*Dug dug*
*Dug dug*
*Dug dug*
Oh? Puso ko 'yan. Y'know, Clarence my babyboo is just around the corner. Nasa stadium kami ngayon at ako'y nagpapakapolitiko, naka sportscap pa ako dahil sobrang init. Ewan ko nga ba kung bakit dito pa ni-held ang general campaign, pwede namang sa gym. Gina-gather pa ang mga Heinsteinians para pumunta rito sa stadium kaya birds in the wilderness ang peg namin ngayon, waiting for the others to come. Alam niyo ‘yong kantang 'yon?
Here we sit like birds in the wilderness
Birds in the wilderness
Birds in the wilderness
Here we sit like birds in the wilderness
"Oh, prepared na ba ang speech mo Ms. Pres?" Si Kyra. Of course, parte siya ng party ko at Secretary ko lang naman siya. ‘Yong Vice ko si Mandell prefer to be called Mandy, prinsesa sa gabi eh.
"Sus, ako pa."
"Eh paano kung manalo ka?" Napatingala ako sa kanya dahil sa tanong niya. Nakaupo kasi ako at siya nama'y nakatayo at nakapatong ang braso sa balikat ko na akala mo'y tambayan 'tong balikat ko. "What? Alalang-alala ko po kung ano ang rason ng pagtakbo mo,” aniya.
"Wala sa plano ko ang manalo, so hindi ako mananalo."
"So, sa tingin mo it'll go all your way?"
"Of course, you bet?"
"Nah. Sinabi mo nga, wala ka pang napustahan na natalo ka."
"Malay mo this time."
"Sabi mo rin nga, hindi ka pumupusta 'pag alam mong hindi ka mananalo.” Lumawak ang ngiti ko. "Galing ni Besplen kilalang kilala ako.”
"Sus, kilala na kita from scalp to toes.”
"So, ayaw mo?"
"Syempre… oo magkano ba pusta mo?" Ang labo rin kausap nito eh. "Akala ko ayaw mo? Baka matalo ka."
"Baka," binigyang diin niya talaga. "So yeah, lalaban ako at. . . Baka rin ako pa lang ang makapagpatalo sa'yo."
"Game. 30,000." Napaatras siya sa sinabi ko "Grabe ka ah, pang tuition na natin 'yan.”
"One-fourth nga lang ng tuition natin ‘yan. So, magkano?" tanong ko.
"10.” Napakunot ang noo ko kung anong 10 ang ibig niyang sabihin. "Pesos?!"
"Thousand. Over 'to, anhin ko ang 10 pesos mo?"
"Malay ko ba kung gusto mong bumili ng kwek kwek."
"Di rin."
"Bakit?"
"12 pesos ang kwek kwek eh.”
"Aish. . ." Kinapkap ko ang 2 pesos sa bulsa ng pantalon ko at ibinigay sa kanya "Oh eto dalawang piso, bumili kang kwek kwek," sabi ko sabay tulak sa kanya dahil ang aking babyboo ay nasa corner lang at may naisip na naman akong kalokohan.
Kumuha na naman ako ng kapirasong papel at syempre ballpen.
Prente siyang nakaupo sa kabilang tent, naka-shades pa man din siya so hindi siya naka-eyeglass. Mahirap naman kung pagpapatungin niya ang eyeglass at sunglass diba?
Sheet, ang gwapo talaga eh. Alam kong siya 'yan dahil kanina pa tuma-tumbling ang puso ko at hindi na ako magkakamali dahil unang-una ramdam na ramdam ko ang lukso ng puso. Pangalawa, siya lang naman ang makakalaban ko so malamang siya talaga 'yan. Pangatlo, my body, heart, mind and soul say so.
Ginawa kong paper airplane ang papel at ni-sight diretso sa kanya. Abala ang iba niyang kasama at parang wala lang sa kaniya. Nakadekwatro pa nga siyang nakaupo. Dapat pala bise presidente nalang ang tinakbuhan ko para may chance pa na makatrabaho ko siya. Ang tanga ko, ba't ngayon ko lang naisip?
Bahala na nga. Hinipan ko ang paper airplane at pinalipad patungo sa direksiyon at. . .
"Shoot!" Napasigaw ako dahil sakto ang bagsak sa harapan niya. Malakas ang pagsigaw kong iyon dahil napatingin siya kaya tinodo ko na ang pamatay kong kindat.
Pinulot niya ang paper airplane at binuklat.
At sa dahan-dahang pagbuklat niya ay siya namang nagkakakarerahan sa puso ko. Pinaghalong kaba at sabik ang nasa puso ko ngayon.
Maya-maya'y tumingin siya sa direksyon ko at tinanggal ang sunglass niya. Shet! Eotteokke?! What to do?! What to do?!
