ANG MAIINIT na dampi ng halik sa balikat ni Mikaella ang gumising sa kanya. “Hmm,” ungol niya. Unti-unting nabubuhay ang kanyang dugo. Patagilid silang nakahiga. Niyayakap siya ni James mula sa kanyang likuran. At…oh, dear, naramdaman niya ang isang matigas na bagay na tumutukso sa kanyang likuran. Tuluyang nagising ang diwa ni Mikaella. Hindi iisang beses na nagtampisaw sila ni James sa mainit na sandali. Sinamba siya nito, inangkin ng paulit-ulit. Dominante ito, oo, pero maingat at mapagbigay din. Hindi lang ito ang naglalangoy sa dagat ng kaligayahan kundi maging siya man. Paulit-ulit na tinawag nila ang pangalan ng isa’t-isa. Binubulungan siya ni James ng mga nakakakiliti at matatamis na salita. Pati ang Dushianan native language ay ginagamit din nito. Hindi na siya nag-abala na itanon

