HINDI kita mahal, paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isipan ni James habang sunod-sunod ang nagiging paglagok niya ng alak. Nang umalis siya kanina ay wala siyang ibang ginawa kundi mag-drive nang mag drive. Nang mapagod ay bumili siya ng alak at nagmaneho pauwi. Oh, hell! Gusto niyang mamanhid. Gusto niyang mawala ang sakit na nararamdaman, ang rejection, ang pagkabigo. It’s making him lost. Muling tumungga si James. Hindi napigilan ang pagbabalik-tanaw sa unang pagkakataon na nasilayan ng mga mata niya si Mikaella… “Got your book, Mom,” ani ni James sa ina, kausap niya ito sa cell phone. Nang malaman ng kanyang ina na nasa mall siya, inalam nito kung busy ba siya o nagmamadali dahil may ipabibili diumano itong libro. May naka-schedule siyang appointment pero dahil hindi ni

