REIGHN SELESTINE “Excited na talaga ak–” “Saan ka excited, sweetie?” tanong sa akin ni daddy na ikinagulat ko. Naisatinig ko pala ang dapat ay nasa sarili ko lang. Paktay na, ano kayang palusot ang sasabihin ko sa kanya. “Daddy, ang ibig ko po sabihin ay excited na ako sa admission test ko.” palusot ko dahil iyon na lang ang naisip ko. “Alam namin na makakapasa ka, sweetie. Ikaw pa ba?” nakangiti na sabi sa akin ni daddy. “Sana nga po, daddy.” sagot ko at kumain na ako. Tumingin ako sa boyfriend ko sa boyfriend ko at nakangiti siya sa akin. Hindi ko na lang pinahalata na kinikilig ako. Kumain na lang ako dahil ang sarap ng pagkain. Lahat na lang kasi ng pagkain dito ay masarap. Tumingin ako sa mango graham. Gusto kong kumain pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil nakakataba ang ma

