REIGHN SELESTINE “Sweetie, kumain na tayo.” Malumanay na sambit ni daddy. “Ikaw na lang po. Wala po akong gana.” Sagot ko sa kanya at nakatalikod lang ako sa kanya habang nakahiga ako dito sa kama ko. “Lagi ka na lang bang walang gana? Kumain na tayo, please.” sabi niya sa akin. “Hindi po ako nagugutom, daddy. Kaya ilabas niyo na lang po ‘yan,” sabi ko sa kanya. “Reighn, stop this. Kumain ka na. Hindi mo ba iniisip ang anak mo?” Tanong niya sa akin. “Iniisip mo ba kami?” Tanong ko rin sa kanya at nilingon ko siya. Umupo ako sa kama at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya pero binalewala ko dahil mas malungkot ako ngayon. “Oo naman, iniisip ko kayo kaya nga ayaw ko na nagpapagutom ka. Kahit naman ayaw ko ay wala na akong magagawa dahil binuntis ka na ng gurang na ‘yu–” “Gurang ka

