Stage 5: Strangers No More

6762 Words
Nanlilisik ang mga mata ni Liam habang kaharap niya ang umiiyak 'kuno' na babae. Kasalukuyang nasa isang police station para gawan ng imbestigasyon ang nangyari. 'Investigation, my ass.' "Miss..." Tawang ng babaeng police officer sa babae. "Handa na po ba kayo para ibahagi ang nangyari?" "WAIT!" Umayos nang pagkaupo si Liam sa monobloc chair. Nakatakip sa kalahating mukha niya ang itim na sombrero dahil nabasag ang shades niya sa pagkakadapa—pagkakahambalos niya sa kanina. "Why are you asking for her side when I'm waiting here IMPATIENTLY to tell my statement?" -.- Poker face na tumingin sa kaniya ang babaeng pulis. "Alam mo naman siguro ang katagang "LADIES FIRST, Sir no?" "Well, for sure she's a lady. Pero snatcher yan!" "Di nga ako ang nagnakaw!!" Na-realize siguro nito na tumingin rito ang officer kaya mabilis itong yumuko at humihikbi 'kuno' na naman. 'Wait till I get my hands on your neck' Liam's anger flared as he felt pain on his nose who received all the weight and pain earlier. Ang mahirap sa panahon ngayon, babae palagi ang biktima at di na kinokonsedera ang mga lalake. On this scenario, Liam is definitely the victim. Nagpahid ng pekeng luha si ang babae. "B-Biglang humabol nalang po k-kasi siya sa'kin... M-Matagal na po kasi siyang..." Sumisinghot pa ito. "...nag-sta-stalk sa'kin 'eh. Sabi ko naman wala akong-akong gusto sa kaniya ---" "WHAT?!" Napabulyaw si Liam sabay baling sa babaeng pulis na tinapunan lang siya ng madilim na tingin. "N-No! That's not what happened. Okay?" Mas lalong uminit ang dugo ni Liam ng makitang palihim na ngumiti si Isla. "Listen---" Natigilan siya nang makarinig ng mga bulong-bulungan sa labas ng police station. Pag lingon niya'y may nakikiusyoso na palang mga tao na halos matakpan na ang mga bintana at pinto ng opisina. Lalo niyang nilublob ang mukha sa black cap na hawak. "Sige nga po, Sir. Ano version mo?" Sarcastic na tanong ng babaeng pulis. "Her male friend snatches my phone and my wallet three days ago." Lumingon ang pulis kay Isla. Mabilis na umiling si Isla. "D-Di 'ah." "She serves as a look out which she fails to do so because I remembered her outfit exactly. Green Jersey, #14 and a white cap." Nilahad pa ni Liam ang isang kamay kay Isla para ipakita sa pulis na sakto ang sinabi niyang deskripsyon. "See? It matches! Kaya nung makita ko siya kanina, hinabol ko." "Tapos?" Unting namula si Liam sa naalalang insidente kanina. "T-Tapos... a-ano.. u-uhhh.." "TINGNAN NIYO MA'AM!!" Umiiyak 'kuno' si Isla. "NAMULA SIYA! AT KANINA PO NAG-NOSEBLEED PA YAN! TINGNAN NIYO PO GAANO KA-MANIAC ANG ISANG---" "Shut up, snatcher!" Liam bared his teeth. "Manyak!" Sigaw pabalik naman ni Isla. "Hindi ka rin pala snatcher, sinungaling ka pa---" "Tama na, tama na!" Singit ng babaeng pulis. "Sir.. pasensiya na po kayo. Wala kayong ebidensya na maipapakita na nagnakaw itong dalagita sa inyo." Naglabas ito ng itim na notebook. "Miss... magsulat ka nang report mo rito." "HA?!" Di makapaniwalang pinaglilipat ang tingin niya sa dalawang babae. "This is ridiculous..." Halong pagod at galit na sumandal nalang si Liam sa sandalan ng monobloc. Lihim na nagbunyi si Isla sabay dinilaan si Liam. "Blehhh.." sabay kuha sa ballpen at nagsimulang nagsulat. Bumaling ang pulis kay Liam. "Sir, made-detain ka po rito sa kulungan ng 46 hours para maimbestigahan namin ang nangyari. At kung mapapatunayan, pwede ka naming kasuhan ng s****l harassment." Sexual-- "WHA--- s****l Harassment!?" Di makapaniwalang sambit niya. "For Pete's sake.. I didn't do anything to her!! It was an accident! Ako nga po ang na-harass kasi nanakawan ako ng gamit nila!" Ngumingiti lang si Isla na nagsusulat ng police blotter habang maingay naman sa harapan niyang dumidepensa sa sarili si Liam. 'Bala ka dyan. Napahiya ako dun. Meron ako tapos timing mo ring hinablot pababa shorts ko? Nagmumukha akong babaeng may diapers.' Nahinto si Isla sa pagsusulat nang marinig niyang inutos ng babaeng police kay Liam na tanggalin ang nakatakip nitong sombrero sa mukha. "Sir, mag-salita ka ng maayos. Wag niyo pong takpan ang mukha ninyo." Bigla siyang nakaramdamn ng konsensiya nang makita itong namumutla, pinagpapawisan tapos lumilingon pa sa paligid para punain ang mga nakikisawsaw na mga chismosa/chismosa. Di pa kasi alam ng mga tao doon maliban sa kaniya na isang sikat na personalidad ito. "Sir." Ulit na tawag ng pulis kay Liam. "Isulat niyo nalang pangalan rito." Sabay lahad ng isang logbook. He inwardly curses. 'f**k. What should I do? I can't use Isaiah because it's a Miller. I can't also use Liam because the rumour will spread like a wildfire once people outside will hear my name. Labelled as a s****l offender of a crime I didn't commit will surely tarnish my name!' Naguguluhan si Liam kung anong dapat niyang gawin. Di naman pwedeng gumamamit siya ng pekeng pangalan kasi tiyak hihingan siya ng ID. 