REIGHN SELESTINE “Bakit hindi ka sumasagot?” tanong ko sa asawa ko dahil tinatanong ko pero nananahimik lang siya. “Nagdadrive po ako, mahal.” sagot niya sa akin. “Sasagot ka lang naman, mahirap ba ‘yon.” “Kasi, maha–” “Siguro ayaw mo noh? Hindi mo ako magugustuhan kapag naging si mommy ako,” naiinis na sambit ko. “Ayaw ko kasi naman sakit ng ulo ang mommy mo ng daddy mo.” sagot niya sa akin kaya mas lalo akong nainis. Hindi man lang niya naisip na magagalit ako. Talagang sinabi niya na ayaw niya. “Ano ba ang mali sa mommy ko?” “Wala naman, mahal.” sagot niya sa akin. “So, kung kaugali ko pala siya ay hindi mo ako magugustuhan? Bakit sino ba ang tipo mo? Si Annalyn ba?” galit na tanong ko sa kanya. “Mahal, hindi po. Hindi mo naman kaugali ang mommy mo eh. Kaya ‘wag na nating pag

