Archo Fredmann NAGBABASA ako ng manga nang mag-ring ang cellphone ko, pagtingin ko'y si Mama na naman. Sinagot ko naman ito pero hindi ako umimik. 'Ar, pauwi ang ate mo riyan sa Pinas. Sunduin mo.' Napaupo ako. "What? Anong gagawin niya rito?" 'To personally talk to you.' Naisuklay ko ang kamay sa buhok dahil sa frustrasyon. "She's just wasting time and effort." 'Ar —' "No. Ayoko," mariin kong sagot at pinatay agad ang tawag. Tinapon ko ang cellphone sa paanan ng sofa na hinihigaan ko at nagbalik sa pagbabasa pero wala ng pumapasok dahil sa istorbo ng tawag. Nagbihis na lamang ako at napagpasyahang magliwaliw sa bar. Bumaba ako ng condo at tumuloy sa parking lot para kunin ang kotse ko. Mabilis kong pinaharurot iyon patungo sa bar kung saan ako madalas. Pagkapasok ay sa island c