'This is great.. damn, f*****g great.' "Sir? Bingi po ba kayo?" Huminga nang malalim si Liam at kinuha ang ballpen at police notebook sa mesa para isulat ang pangalan. 'I'll just let my lawyer---' Pero bago lumapat ang ballpen sa papel, hinawakan ni Isla ang kamay niya. "Huh?" Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Now what?" Nilingon naman ni Isla ang babaeng pulis. "Ma'am. Binabawi ko na po reklamo ko." "Huh?" Naguguluhang tumingala ang babaeng pulis at si Liam nang tumayo ang babae. Hinila ni Isla si Liam sa braso. "Sa totoo po niyan, magkasintahan po kami. Gusto ko lang po siyang makulong kasi masyado siyang seloso." Because of their difference in height, inis na niyuko ito ni Liam. "Will you shut up---" "Sorry po." Yumukod si Isla sa harapan ng lamesa ng pulis. Tinaas niya ang kamay at hinawakan ang neckline ng damit ni Liam sabay hablot pababa para yumuko rin ito. "Sorry po uli." Habang nakayuko, lihim na pinandilatan niya ito at sa mababang boses na pinagalitan niya si Liam. "Mag-sorry ka..." Liam looked at her puzzlingly. "What are you really up to---" She hissed. "Mag-sorry ka na kundi matutulog ka sa selda.." "Tch..." Tumikhim siya. "S-Sorry po, Ma'am." Tapos sabay silang tumayo ng maayos. Mabilis na hinatak ni Isla si Liam na takip pa rin ang kalahating mukha nito ng sombrero palabas sa police station.    Habang naglalakad papalayo istasyon, hinablot ni Liam ang braso ng nasa unahang si Isla. "My phone, woman!" Hinarap ni Isla ang lalake. "May pangalan ako, okay?" at sabay lahad sa Iphone niya. "Oh!" Liam looked at his phone on Isla's hand. "So you had it all along..." He was about to grab it when she swiftly raises her arm along with the phone. "Not so fast, Mr. Torres." "Pwede ba?!" Inis at hapong-hapong anas ni Liam. "Quit playing around!" Sinilid pabalik ni Isla sa bulsa ang gadget. "Di ka ba mag-pa-pasalamat na sinagip kita at ang kasikatan mo----" In one stride, he draws closer to Isla. Natatarantang humakbang siya patalikod pero naudlot ng makitang pader na pala ang likuran niya. Napatalon si Isla ng biglang tinukod ni Liam ang isang kamay sa gilid ng ulo niya. Mariin niyang pinikit ang mga mata ng niyuko siya nito. . . "A-Ano?" Kinakabahang tanong niya habang nakapikit. Di naman ito mukhang mananakit ng tao Dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata nang di ito sumagot. Pero napaurong ang dila niya ng makitang malapit na malapit ang mukha nito sa mukha niya. Heto na naman ang asul nitong mga mata na parang binabasa ang iniisip niya. Nag-iwas siya ng tingin. "O-Oh?" Bigla siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib dahil halos wala ng hanging pumapasok sa pagitan nila. "Do I look like a fool to you?" In his low, baritone voice Liam asked her with threat. Ramdam ni Isla ang mabangong hininga nito. 'Umayos ka, dios ko, Isla. Sa sitwasyon mo ngayon, hininga talaga niya ang pinapansin mo?!' "I-Isasauli ko-ko p-phone mo sa isang ko-kondisyon." Pilit niyang nilayo ang mukha niya rito. "Oh, really?" Kung nakakamatay ang boses nito, matagal ng nakabulagtang duguan si Isla. "After you stole my things and nearly charged me with s****l harassment.. ikaw pang may ganang humingi ng kondisyon?" Liam said the words slowly but deadly. But he was taken aback when Isla pouted her pink lips and looked at him with puppy-eyes. "Isa lang naman ang kondisyon ko 'ah..." Napadako ang tingin ni Liam sa mga labi nito. He swallows the lump on his throat and looks away when he felt a reaction from his body. "What is it?" Tumayo siya ng maayos, sinuot ang itim na sombrero at pinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng pants. No one was around, therefore there's no need to hide his face. At para bang nakahinga ng maluwag si Isla nang lumayo ito sa mukha niya. "Let me hear your condition so I that I won't see your face anymore. I don't have the time in the world for your antics, woman." "MAY PANGALAN NGA AKO! Wag mo akong ma-woman-woman diyan! Ako si Isla. Islanda! Islanda Macatuto." "I heard you once." Masungit na sabi ni Liam. "Spill it, Miss Isla." Sumimangot si Isla at nahihiyang nag-iwas ng tingin. > A chubby Avery pouted. "Ano? Aalis ka na naman?" Isla's pout reminded him of Avery. Pinilig niya ang ulo. She's far from the kind-hearted Ava. Knowing this woman's scheming tactics, she'll demand money or else she'll blackmail him to report the incident to the media. "Hello? Earth to Islanda?" Nakalabi pa rin itong nakatingin sa ibang direksyon na sumagot. "G-Gusto ko.. Gusto ko lang k-kumain ng ma-masarap na pagkain. Inudlot mo kasi ang pag kain ko ng cotton candy kanina!" . . Liam's eyes went to defensive to.... amazement. 'Sira ba tenga ko? Pagkain?? Gusto niya ng pagkain?' Di makapaniwalang niyuko ni Liam ang babae. "H-Huh??" "M-May..." Hindi mapalagay ang mga daliri ni Isla na yumuko. 