NAGMAMADALI kong sinusuot ang sapatos ko. Malamang ay nakayuko ako at itong si partner naman ay nakikisabay.
Sinong partner? Ang sipon po, bow. 'Yong tipong kung yuyuko ka 'di mo namamalayang dumadaloy na siya? Naku naman partner, why now?
Alas kwatro na at 4pm sharp ang umpisa rin ng aming basketball practice. Tiyak may punishment talaga ako nito mamaya, ang strikto kasi ni Coach Aldy sa oras. Ang sama pa naman ng pakiramdam ko, panay na rin ang bahing ko, baka nga lalagnatin ako.
Nilagay ko lahat ng kakailanganin ko sa practice sa bag na hindi man lang inaayos, nagsama na rin ako ng tissue. Mahirap na, baka maisipang mag show-off ni partner at lumobo. Ang yuck lang.
Isinara ko ang locker ko at tumatakbong tinahak ang daan palabas ng locker room.
Naalala ko kasing wala na akong extra na damit sa locker ko sa gym kaya dito na ako nagbihis.
Napakabilis na ng takbo ko na bawat room ay parang anim na hakbang ko na lang. Kahit na parang mabigat ang ulo ko. Nagpatuloy pa rin ako, hindi kasi pwedeng i-tolerate ang sakit dahil mas lalo itong lalala. Sarado na rin ang lahat ng room kaya napakatahimik at tanging mga yabag ko lang ang naririnig ko. Mahirap naman kung may iba pang yabag akong maririnig, eh nag-iisa na lang ako.
Pababa na ako ng hagdan at kung pwede lang magpadulas sa hawakan nito ay ginawa ko na para mas mabilis, pero ang tanging nagawa ko lang ay sa pagitan ng tagdadalawang hakbang sa hagdan ang inaapakan ko.
Napatigil ako sa 3rd floor nang makita ko ang tanging lalaking nagpapatibok ng puso ko ng mas mabilis sa normal. Nakayuko siyang naglalakad habang nakapamulsa. Hindi ako nagkakamali alam kong si Clarence my babyboo 'yan, proven by my heart that is stupidly crazily beating fast right now. Dahil pa ba 'to sa pagtakbo? Pakiramdam ko hindi na eh.
Pero, duh! Wala akong panahong maglandi, tatlo ang hinahabol ko ngayon. Ang oras, hininga ko at si partner. Tapos eepal ka pa puso ko?
Sumipol na lang ako dahilan para mapatingin siya sa akin kaya agad ko siyang binigyan ng pamatay kong kindat at nag flying kiss.
Oh diba? Hindi hadlang ang sakit people para maglandi. Hindi ko na nakita ang reaction niya dahil nagpatuloy na ako sa pagbaba sa hagdan.
Pagdating ko ng gym as expected, punishment welcomed me at ang mabubuti kong kaibigan ay sinasabayan pa ako sa pagbibilang ng 30 squats sa pangunguna ni Kyra.
Minsan may disadvantage rin ang pagiging over supportive ng circle of friends eh. Susuportahan ka sa lahat ng bagay, isama mo na pati kalandian. 'Yon nga lang pati pagdurusa mo hindi pinalampas, suportado ka rin nila.
Hindi naman pala talaga kami magpapraktis, binriefing lang kami ni coach at pinag-dismiss. Kaya nama'y tuwang-tuwa ako kasi sa wakas magtutuos na kami ni partner.
"Chrys una na ako," sabi ni Kyra at pumara ng taxi kaya'y tumango na lang ako.
"Di ka sasabay?" aniya.
"Ay, ayos ka rin Kyra 'no? —” Hindi ko napigilang mapabahing! Ay, ano ba 'to! “Sabi mo mauuna ka tapos tatanungin mo 'ko kung sasabay ako?" Napatawa siya ng kaunti, "Para kasing uulan eh, sinisipon ka pa naman.”
"Oo nga alam ko.” Makulimlim ang langit at halatang any minute ay babagsak ang ulan.
"Kaya nga, 'di ka pa uuwi?"
