Chapter 65 "Anyway, where is Celestine, Christina?" pagtatanong ni Xander, kaya't napaayos ako nang tayo, at naramdaman ko ang mabilis na pagbaling ng tingin nila Hiro at Christina sa akin. I cleared my throat, as Christine stretched her arms towards me, and offered me the phone. "Hanap ka." maiksing wika nito, na sinundan ng mapang-asar na ngiti. Marahan ko namang tinanggap ang cellphone, at in-off muna ang speaker, bago ito tuluyang itinapat sa tenga ko, at humakbang palayo ng kaunti sa dalawa. I breathe in and out. "Xander..." I called out. I heard him let out a heavy breath, before responding. "Ayos ka lang ba? When we left, I can remember that you're dripping wet because of the rain. Take care of yourself, Celestine. It might cause you fever!" may bahid nang pag-aalala sa bo