'Just like Avery.' Liam noticed Isla's small action. "M-May g-gusto k-kasi sana akong ka-kainan." Huminga ng malalim ang namumulang si Isla. "Ah!! Wag na!" Sabay kuha sa cellphone sa bulsa at nilahad kay Liam. "Oh! Kunin mo na para---" "What's the name of the restaurant?" Napatingala si Isla kay Liam. "Huh?" "The name of the restaurant." Inis na ulit ni Liam. Lumunok si Isla at yumuko. Iniisip pa lang niya ang pangalan ng restaurant, naglalaway na siya. "Sa... D-Ducassė." Kinuha ni Liam ang cellphone sa kamay niya at may d-in-ial. He brought the handset to his ear and talked to someone on the other line. "Helena!" Ngumiti si Liam. "Hi! Yeah, I'm fine. You? That's good.... I see. Uh, Helena. Can I ask you something?" Nilingon ni Liam si Isla. "Is your father still the manager at Ducassė? ....Really? Oo sana. I'm craving for some sweets. Talaga? Can you reserve me a table there? Yeah, for two... Nah, I'm with a..." Liam looked at the woman with a flaming red hair looking up to him, mouth open and waiting for some news. "... I'm with a friend." Napanganga si Isla na nakatingin sa kaharap. Dahil sa sikat na sikat ang naturang resto sa desserts nito—aside sa mahal na mga presyo-- pahirapan talaga ang pagpasok doon. Kaya speechless siya gaano kabilis maka-arrange ng schedule ni Liam. At doon siya nakaramdam ng lungkot. Tiningnan niya ang maruming daliri ng kaniyan nga paa sa suot na tsinelas at sa halatang mamahaling asul na running shoes nito. Ang daming magagandang privileges ng mga mayayaman. Samantalang silang mahihirap... halos walang mapagpipilian. "All set." Napa-angat uli ang tingin niya rito. "A-All set?" "Gusto mo kumain doon di'ba? Nakapag-reserve na ako." Nilahad uli ni Liam ang sariling cellphone pabalik kay Isla. Niyuko ni Isla ang phone. "O-Oh. Ba't mo yan ibabalik sa'kin? Sinauli ko na nga di'ba?" "Return it to me after you eat at Ducassė. I'll keep my part of the bargain since I accidentally stripped you." Hinubad ni Liam uli ang sombrero at tinakip sa mukha sabay lingon sa paligid. "Asan na ba sila Boyet?" Kinuha nito sa bulsa ang bagong biling phone at may pinindot na numero.    Umuwi muna si Liam sa pad niya at pinalitan ang maruming damit. Matapos magbihis, pinababa niya sa van si Isla at pinasakay ito sa itim na Ranger niya. He drove the car and they went to Ducassė together. Dapit-hapon na silang nakarating doon. Sa b****a ng restaurant, naka-white half-mask si Liam habang kabadong-kabado naman si Isla na nakasunod rito. The guard asked for their identity and when confirmed, the Ducassė's fancy door opens. Sabay napalunok ng laway at umungol ang tiyan ni Isla sa bumungad na amoy. 's**t! Dis is it pansit!!!' Nagpatiunang pumasok si Liam. "What do you want to eat?" He removes his mask when they are inside the resto. Lumingon siya sa babae ng walang narinig na sagot. "Oy---" Di pala ito nakasunod sa kaniya. And just like a kid, Isla was just standing still with her big eyes wandering the inside of the store. Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay ni Isla sabay hila. "Come on." Dumako ang paningin ni Isla sa magkadaop nilang kamay. Ramdam niya ang init at lambot ng palad nito. "L-Liam... nakakahiya. Ang p-pangit ng suot ko." Hila-hila siya nito nang umakyat sila ng hagdan papuntang second floor. Suot pa rin niya ang jersey, puting sombrero kung saan nakatago ang buhok niya at ang brown short. "T-Tsaka naka-tsinelas lang ako." . . "Bakit? Ang mga naka-sapatos lang ba ang pwedeng kumain rito?" Saad nito na naglalakad pa rin. Nahihiyang yumuko si Isla na nakasunod rito.    "HUMAYGAD...." Pigil ni Isla na huwag tumili nang nilapag ng sexy-ng waitress ang isang bowl ng banana split na dessert, dalawang snow-ice cream na nasa isang mataas na baso at ang best -seller nitong mini-chocolate fountain kung saan ilulolob-lob ang authentic Belgian crackers. Nilingon ni Isla ang waitress. "S-Salamat, Miss." Pero instead na ngumiti sa kaniya, bumaling ito kay Liam na noo'y busy na nag-dip ng cracker sa chocolate fountain. "You're welcome." Tumalikod ito dala ang tray. Tumingin si Isla sa nakatalikod na babae at bumaba ang tingin niya sa likuran nito. Nahalata naman ni Liam ang tinging pinukol niya sa waitress. "Ssst, Hoy! Tomboy ka ba? Kung makatingin ng pwet ng iba..." 'Eh mas malaki naman sa'yo.' Namulang binalik uli ni Liam ang atensiyon sa biscuit na hawak. Lumabi si Isla. "Bilib lang ako sa kaniya. Kasi nakakagalaw pa siya sa sikip ng suot niyang uniform. Halos na nga pumutok butones nun sa may dibdib." "Eat. Ubusin mo'to lahat 'ah. Ikaw um-order nito." He looked at their full table. "HAH! Ako pa. Maliit na bagay." Umingos si Isla at sinimulang lantakin ang banana split. "OMAYYY!!!" Pumikit ito at halatang nasasarapan talaga sa kinain. "ANG SARAAAAAAAAPPPP...." Unaware of the smile on his face, Liam stares at her. She literally looks like a kid. Di ito magkamayaw na kumain sa banana split, tapos subo ng snow-ice cream, baling sa chocolate fountain na kung makahigop parang mauubusan ito. > "Wish ko may chocolate fountain ako." Lingon ng matabang Avery sa kaniya habang naglalakad sila pauwi mulang eskwelahan. Nawala ang ngiti ni Liam sa