"Sige na, mauna ka na may dadaanan pa ako.”
"At saan naman?"
"Ky, mahiya ka nang kaunti. Kanina pa naghihintay si manong driver. Pa-special ka?"
"Ay oo pala, sige na. Mag-ingat ka."
"Oh,” tanging sagot ko.
Iilan na lang ang mga estudyanteng nandito sa waiting shed. Nag-umpisa na akong maglakad patungo sa botika para bumili ng gamot, para ano pa't naging med student ako kung hindi ko alam ang bibilhin kong gamot diba.
At talaga nga namang masyado akong pinagpala ngayong araw, bumuhos ang malakas na ulan sa gitna ng paglalakad ko. Mabilis ko na lamang na tinakbo ang malapit na coffee shop. Pumasok na rin ako, alangan namang tatambay ako sa labas at kakanta ng …
‘Heto ako basang-basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan. . .’
Mas okay pa nga ako kaysa sa babaeng nakasabay ko, mukha na siyang basang sisiw.
Naghanap ako ng mauupuan at oorder sana ng mocha frappe, sumenyas ako sa dalawang waiter na nagtutulakan sa cashier.
Uhm, anong problema? Mukha ba akong hindi magbabayad? Sumenyas ako ulit at puro tulakan sila. Actually, 'yong lalaking nakatayo lang ang tulak ng tulak, 'yong nakaupo sa cashier na may cap ng coffee shop na ito may sinasabi lang at parang walang pakialam sa kasama niyang panay ang tulak sa kanya.
Tumayo na lang ako at mismong lumapit sa counter kung saan malapit ang cashier.
"Isang mocha frappe po, palagay na lang sa mesa,” sabi ko at itinuro ang mesa ko at tinungo ang CR. Kailangan kong ilabas si partner.
Pagbalik ko sa mesa ay naroon na nga ang mocha frappe. Binuksan ko ang phone at nag connect ng wifi nila rito, nag scroll sa f*******: sandali habang sinisimsim ang kape.
Matapos ang ilang minuto, no, almost an hour na pagpapainit ng puwit ko kakaupo sa coffee shop ay sa wakas tumila na ang ulan kaya naman umuwi na rin ako.
Pagkarating ng bahay ay dumiretso na ako sa kwarto. Naligo agad dahil nga sa naulanan ako. Pagkatapos maligo ay nagbihis ako ng pajama at jacket, nilalamig na kasi ako at parang kumakalat na rin ang init sa katawan ko. Kumuha ako ng makapal na kumot at tumalukbong sa kama, in-off ko na rin ang aircon. Pipikit na sana ako nang makarinig ako ng katok sa pinto.
"Brielle?"
"Hmm?" Namamaos na rin ang boses ko.
"Brielle?"
"Hmm?"
"Brielle?!” Nagulat na lang ako nang may biglang humablot ng kumot kaya napabalikwas ako ng upo. "Ano nga?!" napasigaw na rin ako.
"Brielle. . ." Si Mommy at humahagulgol pa.
"What?" iritableng sabi ko.
"What happened?" aniya sabay dampi ng palad sa noo ko. "Oh my gosh anak, ang init mo. May lagnat ka!" At niyakap-yakap pa ako. "Yeah right.” I can't help myself but to roll eyes, kung ganto ba naman ka-OA ang nanay mo. My goodness. "Anong yeah right yeah right ka riyan? Ang init mo! Shun! Tumawag ka ng ambulansya—!"
Nanlaki ang mata ko, "What?! Mom! Kumalma ka, inhale . . . exhale." Ginawa ko ang lagi kong ginagawa sa kanya para kumalma. Itong nanay ko, parang walang calming nerves sa katawan. Nang huminahon na siya ay tumigil na ako. "Okay ka na, mom?" She nodded like a kid. "Oh ayan, mom no need to call for an ambulance. I am freaking okay and I'm not dying. You're exaggerating, lagnat lang 'to."
"Anong lagnat lang?" May pag-aalala talaga ang boses niya.
"Yes, lagnat lang but you react like I'm dying."
