REIGHN SELESTINE Sunday ngayon kaya pupunta ako sa simbahan. Magsisimba muna ako bago ako mamasyal. Ngayon ko na itutuloy ang bonding naming dalawa ni Lucas. Nagmessage ako kay Kuya pero hindi naman siya nagreply. Nagpaalam na ako sa kanya kaya bahala na siya. Ang mahalaga ay nagsabi ako. Simula kagabi ay hindi na siya tumawag. Baka sobrang busy niya kaya hindi man lang niya ako naalala. Ang dami ko text message na pinadala sa kanya. Wala naman kasi siyang social media accounts kaya tanging call and text lang ang mayroon kami. Ano na kaya ang nangyari doon? Lagot talaga siya kapag ako bigla niyang ginost. Pero kasi ang sabi naman niya noong nakaraan ay magiging busy siya dahil sa mga naiwan niyang trabaho na kailangan niyang tapusin. Naalala ko pa ang sinabi ni Ate Annalyn na nagagali