naalala. Kumuha nalang uli siya ng crackers sa plato nang makarinig siya ng hikbi. Napa-angat ang tingin niya sa kaharap at nagulat nang makita niya itong umiiyak na ngumunguya ng pagkain. Punong-puno ang bibig nito ng pagkain. "Bipolar ka ba? One minute you're laughing, then the next you're crying?" Chocolate stains are around her mouth. Inisang lunok ni Isla ang kinain. "A-Ang..." Di nito mapigilang tumulo ang mga luha. "A-Ang sarap k-kasi 'eh..." Kita ni Liam ang laki ng mga butil ng luha nito. "D-Di ko kasi inakalang... m-maka..." Huminga ng malalim si Isla sabay pahid sa pisngi na mas lalong nagpakalat ng chocolate stains sa mukha. "..makakain ako rito." Sumubo uli ito at pilit wag humagulhol. "K-Kasi... di nga kasya sakin ang sahod ko sa dirty ice cream na nilalako sa kalsada.. p-pang D-Ducasse p-pa kaya?" Di alam ni Liam kung matatawa sa hitsura o maawa sa sinabi nito. They might have started on a bad track but Liam knew how to detect a lie or not, a fake or real tear because of his career. Right now, all he can see is a fragile and innocent lady, crying because of joy from just eating at her dream restaurant. Kinuha ni Liam ang table napkin at nilinis ang maruming pisngi ni Isla pati na rin ang mga luha nito. "Tell me your story, Isla." Natigilan si Isla. "H-Huh?" Liam is still wiping her face. "Wala namang interesting sa buhay ko." Binaba ni Liam ang table napkin sa mesa. "Di ka iiyak kung walang nangyaring 'interesting' sa buhay mo." Sumubo si Isla ng ice cream. "Hmm.. paano ko ba sisimulan? Ano..." Sumubo siya ng marshmallow. "Sa naalala ko lang. Kagagaling ko lang sa eskwelahan, Grade 4 ako nun... nakita kong nag-alsa balutan ang Mama ko habang galit na galit na sumisigaw si Papa para palayasin si Mama. Sasama sana ako kay Mama pero pinigilan ako ni Lola, side ng papa ko." Nag-scoop siya ng strawberry flavored shaved-ice at sinubo. "Napag-alaman raw ni Papa na buntis si Mama sa ibang lalake at piniling sumama dun papuntang Dubai." Huminto si Isla at tumingala para alalahanin ang nangyari. "Mula noon, di ko nakita o nakausap si Mama. Si Papa naman, nagka-asawa uli at bumukod. Nagpapadala lang ng pera sa amin ni Lola." "So you're living with your grandma?" Natigilan si Isla. Ramdam ni Liam na parang nahihirapan itong ipagpatuloy ang storya. "You don't have to--" Umiling si Isla at huminga ng malalim sabay subo ng ice cream. "P-Patay na si Lola Anding. N-Nung huling araw ng burol niya, nagpakita si Papa at siyang nag-asikaso sa pagpapalibing nito. Alala ko, binigyan niya ako ng 2,000 pesos. Pagkatapos malibing si Lola, wala na rin akong narinig mula kay Papa. Kaya yun..." Parang balewalang nagkibit-balikat si Isla na nag-dip ng crackers sa chocolate fountain. "Naiwan na akong mag-isa." Subo nito sa crackers sabay ngiti. "H-How... How old are you when you started living alone?" Liam's heart constricts. "15? 16?" Nginunguya na noon ni Isla ang crackers. "How did you survive? I mean---" "Kumakain ako ng tirang pagkain sa mga fast-food restaurants sa gabi tapos nanglilimos sa umaga." Hinalo nito ang marshamallow sa chocholate fountain. "Tapos natutulog ako sa mga waiting shed." Her face lights up. "At doon ko nakilala si Tay Rene... tatay-tatayan ko. Kaibigan niya ang kapitan ng barangay namin, Si Kapt. Jerome na siya namang nagpahiram ng bakanteng lote niya sa akin. Kakatawa nga kasi si Tay Rene kilalang siga tapos bestfriend niya si Kapt. Jerome. Sila yung halimbawa ng... ano yun sa English.. hmm.. opposites---" "Opposites attract." Panapos ni Liam na titig sa masayang mukha ni Isla. "Oo yun! Opposites attract!" Subo uli ng crackers nito. Liam swallowed the lump on his throat. What happened to her was too heavy for a 15, 16 year old. Yet looking at her right now, you can never see any regrets on her. His suffering of not knowing his father, Elijah Miller, before his death; pales in comparison to Isla's tragic family story. Natigilan siya nang tinaas ni Isla ang malamig na tall-glass na naglalaman ng di pa niyang ginagalaw na snow-ice cream at dinikit sa namamagang pisngi niya mula sa pagkahambalos kanina sa kalsada. "Sorry 'ah." Buong pusong hinging paumanhin ni Isla. "Namaga tuloy pisngi mo. May galos k-ka pa sa ilong." . . Slowly, a smile crosses Liam's face. "You should be sorry." "Naku.. naku... papatayin ako ng mga fans mo!!" Ngumiti na rin si Isla. "Mas mapapatay ka nila pag nalaman nilang malapit mo na akong ipakulong sa kasong s****l harassment. Ikaw nalang ba ha-harass-in ko?" "AY... YABANG MO!" Isla dips her finger on the chocolate and pokes it at Liam's cheek before he could avoid it. Tumawa nalang si Liam sa nabwesit na mukha ni Isla. His phone vibrates. He looks down to answer the text. "Liam, Liam." "Oh?" Nasa cellphone pa rin ang atensiyon niya. "Alin sa dalawa ang tingin mong uunahin kong kainin?" He raises his eyes on her. "What do you mean---" Biglang napaurong ang dila niya. Isla cutely places two different designed donuts infront of her eyes. "Itong may rainbow sprinkles? Or itong glazed chocolate donut?" He chuckles. "You know your sweets very well, huh?" Tinaas niya ang cellphone at kinuhanan ito ng litrato. "Ako pa! Sweet-tooth ako kaya alam na alam ko ano pangalan ng lahat ng mga matatamis na pagkain." Kinagat nito ang may rainbow sprinkles. "Hmmm..." at ngumiti ito.    