KANYA-KANYANG orasyon ang mga kaklase ko na sana hindi na dumating ang first subject prof namin. Late na kasi siya sa usual na dating niya. Ako nama'y nantitrip lang sa mga kaklase kong parang pinagkaitan ng kasiyahan. Kinulbit ko si Hana, ang presidente namin at nang lumingon siya ay pasimple akong naglakad patungo sa pinto na pasipol-sipol pa. Lalabas sana ako nang may nakita akong napakagandang tanawin. Mabilis kong isinara ang pinto at . . . ehem. . . eavesdropping is bad but it's not, when it comes to my babyboo. Kaya binuksan ko nang kaunti ang pintuan at sumilip.
Shemay, 'yong swabeng lakad niya pa lang oh buo na ang araw ko eh.
Napakunot noo ako nang may humahangos na babae ang lumalapit. Aba. Aba. Pilit kong nililinaw ang babaeng 'to. Nakahawak pa ako sa doorknob niyan at budget na budget 'yong nakikita ko.
Huh! Wag siyang magkakamaling —
"Mr. Latwick?" Napatigil ako.
Not this time, Chrys. Hindi ka na dapat magpadalos-dalos ngayon dahil kung may award lang na Epic Queen ikaw na ang reyna, dagdag mo pa ang award na most embarrassment, outstanding kana do'n. Kaya dapat, siguraduhin mo muna ngayon. Yes, right. Dapat manigurado ka muna kaya tama talagang eavesdropping is not bad, para ito sa ikakaunlad ng pride mo at maiahon ka sa kahihiyan.
"Ah, Clarence?" sabi ni Ms. Pres. Yep, si Ms. Pres pala ang balak kong ipa-salvage. Hmm. Sa pagkakaalam ko matinong babae 'to si Sylvior eh, dalawa na nga lang kaming matino ang naiwan.
Nakita kong lumapit ng bahagya si Sylvior na naging dahilan para hindi ko na marining ang usapan nila. But only one thing is for 100.1% sure.
"Ah, Clarence?"
So, it's confirmed. It's really my babyboo.
Pero teka, ayaw ko 'yong mga tinging binibigay ni babyboo kay Sylvior ah. Oh my babyboo, wag mo 'kong gawing criminal. Ayaw kong magpa-salvage ng taong tanging karamay ko sa pagiging matinong babae. 'Yang kakaibang titig mo sa kanya, 'yan ang magtutulak sa akin na maging criminal.
Oh my babyboo.
"Thank you, Mr. Latwick," paalam ni Sylvior at umalis na. "Sure." Tangna. Ngumiti pa? Akin lang dapat 'yang ngiti mo eh!
Kinuha ko ang chewing gum sa bulsa at kinain ito. Nang nagpatuloy siya sa paglalakad ay hindi ko rin alam kung ano ang nagtulak sa akin at hinarang ko siya, siguro 'yong chewing gum. Pasimple kong pinatong ang dalawang siko sa grills ng corridor.
"Hey babyboo, I love you," sabi ko at inilabas ang pamatay kong kindat. Napanguso na lang ako, ni hindi man lang siya ngumiti, tinaasan pa nga ako ng kilay.
"Tss. People nowadays say I love you as if they're just saying hello," aniya.
"Ah, so. . . hello." At kinaway ko pa ang kamay.
"I'm. . . Edrian." Hindi ko inaasahan ang sinabi niyang 'yon kaya nawala tuloy 'yong coolness ko. Tsk. Tsk. "And I’m not your babyboo." Napakamot ako sa sentido.
Shet. Si Clarence siya diba? 'Yon 'yong tinawag sa kanya ni Sylvior eh. Napababa ang tingin ko sa chest pocket niya, nanggagago ba 'to? 'Yong nakaburdang pangalan niya Latwick E. Eh parehas naman silang E! Parehas din silang Latwick! Naku naman.
Mag-isip ka ng palusot Chrys!
"Ah hindi, alam mo 'yong truth or dare na laro? Natalo ako eh kaya dinare nila ako na kung sino man ang unang taong dadaan dito. . . ayon. . .sige bye." Dali-dali akong pumasok pabalik ng classroom at paasik na isinara ang pinto.
Tangnang buhay 'to oh.
"Shet Kyra! Ang ganda ko, tangna! Pakipatay nga ng Edrian na 'yan nang hindi ko maipagkakamaling siya si Clarence babyboo. Tangna hoo! Pahiya ako ro'n ah?!"
Kahit kaklase ko'y natahimik. Nilibot ko ang paningin sa classroom at nakita ko si Ciddy, pagkakaalam ko sikat ‘to sa mga lalaki eh. "Oy ikaw Ciddy! Kilala mo ba ang magkambal na 'yan?! Anong palatandaan mo sa kanila?!"
Feeling ko parang ang frustrated-frustrated ko na.
