“SALAMAT at sinagot mo ang tawag ko,” agad na wika ni James nang tanggapin niya ang tawag nito. Halos mag-uumaga na nang makatulog si Mikaella. Dahil doon ay hindi na niya namalayan ang pag-alis ng bahay ni James para pumasok sa trabaho. Ni hindi siya sigurado kung pumasok ba ito ng silid para maligo at nagbihis. Ang sabi ni Pina ay hindi daw nag-almusal si James at nagbilin na huwag na daw siyang gisingin. It was nine in the morning when she woke up. Hindi niya magawang kumain, ni kumilos. Napakatamlay ng katawan niya at mabigat ang pakiramdam. Dahil marahil sa mga nangyari. Sa totoo lang ay hindi talaga niya alam kung ano ang susunod na gagawin niya. Ngayon ay lampas alas-dose na. Inaalok na siyang kumain ni Pina pero wala pa rin siyang gana. Iniisip niya kung…kung uuwi kaya si James p