Di nila namalayang gabi na pala nang matapos silang magkwentuhan sa resto. Isla dominates their conversation which Liam find very funny since she shared the adventures on her life. How they a small sari-sari store as a headquarters, her drunkards friends... Palihim na tiningnan ni Liam ang katabi habang binabagtas ng kotse niya ang highway. Isla's life is so colorful. In every bit shades of them. His is still black and white. "Do you sometimes feel like giving up, Isla?" Tanong niya. Mata'y nasa kalsada. "Hmm? Pumapasok sa isip ko... pero di ko kayang gawin." "Bakit?" "Ang layo na ng narating ko, Liam. 23 years old na ako at ngayon pa ba ako susuko?" Nilingon ito ni Liam. "Kung gusto kong sumuko, sana noong bata pa ako na walang alam talaga paano buhayin ang sarili ko Ngayong nasa saktong edad na ako, na kaya ko na halos lahat, bakit ako susuko?" "You're right." "Alam mo kasi... ang buhay, parang drawing book lang yan. Hahanap ka ng tamang lapis para iguhit ang kapalaran mo. Kung mali man ang naguhit mo, di mo na'to pwedeng burahin. Pero may blangkong pahina pa naman para guhitan uli ng panibago. Yung guhit na sa tingin mo'y masaya ka na at kontento. At uulitin mo na naman ito sa sumusunod na pahina. Ikaw ang lapis. Buhay mo ang iyong ginuhit. Kinabukasan mo ang mga pahina." "Where do you get all those optimistic views, Isla?" "Sa mga maling guhit na ginawa ko noon." Malapad na ngiti niya. Staring at her, Liam slowly nods. "I see." "Ah! Hinto mo dyan sa may eskinita." Turo ni Isla sabay tanggal sa nakapulupot na seatbelt sa katawan niya. Inihinto ni Liam ang kotse sa gilid ng kalsada at nilibot ang paningin sa marumi at populated na squatters area sa unahan. "Dito ka nakatira?" "Yup." 'Di siguro nito naalala na nakatungtong na siya rito.' [A/N: If you are wondering why Liam didn't remember the place, because he was super bored with his assignment as judge therefore he failed to check the venue around him.] "Ohhh.." tumango si Liam na tumingin kay Isla. "Pasensiya ka na. Di kita mapapagbuksan ng pinto. Alam mo na.." Alanganing ngiti niya. Ngumiting tumango si Isla. "Naiintindihan ko. Baka mamukhaan ka pa. Mas mabilis pa kaya kumalat ng tsismis rito kesa kay The Flash. Maging pulutan ka pa ng dyaryo at telebisyon bukas." [A/N: The Flash - Fastest Hero in DC Comics] Bago tumagilid si Isla para buksan ang pintuan. Bigla siyang may naalala. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nilahad kay Liam. "Oh. Bago ko malimutang isauli. Sabihin mo pang ninakaw ko uli." Liam chuckles and holds the Iphone. "Oo na." Sumagot naman ng ngiti si Isla at binuksan ang pinto ng kotse tsaka lumabas. But before she could close the door, Liam spoke. "Nice meeting you, Isla." Isla turns, her red hair swaying along, then she winks. "Ako rin. Salamat sa pagtupad ng pangarap kong makakain doon." 'Sana magkita pa tayo.' Mabilis niyang sinara ang pintuan bago pa masabi iyon. Naglakad patalikod si Isla tapos tumakbo na rin papalayo. . . Kita ni Liam ang tumatakbong pigura ni Isla. Her long hair swaying behind her as her #14 Green Jersey slowly fading away from his sight. 'Wish we could meet again.' He inserted the car key on the ignition and started to drive away. 'But her hair is familiar tho.' Naalala niya ang parang zombie-ing mukha ni Candidate #9. 'Nah, that's not her.'    Kung gaano kasaya kanina ni Isla, ganun naman kasakit ang naramdaman niya ng makitang sira at tumba na ang maliit niyang barong-barong. Kahit ang improvise niyang banyo ay di rin pinalagpas. "A-Anong---" "Pinagiba ko!!" Namumutlang tiningala niya si Madame Gloria na may kung anong puting wax na nilagay ito sa mukha at pinapaypay pa ang sarili gamit ang isang carton na alam na alam niyang isa sa kartong ginawa niyang kama. "Inaatake na kami ng peste rito sa bahay. Di namin alam kung saan nanggaling pero nang makita kong pumasok ang isang daga sa barong-barong mo, pinagiba ko na kaagad.. hihintayin ko pa bang may makagat---" 'SOBRA NA!'  "DI MO MAN LANG HININTAY NA MAKAUWI AKO PARA MAN LANG MAKAPAGBALOT AKO!" Nagngingit-ngit ang kalooban ni Isla na malakas na sumigaw. "Bakit?!" Sigaw pabalik ni Madame Gloria sa kaniya sa baba. "May maisasalbang gamit ka ba sa bahay mo?! O kung bahay ba yung maituturing?! Lung-ga lang yun ng mga peste! Ilusyunada! Sira-sira nga pati ceiling fan mo!" "AT LEAST PINAGHIRAPAN KO!!!!" Natigilan ang matandang babae. Nagsilabasan na rin sa kani-kanilang bahay ang mga kapitbahay nila dahil sa palitan nila ng sigaw. "AT LEAST PINAGPAWISAN KONG MAKABILI NG SECOND HAND NA CEILING FAN. BAKIT?! YANG MGA MARANGYA NIYONG GAMIT??? PINAGHIRAPAN NIYO BA O MULA SA KABAN NG BAYAN?! OO WALA AKONG TITULO NA NAGSASABING PAGMAMAY-ARI KO ANG LUPAING TINIRIKAN NG BARONG-BARONG KO PERO KUNG TAO KA NA MAY DAMDAMIN, SANA NAGBIGAY KA NG KONSIDERASYON---" *SPLASH! * Di niya natapos ang sasabihin nang binuhusan siya ni Matilda ng isang baldeng tubig mula sa bintana. "INGAY MO, TOMBOY!! INIISTORBO MO TULOG KO!!" "UMALIS KA NA SA BARANGAY NG ASAWA KO! DI KA NAMAN TAGA-RITO!" Sabay malakas na sara ng bintana ni Madame Gloria. "BUMALIK KA NA SA BUHAY MONG MANGANGALAKAL NG BASURA!!!" *BLAG* Sara nito sa kanilang bintana. Naiwang basang-sisiw si Isla na kinagat ang labi upang wag umiyak. Pumikit siya. 