!!"
.
.
Nang may nakita si Isla na dumaang babaeng may dalang maraming aso, ngumiti siya. Malakas siyang tumalon sa ibabaw ng mga aso na parang nag ta-track-and-field lang. "HA!! HABULIN MO 'KO!!"
Liam, aware of the dogs on the sidewalk, tried to slow down his speed. Pero huli na para makapag-preno ang mga paa ni Liam kaya alanganing tumalon siya para maiwasang mabanga ang mga aso.
Due to his late calculation of the distance, he failed to consider his long legs on his jump. Kaya laking gulat nalang niya nang mabuhol ang isang paa niya sa dog leash ng isa sa mga aso. "OH s**t!!" Agad humanap ang mga kamay niya ng makakapitan para wag humambalos ang mukha at katawan niya sa konkretong sidewalk.
At para bang naka slo-mo ang oras nang pilit inabot ng mga kamay ni Liam ang kung anumang pwede niyang mahawakan.
*BLAG*
.
.
Napahinto si Isla nang makarinig ng mga singhap sa likuran niya. Bumaling siya patalikod. "Huh? Wala na si Liam---" Sinundan niya ang mga nakayukong tingin ng mga taong nakapalibot sa kanila. Yumuko siya at nakitang nakataob sa konkretong lupa si Liam.
Di niya mapigilang tumawa. "HAHAHAHA! Ke-laki mong tao, nadadapa ka pa rin-----" Nawala ang ngiti niya sa mga labi nang makaramdam ng lamig sa ibabang bahagi ng katawan niya.
.
.
Unti-unting bumaba ang mga mata ni Isla. Una niyang nakita ang mga kamay ni Liam na nakahawak sa isang pamilyar na brown na shorts. Tapos sa hubad niyang mga binti at sa... sa...
.
.
Dahan-dahang tumingala si Liam, na basag ang isang salamin ng shades at napangiwi sa sakit na naramdaman sa ilong, pinsgi at noo niya. "Shiiittt---" Naputol ang ungol niya nang makitang may hawak siyang brown na shorts. "S-Shorts?" Then his eyes travelled upwards to a smooth legs then to a big butt covered by a skimpy black...black.. underwear. U-Underwear? P-Panty?
.
.
"f**k!" Mabilis na tumingala si Liam sa lalakeng galit na hinubad ang puting bullcap na suot sa ulo--- NO!! As the person pulls the cap away, he releases a thick, red wavy hair. He's not a HE! He's a SHE!!!!
"BABAE KA?!!!" Gulat na gulat na sigaw ni Liam. Aksidenteng nahila pala niya ang shorts nito.
Then a warm liquid trails down from Liam's nose to his mouth.
"At nag nosebleed ka pa..." Nagngingitngit ang kalooban ni Isla na kinuyom ang mga palad. "MANYAAAAAAAAAKKKKKKKKKK!!!" Malakas na tili niya.
Ashamed on what happened, Liam buries his face on the cold against his hot body.
[STAGE 5 PREVIEW]
"Call me Isaiah."
Tinitigan ni Isla ang kaharap. "Huh?"
"I said.. call me Isaiah." Ulit ni Liam.
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