“CHRYSTIENNE! WAAH!" Boses 'yan ni Kyra. Kaya malayo pa lang ay nakikita ko na siya, 'di na kailangang hanapin pa. Sa wakas, matapos ang mahabang byahe, nanuot agad sa balat ko ang init ng Pinas. Nasa airport kami at itong si Kyra open arms na papalapit sa akin. Open arms naman akong sinalubong siya pero dahil sa dakila akong pang-asar, nilampasan ko siya at dumiretso kay Edrian na nasa likod niya. Sinusundo niya rin siguro si Clarence. Niyakap ko siya pero slight lang, mahirap na, nandito si Clarence. Naramdaman ko ring natigilan siya kaya tiningnan ko siya at binigyan ng tinging makisakay na lang. Hindi naman na siya pumalag pa pero hindi rin naman yumakap pabalik. Asa ka pa sa isang Edrian. "Ay bes, bestfriend here oh." Papansin ni Kyra pero todo talikod naman ako sa kanya. "Ay aba