"Stay here," aniya at diretsong lumabas ng kwarto ko.
Bumalik ulit ako sa pagkakahiga. Anong oras na ba? Kinuha ko ang cellphone sa bedside table at binuksan ito.
6:48.
Mag se-seven na pala.
Maya-maya'y bumalik si mommy na may dalang tray ng pagkain at soup. Kasunod niya si Kuya na may dalang basang towel sa maliit na batya. "Brielle, bumangon ka muna. Tingnan natin kung gaano ka taas ang lagnat mo,” ani mommy habang inaalalayan akong bumangon.
Mukha ba akong baldado? Hinayaan ko na lamang, wala na akong energy para magreklamo.
"Bakit kasi ‘di ka nagpasundo?"
"Kuya, alam kong busy ka," maikling sagot ko.
"Tsss."
Eventhough I have a headache I can't help myself but to roll my eyes. As usual, may bago pa ba kay Kuya? He's Chray Shun Clarete, a man of few words.
Kung anong kina-hysterical ni Mommy ay siya namang kinakalma niya. Hindi nga malaman kung saan nagmana 'yan, kasi kung nandito lang si Daddy, may ka-tandem na si Mommy sa pagka-hysterical.
Well ako, hindi pa ba sapat na ebidensiya noong nakita kong naghalikan si Edrian at Cleya? I admit, ang OA ko no'n.
Sabihin na nating si Kuya ang neutral sa family. Para bang 'pag magkalindol, taranta na kaming lahat tapos siya ang makikinig ng balita kung ano ang tamang gawin, buti na lang.
Todo asikaso sa akin si mommy hanggang sa malalim na ang gabi at nakatulog na ako.
Kinabukasan, mabigat pa rin ang ulo ko pero at least nararamdaman kong hindi na ako kasing-init kahapon. Pero si partner present pa rin. May pasok pa naman ngayon pero hindi ko yata kakayanin.
Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan.
9:53 AM
Alas nuwebe na? Mag-aalas dyes na nga. Hindi ko na nga talaga kakayaning pumasok.
13 missed calls
Galing kay Kyra. Anong kailangan ng babaeng 'to? Binuksan ko ang iniwan niyang message.
‘Chrys, nagkasakit ka raw. Get well soon, the soonest talaga kasi may debate mamayang hapon, 3pm. Same department pa rin ang kalaban. Ikaw lang inaasahan namin, the best debater. See you later. Mwaaah!’
Wengya, may pa-konsuelo pa. Well, hindi naman sa pagmamayabang but I'm really one of the best debaters not just in our section but in the whole department. Sino bang may lakas ng loob na isagawa ang debate na ito at kumalaban sa amin?
You know I'm just concerned at them, baka mapahiya sila. Ehem people, hindi po ako mayabang. Promise.
"Brielle, Good morning. Okay na ba pakiramdam mo?" ani Mommy na hindi man lang kumatok.
"I’m fine, mom."
Kailangan kong maging matatag dahil baka hindi niya ako payagang pumasok mamayang hapon. Sayang din 'yong debate na 'yon, 'pag manalo kami of course kakalat sa buong campus, bawat mag-aaral makakaalam tapos . . . tapos . . . tapos . . . well, ang point ko lang naman ay makaabot kay Clarence. Period.
Dagdag points din 'yon diba?
"Sure ka?"
"Opo.”
"Magpahinga ka, I already sent an excuse letter — "
Excuse letter? Ano ako, elementary?
"Uh mom, 'di niyo na sana ginawa I’m perfectly fine. Iinuman ko lang 'to ng gamot later, maayos na ako. Ikaw ba naman ang nurse ko. Yiee.” Sinundot sundot ko pa siya sa beywang.
"Tumigil ka Brielle, magpapahinga ka."
"Mom, papasok ako mamayang hapon 'cause I'm fine! Look!" Tumayo na ako at umikot-ikot pa na sana 'di ko na lang ginawa dahil parang naging dalawa ang paningin ko kay mommy nang tumigil ako, pero hindi ko na pinahalata.
