TWO MONTHS LATER TINITIGAN ni Mikaella ang halagang nakasulat sa tseke. Nakakalula ang pigurang naroon. Kayamanan nang maituturing. Kung magtatrabaho siya ay aabutin ng maraming taon bago siya makaipon ng ganoon kalaking halaga. Si Attorney Gregorio—ang abogado ni James—ang naghatid niyon sa kanya. Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang makauwi siya at tumupad si James sa kanilang kasunduan. Hindi na ito nagpapakita sa kanya. Ni wala siyang balita kung nakabalik na ba ito ng Pilipinas, o kung ano na ang ginagawa nito. And she was terribly missing him. “Mahigpit na bilin ni Mr. de Andrada na iparating ko umano sa iyo na kapag kailanganin mo ng ano mang tulong ay maaari mo akong kontakin at—” “Attorney,” pag-awat ni Mikaella sa sinasabi ng abogado. Inilapag niya ang tseke sa ibabaw n

