ILANG araw na rin ang nagdaan mula noong general campaign at sa makalawa nga ay election na.
Naglalakad akong mag-isa patungo sa library dahil naiwan ko na naman ang ID ko — na naman. Bagong pagawa ko na ngang ID iyon dahil nawala 'yong dati, 'di ko na talaga makita. Hindi ko kasi hilig suotin ang ID ko, sinusuot ko lang 'pag pumasok for the entrance pass pagkatapos no'n ibubulsa ko na o ginagawa kong bookmark. 'Yon nga ang nangyari, ginawa ko siyang bookmark sa librong binabasa ko kaya naiwan ko.
Papasok na ako ng library nang may nahagip ang mata ko sa tabi ng library, kaya pumwesto ako sa mismong pinto ng library at sumulyap sa dalawang taong nag-uusap.
Si Cleya at kung hindi ako nagkakamali si Edrian 'yan? Imposible namang si Clarence 'yan, mas maingay 'yong tandem nina Cleya at Edrian dito sa school so malamang silang dalawa 'yan.
Nilagay ko ang kamay sa dibdib, ang lakas ng t***k nito. Si Clarence ba 'yan? Ito lang naman kasi ang basehan ko diba? Ang lukso ng puso ko. Pero kung si Clarence talaga 'yan, ano kayang pinag-uusapan nila? Eh kung si Edrian naman 'yan, ba't nararamdaman ko ang lukso ng puso ko?
Hindi birong ang lukso nga ng puso ko ang naging basehan ko dahil sa tuwing nakikita ko si Clarence babyboo, parang masasabi ko ang linya ng Goblin. “My heart is bouncing from sky to ground”. Oh diba, may mas hihigit pa ba na bounce roon?
"Eavesdropping, huh?" Napalingon ako dahil sa gulat. "Huh!" Nanlaki ang mata ko dahil sa lapit ng distansya, nakatingin ako sa kanya at siya nama'y diretso ang tingin kina Cleya. Inayos niya ang eyeglass, "Are you stalking my brother?" aniya pero nananatili pa rin akong nakatingin sa kanya.
Teka, sino ba siya? Wala rin kasing saysay ang nameplate na nakaburda sa polo niya, hindi ko rin masyadong kita ang ID niya. Lumingon siya sa akin at itinaas ang isang kilay na naghihintay ng sagot ko.
Shemay, sino 'to? Ang lapit ng mukha ko sa mukha niya. Napakakinis ng mukha niya, ni walang tigyawat o pores man lang. Dinaig pa yata ako. Ano kayang facial cream o wash ang gamit niya? Gumagamit kaya siya ng facial cleanser? Eskinol, ponds, master?
"Ms. Clarete?" Napabalik ako sa sarili nang magsalita siya ulit. "Ah. . .ahm.” Umatras ako ng kaunti dahil parang suffocated ako sa posisyon namin. "Teka lang, ninakaw na nga 'yong puso ko pati ba naman baga ko?"
"Sino ba ang nagnakaw?" aniya. Akmang magsasalita na sana ako nang may na-realize ako. "Sino ka?" Dinamdam ko rin ang dibdib ko at gano'n pa rin ang lakas ng t***k ng puso ko.
Saan ba lumulukso si heart? Sa taong nasa harapan ko o sa taong ayon, nakikipaglandian I mean nakikipag-usap. Pwede bang kumanta ng. . .
‘Ang puso ko'y nalilito, nalilito kung sino sa inyo oh woah oh.
Ang isip ko'y gulong g**o, gulong g**o kung sino sa inyo.’
"I'm. . ." Bumalik ang tingin niya sa dalawa. Ako nama'y asang-asa sa isasagot niya dahil hindi ako prepared kung siya talaga si Clarence. My goodness! Kung siya ito, my gosh! Ang lapit namin sa isa't isa. Ito 'yong sinasabi nilang abot-kamay na eh.
Pero bago iyon kailangan ko talagang marinig ang sagot niya.
Lumampas na yata sa noo ko ang kilay ko kakahintay ng sagot niya. Ang tagal naman. . .
"Aray!" Nagulat ako dahil bigla niya akong tinulak kaya talagang napapasok na ako sa loob ng library.
"Ssssh," saway ng librarian. Wearing eyeglass na parang nasa tungki na ng ilong, bun ang buhok at striktang aura. Typical terror teacher. "Sorry po." Nagbow pa ako, hashtag koreana feels. Pag-angat ko ng ulo ay agad akong lumingon sa matinong lalaking na nagtulak lang naman sakin. Pero sa halip, mukha ni Cleya at 'di ko alam kung si Babyboo ito o si Edrian ang sumalubong sa akin.
"Ahm. . . hi?" Hiyang hiya na bati ko. Shemay, ang epic nito.
"Ms. Clarete," banggit ni — aish 'di ko nga kilala!
"Mr. Latwick" banggit ko rin, ano ba dapat kong isagot? Eh teka, 'di naman siya nagtanong. Parang nabanggit niya lang kasi 'yon na parang may masabi lang.
Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako. Eh? Ang awkward nito ah.
"Edrian? What are you doing there?" ani Cleya nang makita ang isang Latwick sa pinto.
