VIZENCIO “W–What’s the meaning of this?” Kaagad akong nakaramdam ng takot ng bigla na lang siyang pumasok dito sa office ko. “I’m sorry, Sir. I—” “Leave us alone,” seryoso na sabi ko kay Faye. “Okay, Sir.” “Mahal, let me explain.” mabilis akong lumpait sa kanya. “Explain? You lied to me,” nakikita ko sa mga mata niya ang galit at disappointed siya sa akin. “Alam ko pero kasi—” “Hindi ako pumunta dito para pag-usapan ang kung ano ang gusto mong sabihin sa akin.” malamig na sabi niya kaya mas lalo akong natakot. “I’m here kasi gusto ko lang magreklamo sa grade na binigay sa akin. Alam ko kasi na ginawa ko naman ang trabaho na pinapagawa sa akin kaya bakit ako ang pinakamababa? Ginawa na nga akong taga-linis ng office nila tapos mababa pa ako. Eh hindi naman ako janitress dito.” s

