REIGHN SELESTINE Nahihiya akong bumaba. Nahihiya ako sa naging attitude ko kagabi. Kaya naman mas pinili ko na lang na magkulong dito sa room ko. Bumalik na ang pamilya ko sa Manila at kami na lang ulit ang naiwan dito. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang boyfriend ko. Nakangiti siya sa akin pero ako hindi ko man lang magawa na ngumiti. Kahit sa kanya ay nahihiya ako. “Good morning, mahal.” malambing na bati niya sa akin at nilapag niya sa tabi ko ang tray na may lamang pagkain. “Morning–” “Okay ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Okay lang ako. Nahihiya lang ako sa naging asal ko kagabi.” sagot ko sa kanya. “It’s fine, naiintindihan ka nila–” “Bakit mo naman kasi sinabi sa kanila? Baka mas lalo naman silang mag-alala sa akin.” medyo naiinis