"Baka mabinat ka — "
"No mom, okay na po talaga ako," putol ko sa kanya.
"No. You'll rest," Mom with her authority voice. 'Pag ganito na ang tono ni Mommy ay mahirap na itong pilitin pa. "Mom . . . " pagmamakaawa ko pa. Plus puppy eyes and pouty lips na 'yan, tumalab naman sana. "I said no,” aniya habang nililigpit ang mga tissue, wet wipes, pinagkainan at kung ano-ano pang ginamit niya sa akin kagabi.
"Mom naman . . . ”
"Brielle." Tumigil siya sa ginagawa at humarap sa akin. Dama ko rin ang pagbuntong hininga niya ng malalim. "Fine, pero ipapahatid at ipapasundo kita sa Kuya mo."
Elementary lang? Naku naman. Kailan ba ako titigilan ni mommy sa pangbe-baby? My goodness. The perk of being the youngest.
"Oo na po. Thanks mom," sabi ko na lang at hinalikan siya sa cheeks.
Bumaba na siya at ako nama'y nag-umpisang mag-research tungkol sa topic mamaya.
Bandang 2:30 ng hapon ako natapos kaya naghanda na rin ako para pumasok, hindi na ako nag uniform tutal hapon na. Sinuot ko na lang ang ID.
As what Mom told, hinatid nga ako ni Kuya.
"Call me later," maikling wika niya.
"Yep. Thanks bro," sabi ko at bumaba na ng sasakyan.
"Bro yourself," aniya. Yumuko ako sa bintana para makita ang pagmumukha niya. "Ayaw mo no'n? Mas lalo kang bumabata pag gano'n," pang-aasar ko.
"Tsss. Get lost," aniya at pinaharurot na ang sasakyan.
Ouch. Minsan wala ring modo 'tong kuya kong 'to eh. Paano pala kung na side swift ako? Tsk. Tsk.
Nagsimula na akong naglakad patungo sa stadium. Pagkarating ko roon ay parang kumpleto na ang lahat. The whole medical department is required to be here, and this debate is also open to everyone kung sinong gustong manuod. Sana naman manood si Clarence babyboo. Inikot ko ang paningin ko kahit walang pag-asa na makita ko siya, sa dami ba naman ng tao. Pakiramdam niyo sa mata ko, telescopic?
"Chrys!" Sino pa ba? Ang dakilang si Kyra. Tinungo ko na kung saan siya nakaupo, malapit lang kasi nasa bandang harapan siya. "Buti dumating ka akala ko 'di mo kakayanin. Maayos na ba pakiramdam mo?"
Nakakapanibago si Kyra, may caring and thoughtful side rin pala ang babaitang 'to. "Okay na ako, muntik pa nga akong 'di payagan ni Mommy."
"Paano mo napapayag?"
"Ginawa akong elementary.”
"Huh?"
"Pinahatid ako kay kuya, at susunduin din ako mamaya."
"Pffft,” pagpipigil niya ng tawa. Gago to, tinawanan pa ako.
"Good Afternoon Heinsteinians Medical Students!" May mahaba habang speech pang sinabi ang department head hanggang sa ang lahat ng speakers ay pinaupo na sa harapan which are really intended for the debaters this afternoon.
Prente na akong nakaupo, at talagang dito pa ako sa gitna ha. Katabi ko si Ciddy sa kanan, kahit may kalandian ding taglay 'tong si Ciddy at least may maipagmamalaki ring katalinuhan. Si Kyra naman sa kaliwa. Naroon rin si Mandy, mabunganga rin 'tong baklang 'to eh.
Well, this debate is semi-formal. Formal ang pag-oopen ng sides pero pagdating sa rebuttal nagiging informal na kaya gano'n.
Tiningnan ko kung sino ang makakalaban namin at bigla akong kinabahan. Huh? Napahawak ako sa dibdib dahil sa biglaang pagbilis ng t***k nito. Teka, ako? Kakabahan? Nah uh. Sa kapal ng mukha ko, I mean sa lakas ng loob ko ngayon lang ako kinabahan.
Why oh why?