'K-Kaya mo'to, Isla. May bukas pa.' Nilingon nalang niya ang tumbang bahay at sinimulang hukayin ang pwede niyang maisalbang gamit.    Medyo malayo-layo na ang naibiyahe ni Liam nang tumunog ang nanakaw na Iphone niya. While his eyes are on the road, he searches the phone on the seat beside him with his free hand. But instead of the gadget, he felt a soft fabric. Hininto niya ang kotse at tiningnan ang nahawakan. Isla's white cap. Naalala niyang naikwento nito kanina na aside sa pagtatrabaho sa palengke, barker ito sa terminal hanggang maghapon. Knowing the nature of her jobs and the worn-out cloth of the cap, Liam is certain Isla uses the cap frequently. Mabilis niyang niliko ang kotse pabalik sa barangay nito.    Niyakap ni Isla ang basang katawan habang nakaupo sa ilalim ng puno ng sampalok. Inihipan niya ang kalan na noo'y may nagbabagang uling na nagsisilbing pampainit niya. Tumingala siya sa kalangitang may maraming bituin. 'Lord.. kung nakikinig ka.. nagpapasalamat po ako na kahit ganito ako ngayon, naging masaya naman ako kanina..' Naalala niya si Liam. Then she saw a shooting star crosses the sky. Agad siya pumikit. 'Pero Lord naman.. kung magpapatuloy patong paghihirap ko sa kamay ng matandang iyon.. baka mapatay ko na talaga siya.' Yumupyop siya sa pagitan ng kaniyang dalawang tuhod. 'Ngayon lang po ako magrereklamo, Lord.. Kinakaya ko naman lahat pero... hanggang saan... Please naman po... tulungan niyo po akong makalayo rito.. Please.. Please –' "Isla?" . . Nagdilat ng mata si Isla at tiningala ang nakatayong lalake sa harapan niya. Si Liam na dala ang puting sombrero niya. At sakto namang may dumaang shooting star uli sa kalangitan. . . 'Lord?? Siya ba ang...' Liam, got the clue of what happened from her now ruined small, plywood-made house and her wet get up; looked at the shivering woman hugging her own body for wamth. "Isla..." "Hmm?" Kita ni Liam ang nanginginig na katawan nito. "Come with me." Lahad ni Liam sa kamay. . . Gulat na tiningnan ni Isla ang mukha ni Liam. His eyes turns to dark-blue giving her the message that he is serious. "Stay the night at my place." Kompirma uli nito. "L-Li-Liam.." Kahit ang boses niya'y nanginginig sa ginaw. Parang nanigas katawan niya sa lamig. Yumuko si Liam at hinawakan ang mga nanginginig na kamay ni Isla. "Come on. You're freezing to death." Tumango si Isla at dahan-dahan tumayo na siya namang inalalayan ng lalake.    Binuksan ni Liam ang pintuan ng bachelor's pad niya sabay on sa mga ilaw. "Inside." Utos niya sa nakasunod na babae. Basang-sisiw namang sumunod si Isla papasok. Isla scan his place. 'Woooohhh.. a-ang ganda...' Liam's bachelor pad has a homely vibe because of the eartly tone-theme. Na ang dating ba'y parang nasa gitna sila ng gubat. Nalula siya sa napakalaking espasyo. Kita mula sa kinatatayuan niya ang nakabukas na kwarto ni Liam na ang kama ay may itim na unan at kumot na sa tingin palang ay sobrang lambot na. Kaharap ng kama ay isang malapad na flat-screen TV. Sa mismong sala ay may surround speakers rin na nakakabit sa kisame. May maliit na fireplace at sofa set. Napulunok siya. Mukhang kasing laki siguro ng banyo lang ni Liam ang kabuuan ng barong-barong niya. Nakadama na naman siya ng lungkot. Kahit ganun lang ang bahay niya, pinaghirapan niya yung alagaan. Ang linis kaya. Dinama ng mga paa niya ang malambot na persian carpet na may disenyong kulay pula, kahel at itim. 'M-Mas malambot pa to sa higaan ko---' Naputol ang pagmumuni niya nang biglang nilagay ni Liam ang puting bathrobe sa ulo niya. Tiningala niya ito. Sa height niyang 5'5, kasing tangkad lang niya ang dibdib nito. "I've prepared a warm bath on you inside the bathroom. Go wash yourself up." Lahad nito sa direksyon ng banyo. Marahan siyang tumango at dahan-dahang naglakad papunta sa tinuro nito. Bago pumasok sa banyo, nilingon ni Isla si Liam na pumasok sa kusina at sumilip sa ref.    Napamura si Liam na sinara ang refrigerator. "Shit." Dahil sa madalang lang siyang umuuwi sa pad, di na pala na re-stock ang mga pagkain doon. Binuksan niya ang ibang mga closet. Hoping there would be at least one--- "AHA!" Sabay kuha sa natitirang isang cup noodles sa isang aparador. "Okay na'to." Ini-on niya ang water heater.    