"Ano bang ginagawa sa library?" pabalang na sagot nito.
Ang suplado ah?
But anyway, one thing is confirmed my dears. This man standing behind me is Edrian, only means si Babyboo nga 'tong kasama ni Cleya.
Napasimangot ako. Ba't sila magkasama? Ano 'to? Tinutuhog ng babaitang 'to ang kambal? Ay aba! Kaganda ni ateng!
Mas. . . mas. . . Oh well, mas maganda siya. Pero suntukan na lang oh? Tingnan ko lang kung may ganda pa siyang matitira.
"Oh, so hot. Kalma dear," aniya at dinaanan ako para lumapit kay Edrian.
Now, one on one na kami ni Babyboo. What to do? What to say? Hindi ako nakapaghanda ng banat.
"Nagawi ka rito, Ms. Clare— ”
"Ah uh. . . Chrys na lang. Kinikilabutan ako sa tawag mo eh," putol ko sa kanya at alanganing ngumiti.
Umangat ang gilid ng labi niya at binanggit ang pangalan ko, ”Chrys.”
"Good," agad kong sagot at tuluyan nang ngumiti. Si crush na 'to eh, malay niyo madala sa ngiti.
"Anong ginagawa mo pala rito?"
"Alam mo ba kung ano ginagawa sa library?" Balik kong tanong na ikakunot ng noo niya na para bang. . . Like duh? Umabot ka ng college na 'di man lang pumapasok sa library?
"Studying. . . doing research, reviewing. . ." aniya sa napaka-plain na tono.
"and flirting,” I murmured.
"Saying something?" Lumapit pa siya ng bahagya sa'kin para makita ang mukha ko dahil yumuko ako ng kaunti. Inangat ko ang ulo at sinalubong ang tingin niya. Oh puso, kalma tayo. 'Pag ikaw sumabog wala na talaga. Mahirap kasi kapag sumabog ang puso, it will scatter down into pieces.
"Iba kasi ginagawa ko sa library eh.”
"Ano?"
"Naghahanap ng kasagutan.”
"Kasagutan? To what? Tell me, maybe I can help you.”
Napangiti ako ng malawak, ang generous ni babyboo. Major turn on #3. Major turn on #1 na 'yong gwapo siya, #2 ‘yong nakaka-inlove niyang ngiti.
"Naghahanap ng kasagutan kung bakit ikaw ang aking napupusuan . . ." kasabay ng paglapat ng kamay ko sa dibdib para damang-dama. "Can you help me?" Hindi pa ako handa sa banat kong 'yan ha.
Halatang halata sa mukha niya na hindi niya inaasahan ang sinabi ko kaya ilang beses siyang napakurap-kurap. "W-well, that was unexpected, and I don't think I can help you.” Ay, sineryoso?
"Maybe you can help me in the other way.”
"What?"
"Tulungan mo 'kong. . ." Nakataas na ang kilay niya na abang na abang din sa isasagot ko. "hanapin 'yong ID ko." Wala na! Wala na akong maisip na banat.
"Clarence, gotta go," singit ni Edrian. Tumango lang naman siya at kasabay nito umalis si Cleya. Kita mo 'tong babaeng to, si Edrian na naman ang lalandiin.
"Ge, tuloy na rin ako," sabi ko at dumaan sa gilid niya kasabay ng pag-tap sa balikat niya. Chansing na 'yon bes! "Ah wait. . ." aniya kaya lumingon ako at nakita siyang may kinuha mula sa pahina ng aklat.
"This one?" Iniangat niya ang sling ng ID, lumapit naman ako para makita. Ito 'yong ID ko na unang nawala. Tiningnan ko ang aklat kung saan niya kinuha ang ID.
Advance Calculus.
Calculus?! Never in my history and in my life, I will read this book with willingness.
"Pano napunta 'to rito?"
"Binigay ni Edrian."
"Huh? Paano napunta sa kanya?"
" I don't know," kibit balikat niyang sagot.
"Bahala na, ang importante narito na siya. Nagpagawa pa ako ng bagong ID dahil nawala 'to. Thank you."
"I think you should thank Edrian."
"'Yaan mo na ikaw naman bumalik.” Tsaka hello? Hinawakan ni babyboo 'yong ID ko. Naku naman, ipapa-laminate ko na ba 'to? O ipapa-frame?
Tiningnan niya ang relo niya. "Mauna na ako."
Nagmamadali? Nagmo-moment pa nga tayo eh! Ano ba!
"Sige, salamat ulit,” sa halip ay sagot ko.
"No worries,” aniya at tumalikod na. Ako nama'y handa ng titigan ang likod niya nang bigla siyang lumingon ulit.
"By the way, you have a pretty smile in your ID," aniya at umalis na.
What?
Ano?
Did I hear it right?
Tama ba ang narinig ko?
By the way, you have a pretty smile in your ID.
By the way, you have a pretty smile in your ID.
By the way, you have a pretty smile in your ID.
Bigla namang sumikdo ang puso ko roon.
Tinitigan ko ang ID ko at shet, para akong nakatitig sa pinakamagandang babae sa lahat ng magaganda.
------------