VIZENCIO Magsisimula pa lang kami ng sabihin niya na gusto niyang magbar. Kaya sino ba ako para pigilan siya. Pero dapat ay kasama niya ako. Kaya bago kami pumunta sa bar ay pinagbigyan niya muna ako. Masaya naman ako at ganado na samahan siya pero parang nagsisi na agad ako dahil sa mga mata ng mga lalaki na nakatingin sa kanya. Pinangako ko na hindi ako makikipag-away pero nakakairita ang mga mata nila na nakatutok sa girlfriend ko. Kumuha na lang kami ng VIP room. Hindi ko alam kung dahil sa alak kaya bigla akong sumayaw sa harap niya. Kung tatanungin ako kung nagsisisi ba ako? Hindi naman, nag-enjoy naman ako dahil kay Reighn lang ako sasayaw. Sa kanya lang at wala ng iba pa. Ganito nga talaga siguro kapag nagmamahal ka. Minsan balewala na kahit pa magmukha akong tanga basta ang mah