"Maghunos dili ka nga, Brielle! Ayus-ayusin mo kasi kung sino nilalandi mo.” Si Kyrang 'di man lang ako sinusuportahan. Brielle pa talaga.
"Napaka-aloof ng magkambal na 'yan, hindi mo sila makakausap kapag hindi importanteng bagay or school-related stuff. Never nga akong lumapit sa kanila," kwento ni Ciddy.
"Kaya nga nagulat kami sa nangyari no'n sa gate, noong biglang hinalikan ni Edrian si Cleya. Malanding babae 'yon! Napakaswerte!" singit ni Arcie kaya napahawak ako sa puso ko. Sa tuwing naalala ko 'yon, nasasaktan talaga ako eh.
"Oh, e-emote ka na naman? Sabi ko nga dibang si Edrian 'yon." Oh, minsan ayaw rin pala ni Kyra na nakikita akong nasasaktan. Kaya inayos ko ang mukha ko, "Ay, oo nga pala."
Nag-uusap usap kami nang biglang may pumasok. "Excuse me, good morning. Is Ms. Clarete around?" Si Ms. Pres Sylvior kaya tumayo ako. "Yes?"
"I see you don't have your prof. May I excuse you for a while?"
Tumango lang ako at lumabas ng classroom. "We have meeting later at lunchtime with Prof. Ligonero, the SC Adviser and the presidential candidate of other party — "
"You mean Mr. Clarence Latwick?" Putol ko sa litanya niya. Parang biglang nabuhay lahat ng frustrated kong body cells dahil sa nangyari kanina.
"Yes."
"Sure!" masigla kong sagot dahil hindi pa man siya tapos ay sumagot na ako agad. "Thank you," aniya.
"You're very welcome and thanks also." Tumango siya at umalis na, para na akong tangang ngiti ng ngiti.
By this time, I’m very sure of it na. Eh kaya lang naman ako tumakbo dahil tumakbo si Babyboo eh. Wala lang para sumagi rin ako sa isip niya. Syempre iisipin niyang ako ang makakalaban niya, at syempre pag-iisipan niya kung paano niya ako matatalo at syempre. . . basta iniisip niya ako! Mabuti na nga lang wala ng ibang tumakbo, kundi noon pa lang pinilayan ko na sila nang ‘di makatakbo. Moment lang namin 'to eh, makikitakbo pa.
Hindi ba nila alam na ang relasyon ay parang daanan, pandalawahan lamang kaya ang papagitna ay masasagasaan.
Wala akong ginawa kundi tulungan ang digital clock na nasa harap na magbilang ng oras at parang gusto kong ako na lang ang magpaikot no'n sa tagal. Ang tagal mag lunch!
"Hoy! Baka gusto mong mag-lunch muna bago mag meeting? May libreng pagkain ba roon?" Ito talagang si Kyra eh. "Wala, pero titigan ko lang si babyboo hindi lang tiyan ko nabubusog, pati mata ko. Dagdag mo pa bawat kalamnan at pa-extra na lang 'yong busog na large at small intestine."
"Yuck, corny mo talaga. Sure ka na bang si Clarence na talaga 'yon?"
"Yep! Hindi mo ba nakita ang nagmamayabang naming pangalan sa gate? Oh diba parang Clarete-Latwick Nuptial lang,” pagmamayabang ko.
"Oh sige, mabusog ka sana do'n." Inayos niya ang bag at huminto sa tabi ko. "Parang ang sarap ng chicken inasal nila ngayon," aniya at nakatingin pa sa malayo na para bang abot tanaw niya na ang cafeteria. Pero naglaway ako sandali sa sinabi niya ah. Sheez, si Kyra talaga.
Aish. Bahala na. Minsan lang 'to at itong minsan na 'to, sigurado ng si Clarence na talaga ang makakaharap ko. Kaya grab the opportunity, although masarap din 'yong oh so juicy chicken inasal ah. Ugh. Natatakam ako.
Dumiretso ako ng SC Office at iniwasan ko talagang makadaan sa cafeteria, may ibang daan pero medyo malayo. 'Yon ang tinahak ko kaysa mahulog ako sa temptasyon. Pagdating ko sa harapan ng office ay ilang beses muna akong sumagap ng hangin na para bang ‘pag pinihit ko ang doorknob ay mauubusan ako ng hininga. Kulang na lang ay i-perform ko ang warm up exercise na ginagawa ko bago mag basketball. Ito na talaga. Ito na, Chrys.
Binuksan ko na ang pinto at. . .
Si Sylvior, Prof. Ligonero at Archo lang naman ang nabungaran ko. Inilibot ko ang paningin, where's Clarence? At anong ginagawa ng Archo na 'yan dito? Naka-smirk pa ang gago, akala mo naman ikinagwapo niya. Tsss.
"Oh, come in Ms. Clarete. Gab, ba't wala pa rin si Mr. Latwick?"
Oo nga, ba't wala siya? Don't tell me, itong Archo na 'to . . . Naku! Naku! Ugh! Hindi pwede! Tumakbo ako para kay Clarence hindi para sa gagong 'to.