Liam's lower body is leaning against the kitchen's counter as he was scrolling the photo gallery of his phone. Litrato ni Isla napaubo sa kinaing marshmallow. Litrato kung saan may dumakit na sprinkles sa buhok nito, atbp. Pero ang paborito niya ay nung tinakpan ni Isla ang dalawang mata nito ng dalawang donut. Kitang-kita sa gitnang butas ng donut ang nakangiting mata nito. He grins and press 'ADD TO FAVORITE'. "Liam?" Napatayo siya ng maayos at nilingon ito. She's warmly wrapped in his bathrobe. Wet strands of her red hair are still dripping with water. Now that Liam stares at her intently, she is beau--- Tumikhim siya at ininguso ang cup noodles. "Have some soup. I'm sorry. I know we just ate a lot of dessert earlier, but this is all I have---" "Okay lang." Malungkot na ngumiti si Isla sabay upo sa tall chair ng counter. Liam saw her clipped her long, wet hair behind her ears as she sipped the warm soup. "Kainin mo na rin pati noodles." Tumango si Isla. Just this morning, they were like cat and dog who can't wait to kill each other. Pinagmasdan niya ang maliit na babaeng tahimik na kumakain ng noodles. She is literally a stranger and Liam, given his status, should be wary of any form of deceits. Yet, he can't help but feel the need to protect her. She's just a woman badly looking for a place to sleep and he happens to have a big pad. Matapos niyang malaman kung anong klaseng pamumuhay ang meron ito at kung gaano ito ka purisigidong harapin ang kinabuksan, she doesn't deserve the treatment she had gone through earlier at the slum area. "Oy." Basag ni Isla sa nakatulalang si Liam. Natauhan siya. "H-Huh?" "Sabi ko umupo ka at hati tayo nitong noodles." He sat on the chair across her. Umupo si Liam kaharap ito at nakapangalumbabang tumingin kay Isla. "Nah, busog pa ako kanina. Ubusin mo nalang." Yumuko uli si Isla at pinagpatuloy ang kain. . . "Call me Isaiah." Napatingala sa Isla mula sa paghigop ng sabaw ng noodles. "Huh?" "Call me Isaiah." Inis na ulit ni Liam. "Bakit?" Naguguluhang tingin ni Isla sa kaharap. "My real name's Isaiah Clark." Malungkot na imporma ni Liam. He crosses the counter between them to Isla's shock and sips the noodle soup on the spoon she's holding. Then he stares at her. Too close for comfort. "I just want someone to call me by my true name." 'Nagutom rin ako bigla 'ah.' Umupo uli si Liam at kinuha ang cup noodles at dinala sa labi ang cup para uminom ng sabaw doon. . . "Isaiah." Natigilan si Liam sa paghigop at dahan-dahang binaba ang cup noodles hanggang sa may ilong niya. He intently looks at the woman on the rim of the plastic cup. Isla's eyes are smiling, pink lips in an upward curve. "Maraming salamat..." . . Namumulang nilapag ni Liam ang plastic cup sa marble counter at nag-iwas ng tingin na tumayo. "M-Matulog na ta-tayo." Tumango si Isla at mabilis na hinigop ang sabaw at noodles. Liam, feeling warm from that blissful moment, immediately walks towards the large closet to pull out a fresh cloth for Isla. But he curses when he find an empty closet. No pants, no shirts, even shoes.. 'Pero nakapagbihis pa ako kanina 'ah ----' > "Pupunta ako sa pad mo 'ha." Imporma ng mama niyang si Lizbeth. "Ipapa-laundry ko lahat ng mga damit mo. Sigurado akong inaalikabok na yun doon." Sinapak niya ang noo. "Damn.. of all time, she decided to pull out all my clothes when I was at Ducasse!" "May problema ba?" Tanong ng babae ng makalapit. Sinara niya ang closet at hinarap si Isla. "All my clothes are in the laundry shop." "Ah? O-Okay lang. Makakatulog naman ako na bathrobe muna ang suot ko. Tiyak matutuyo na rin damit ko bukas--" Napaurong bigla ang dila ni Isla ng tinaas ni Liam ang dalawang braso at hinubad ang itim na t-shirt sabay lahad kay Isla. "Here." Di agad siya nakahuma nang mapadako ang tingin niya sa mga pinong balahibo sa dibdib ni Liam... sabay sunod sa direksyon nito pababa... sa matitikas nitong mga abs at hanggang sa maliliit na balahibong nagkukumpulan sa may sinturon--- Naputol ang pagititig niya ng tinapon ni Liam ang hinubad na damit sa mukha niya. "Ohoooy... at akala ko tomboy ka." Ngumisi pa ang ito. Inis na hinablot ni Isla ang damit sabay ingos. "Tumalikod ka! Magbibihis ako!" Tumalikod si Liam. "Gusto mo ring hiramin pants ko? Para di maistorbo ang sight-seeing mo?" Ni-rolyo ni Isla ang bathrobe at malakas na hinambalos sa likod ni Liam. "MANYAK!" "ARAY!" Napaigik si Liam na sinundan ng tingin si Isla na tumatakbo papalit sa kama niya. Parang bata itong tingnan sa laki ng t-shirt na suot. Pataob pa itong humiga sa kama niya. "Sa sofa ka." Turo ni Isla sa mataas na sofa. "Sa height mo, kasya ka doon." "Kung maka-utos parang sa kaniya ang lugar." Ngiting umiiling si Liam. Nilapitan niya ang switch ng mga ilaw. "Good night--" "Good night, Isaiah!" Sigaw ni Isla na sumilid sa malambot na kumot. Nabitin ang pag-pindot niya sa switch. He turns to look at the petite lady underneath his sheets. Her red hair contrasting his black satin bed sheets and pillow. "You know, since we both are into women. Wala naman sigurong malisya kung tabi tayong matulog----" "Good night, Isaiah!" Putol ni Isla. "Or we could---" "ISAIAH??? GOOD NIGHT!!!" Liam grins. He's just joking. He just like the way Isla pronounces his name. Nag-inat ng katawan si Liam na tanging suot lang ay ang pants. . . "Good night, Islanda." He yawns as he laid his body on the brown leather of his sofa.    