"SAAN punta mo Chrys?" tanong ni Leeyan nang mapansing nagbibihis ako. "Maglilibot lang sa school," sagot ko habang hinahanap ang jacket ko. "Sus. Magla-last date 'yan dito kasama si Clarence," asar ni Niña kaya ayun naging tampulan na naman ako ng tukso. Hapon na at bukas ng tanghali ang flight namin pauwi ng Pinas. The programs at kung ano-ano pang seremonyas that we have finished our half-year here being an exchange student ay tapos na. Kaya ang kaunting araw na natitira ay susulitin na namin ni Clarence. Abala nga rin sila sa pagpa-pack ng mga gamit at damit nila. Ako nama'y nakapag-pack na kaninang umaga pero may iilan pang dapat kong ayusin pero mamayang gabi na. Marami pa namang oras. "Chrys nasa labas na si Clarence," sabi ni Joan na galing sa labas. Ang tagal naming magkas