Umupo na ako kaharap nila.
"So, Ms. Clarete —"
"Ah magbaback out na lang po sana ako Prof," sabi ko. Kung hindi lang din naman si Clarence ang makakalaban ko, wag na lang! Ito na nga lang 'yong paraan ko para mapansin umepal pa ang mayabang na 'to.
"What? Are you sure? Why out of a sudden?"
"Hindi pa nga nag-uumpisa, suko ka na?" Tsk. Ang yabang talaga eh, makita ko pa lang mukha niya umiinit na ang dugo ko at 'pag marinig ko na ang mga kayabangan niya kumukulo na ang dugo ko. Tangna.
"Eh kasi ma'am—"
"If that's the case, sure win na si Mr. Latwick at wala ng magiging trabaho ang Comelec," ani Prof. at tumingin kay Archo. Huh? Comelec? Si Archo? Siya ba ang Comelec Chairman?
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang anghel na ipinadala para sa akin. Shet, ang gwapo talaga kahit anong anggulo eh.
"Mr. Latwick, come in."
"Am I late? Im sorry, Prof., Ms. Sylvior, Archo and Ms. Clarete."
Ms. Clarete
Ms. Clarete
Ms. Clarete
Ooh, kalma lang my dear heart and mind. Shemay, apelyido ko pa lang binanggit niya nagwawala na buong sistema ko. Ito na talaga, its really him. Lukso ng puso 'to bes!
"Just in time Mr. Latwick." Huwaaaaa! Sa tabi ko pa talaga umupo?! Heart, Mind, Body and Soul, kalma tayo mga besh.
Para akong nabato sa kinauupuan ko. Like damn fvcking sht. Napapamura na ako sa kilig.
"We were supposed to talk about your general campaign but it seems we already have a winner —"
"Joke lang po 'yon Prof." Putol ko. Eh Comelec Chairman lang pala ang kumag na 'to eh, si Clarence pa rin ang makakalaban ko. Yuhooo!
"Ms. Clarete, please made up your mind. Holding SC is not just a joke, it’s a big responsibility.”
"Prof., didn't you know, leader should also have sense of humor? Eh 'pag seryoso ang lahat, mabuburyo ang mga members."
"Well, Ms. Clarete's right"
Well, Ms. Clarete's right
Well, Ms. Clarete's right
Well, Ms. Clarete's right
You heard it! He just agrees with me. Napalingon ako sa kanya and he just gave me a tiny smile at kulang nalang ay mabinat ang labi ko kakangiti at magpormang puso ang mga mata ko.
Sorna. Kayo kaya! Mekete se cresh, ngeteen ke pe. Buti nga ‘di pa ako naglupasay.
Nag-usap na kami tungkol sa general campaign at mabilis naman iyong natapos dahil maya-maya lang ay tapos na ang lunch time. "So, good luck to the both of you. Shakehands."
"Prof.?" Paglilinaw ko dahil wala na talaga akong naririnig kundi ang puso ka na parang kaunti na lang ay tatalon na. "Shakehands,” pag-ulit niya naman. Lumingon ako kay Clarence at nakalahad na ang kamay niya, tinitigan ko ito na para bang isang bagay na no’n ko lang nakita sa tanang buhay ko. Agad naman akong nakipagkamay at syempre mawawala ba ang savoring and treasuring the moment?
"Goodluck,” sabay pa naming bigkas kaya napangiti siya at, ako? Hindi pwedeng ngiti lang. Ngiting ngiting ngiting ngiting ngiting ngiti.
Una akong bumitiw at nagpaalam kay Sylvior at Prof. dahil parang suffocated na ako. Malalaki ang hakbang ko pabalik sa classroom, hindi ko alam pero naghuhurumentado buong sistema ko. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Kyra na siguro'y lalabas.
"Oh anjan kana pala, pupuntahan sana kita at baka nakikipaglampungan ka na kay Clarence.” Akmang hihilain niya sana ako. "Kyra!" Napapitlag naman siya, "Ano? Makasigaw 'to!"
"'Wag mong hawakan ang kamay ko, tangna may bakas ni babyboo 'yan."
"Huh?"
"Ito . . . Itong kamay na 'to.” Itinaas ko pa ang kanang kamay. "Nahawakan nito ang kamay ni babyboo at hinawakan nito ang kamay ni babyboo.”
"In short, nag shakehands kayo?" Tumango-tango ako na parang bata. "Ang g**o mo, may nahawakan at hinawakan ka pang nalalaman.”
Hinila ko siya gamit ang kaliwang kamay papunta sa gilid. "Pero isa lang ang 'di magulo,” sabi ko.
"Ano?"
"Hindi na ako magkakamali sa kanilang dalawa."
"At ano ang basehan mo?"
"Lukso ng puso," sabi ko at itinapat pa sa puso ang kamay ko at tumingala.
----------------------------