Kinabukasan, nagising si Liam sa ingay ng rumaragasang tubig at mga plato. He groans when he felt pain all over his body due to his sleeping position. He opens his eyes and sees the sunlight invading his room. He squinted and saw a blanket wrapped on him. "Hmm?" Umupo siya at ginulo ang buhok sabay hikab. Nilingon niya ang bintana. It's been a while his room experienced sunlight. The ceiling to floor window is wide while the curtains are riding the soft breeze. He leans on the sofa and looks around. Because of the sunlight, his apartment is literally glowing. The shade of red, black, orange and yellow of the carpet, appliances and painting are in their brightest color. 'Are they these colorful?' Dahil di siya doon namamalagi, di niya kailanman na appreciate ang ganda ng pad niya. Until she came--- Isla. Tumingin siya sa bakanteng kama niya. He looked at the noisy kitchen and saw Isla washing the month-old dirty dishes. Tumayo siya at nilapitan ito. . . No, not just the plates but the whole kitchen as well. "Isla?" "Oh?" Lumingon si Isla na piniga ang isang basahan sa lababo. Suot pa nito ang damit niya. "Wow." Tanging sambit ni Liam na tumingin sa kabubuuan ng kusina niya. The kitchen is sparklingly clean. "You sure can clean." "Pambawi ko sa ginawa mong tulong sa akin kahapon." Ngumisi si Isla. "Salama talaga 'ah. Wag kang mag-alala. Tatapusin ko lang ang pag-defrost ng refridgerator at uuwi na rin ako. Ah!" Nag-iwas ng tingin si Isla. "Wala na pala akong tirahan. Pero may naiwan pa naman akong gamit doon, kaya babalik ako at kunin yun tapos hanap na rin ng malilipatan." Binalik niya uli ang atensiyon sa mga plato at dahan-dahan pinagpapatong-patong ang mga ito. . . "Stay." Nahinto si Isla sa pagbabanlaw ng isang plato sa ilalim ng rumaragasang tubig ng grip at nilingon ito. Liam places the old phone on the marble table. "I am in need of an assistant-s***h-my pad's caretaker." Tuluyan ng hinarap ni Isla si Liam. Eyes are in disbelief. Ewan ba't parang narinig ni Isla ang boses ni Aling Bebang sa isipan niya. "Hija, gumuhit ka na ng panibagong buhay sa drawing book mo." "I think you're capable enough." Tumango si Liam at tumalikod. "But before that, we need to buy you new clothes. I'll call Hailey---" Naputol siya sa pagsasalita nang tumakbo si Isla at yumakap sa likod niya. . . "I-Isaiah...." Humikbi ito at humagulhol. "Isaiah... s-salamat... salamat talaga..." Paimpit itong umiyak. Nilublob pa nito ang hilam na mukha sa likod niya. . . Isaiah smiles and looks down on Isla's arms locked around his waist. "M-Maraming salamat talaga..." Isaiah touches her trembling arms and looks up to the ceiling. "I admire you for holding on this far despite the hardships you've been into, Isla." He can still feel her shaking body behind him, crying her heart out. "Work for me, and I promise... di kita pababayaan." "Isaiah..." 'Lord... Thank you.' Hinigpitan pa ni Isla ang pagkayakap sa binata.    That afternoon, Isaiah asked Atty. Leo Buencamino to buy a certain piece of land.    Binuksan ni Madame Gloria ang bintana at paypay pa rin ang sarili dahil sa init. Agad napadako ang tingin niya sa kabilang lote kung saan dating nakatirik ang barong-barong ni Isla. May maraming truck na ang andun at may engineer na nagmamando ng mga taong sa mga tatrabahuin. "Huh? Jerome! Jerome!" Tawag niya sa asawa na kapitan rin ng barangay. "Jerome!" "Ano?!" Singhal ni Kap Jerome na lumapit sa dambuhalang asawa. "Anong meron sa katabing lote natin?" "Ah! Binili ng Smith&Miller Conglomerates ang loteng yan para gawing mini-terminal ng mga tricycle, jeep at---" "TERMINAL?!" Galit na sigaw ni Gloria. "TERMINAL?!!?! Alam mo ba gaano ka usok at kaingay ng mga sasakyan!!" "Kapitan ako ng barangay, Gloria, oo. Pero may mga sapat na dokumento silang naipakita na legal gagawin nilang terminal diyan." "AYOKO! GAWAN MO NG PARAAN!!!" Inis na pumadyak si Gloria sa sahig. "Aysh, Gloria. Dami mong reklamo. Kung ayaw mo 'eh di bilhin mo sa mga Smith&Miller ang loteng yan." [STAGE 6 PREVIEW] "The contract." Lahad ni Isaiah ng dokumento sa kaniya. Kinuha iyon ni Isla at binasa. "Ba't may ganito?" "Para legal lahat. Nakasaad diyan na pag nagdala ka rito ni isang Batang Tagpi Gang, tanggal ka agad sa trabaho." Umingos rin si Isla. "Sana nakalagay rin dito pag nagdala ka ng babae, layas ka rin dito." "Why is that?" "Paano ako makakatulog kung malakas kayong umungol, aber?" A grins creep on Isaiah's face."Why will the woman moans loud?"  "Kasi halata naman malaki ang..." Agad yumuko si Isla at binasa kuno ang kontrata. "S-Saan ako rito pipirma?" A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD