VIZENCIO (FROM THE BEGINNING) “Malapit na ang kasal niyo ni Annalyn. Pero wala kang balak na sumipot sa mga appointment mo?” tanong sa akin ng daddy ko. “I’m busy, dad.” sagot ko sa kanya. “What? Busy?” “May mga tinatapos lang po ako na mga trabaho,” sabi ko sa kanya. “Okay, pero samahan mo siya para maging maayos ang kasal niyo. Nakakahiya sa pamilya nila. Hindi maganda na pinapakita mo na wala kang pakialam sa fiancee mo.” sabi sa akin ni daddy. “I will, dad. After po ng trabaho ko ay pupuntahan ko siya,” sagot ko sa kanya. “Okay, son. Alis na ako,” sabi niya sa akin. Busy talaga ako sa work ko dito sa company namin kaya wala pa akong time para sumama sa girlfriend ko. Annalyn is my childhood bestfriend at arranged marriage ang mangyayari sa aming dalawa. Mahal ko siya kaya handa