Ayan na besh, Ayan na.
BOOM!
Napatulala na lang ako sa kanya at kulang na lang ay iihi ako sa kilig. Ngumiti siya! Ngumiti siya sa akin! ‘Yong ngiting pang-endorser ng toothpaste. Hindi ako assuming dahil ako lang mag-isa rito.
Ngiting-ngiti naman ako sa kanya. Shemay, feeling ko nagka eye to eye contact na kami kahit ang layo niya. 'Di pa ako nakuntento at kumaway pa ako sa kanya at ang the best part iniangat niya rin ng konti ang kamay niya, 'di ko nga matawag kung kaway ba pabalik 'yon.
Ganadong-ganado ako magtalumpati nito mamaya eh.
Maya-maya lang ay nag-umpisa na ang general campaign at kanya-kanya kaming hakot ng sariling upuan, in other words pagyayabangan. But of course, kung magmamayabang man, talagang may ibubuga.
Natapos ang general campaign na hindi man lang iniwan ng ngiti ang aking labi. Wala akong ginawa kundi ngumiti ng ngumiti, ikaw ba naman inspirado? Parang bawat estudyante gusto kong ngitian. Pakiramdam ko nga walang sinuman o ano ang makakasira ng araw ko.
Unang nagpakilala ang partido ng aking babyboo at sunod kami kaya heto ako ngayon at pababa ng hagdan. Pagkababa ko'y biglang sumulpot si. . . Clarence?!
"Ms. Clarete, may the best win," pormal niyang sabi. Nagulat ako nang bigla niyang nilahad ang kamay. Omo. Another shakehands!
Alam niyo 'yon? Nasa huling step na ako ng hagdan tapos siya nasa baba na talaga, nakalahad pa ang kamay.
Sana 'May I have this dance?' na lang 'yong sinabi niya.
Ugh. Buong-buo na talaga araw ko eh.
"Oy Brielle, baka gusto mong tanggapin na? Nangangalay na si Mr. Latwick oh.” Natinag ako nang marinig ko ang boses ni Kyra. "And can you make it more bilis? Were already stuck here like a traffic na." The ever so conyo, Mandy. Nakasunod kasi sila sa akin at parang pang two-person lang din itong hagdan kaya hindi rin sila makadaan.
I shake hands with him with a wide smile, "Okay lang kung matalo ako rito, basta ipanalo mo lang ako sa puso mo," sabay kindat. Nagsipekean na nasusuka ang mga nakasunod sa akin.
"Jusme, no'ng nagpaulan ng kakornihan sinalo mo lahat Chrys."
"Pwe! Ang mais!"
"Nyeta Chrys. Ang kapal mo."
"Chrys, hindi kita kaibigan." Grabe maka-react 'tong mga 'to. "Jusko po, ano na lang ang future ng SC 'pag siya ang nanalo," ani Jes, isa sa mga representatives ko.
Natatawang bumitiw si Clarence. Ano ba, ninanamnam ko pa eh.
"So, see you around."
"I am always around," agad kong sagot. He just smiled and turned his back.
"And we just witnessed the kalandian of our chosen president." Agad naman akong lumingon at pinaghahampas sila lalo na si Kyra na siyang nangunguna. Kanya-kanya naman silang reklamo. "Bakit ba napaka-supportive niyong kaibigan?"
"Alam mo kasi Brielle—"
"’Yan! Isa pa 'yan! Brielle kayo ng Brielle!"
"Eh sa parte 'yan ng pangalan mo eh!"
Binigyan ko na lang sila ng death glare at padabog na bumaba pero sabi ko nga na walang makakasira ng araw ko, kaya nakapaskil pa rin ang ngiti ko.
"Talaga bang you are angry na, sissy?" Binlangko ko ang ekspresyon bago lumingon, "Bakit?"
"Don't loko us, we already knew your day was already made when you make landi landi to Fafa Clarence." Unti- unting pumorma ang ngiti sa labi ko, totoo naman eh. Ide-deny ko pa?
Ngunit bigla rin akong bumawi at pinatalim ang tingin kay Mandy. "Let me remind you Mandy, Clarence is off limit for you."
"Nah. You shouldn't alala I have my Fafa Edrian and he's more hottie than your babyboo."
"Make saksak to your puso si Edrian. Sayong-sayo na siya, I don't care." At nagpatuloy sa paglalakad.
Wala akong pinagsisihan sa pagtakbo kong ito na iba ang plataporma. To make papansin to my babyboo imbis na how to improve the school and student governance. Jusme, tama nga si Jes ano na lang ang future ng SC 'pag ako manalo.
----------------------------