Chapter 11

2317 Words
ILANG beses na akong naghikab pero pinipigilan kong pumikit ang mga mata kong mahapdi na nga dahil kanina pa ako nakababad sa harap ng laptop. Hello? Si Edrian Clark Clarete 'to jusko. Minsanan lang 'to, baka maganda lang ang mood nito kaya nag-reply. Kung saan naman sa oras na trip kong mangtrip. Hindi pa nga rin ako makapaniwala na pinatulan niya ang trip kong 'to at ni hindi niya man lang napansin na lyrics ang mga sinend ko. Pagkatapos kong isend ang huling linya ng kanta ay napapapikit na ako. Maya-maya'y narinig ko ang pop-up tone ng message. Pinilit kong binuksan ang mga mata pero hangga't kalahati nalang talaga ang naibukas ko. 'Are you a poet?' Ngunit hindi ko na talaga nalabanan ang antok kaya'y nagpalamon nalang ako rito. KINABUKASAN ay nagising ako ng katok sa pinto ng kwarto ko. "Brielle..." Boses iyon ni Mommy. Himala at kalmado.  "Hmm." Humikab ako at ininat ang katawan nang may matamaan akong matigas na bagay.  "Aray!" daing ko. Ang sakit ng kamay ko ah, full force kaya ‘yong pag-inat ko. "Brielle?!" Rinig kong sigaw ni mommy at binuksan ang pinto at atubiling pumunta sa akin "Anong nangyari?!" aniya. May sinabi ba akong kalmado siya? Kung meron man, binabawi ko na.  "Wala, may natamaan lang ako —" napatigil ako at tiningnan kung anong bagay ang natamaan ko. Shucks. Ang laptop! "Bumangon ka na," sabi ni mommy at lumabas na rin ng kwarto ko. May pagka-bipolar din 'tong ina kong 'to eh. Kanina kalmado, maya-maya maghihisterya tapos biglang naging kalmado ulit. Naku naman. I don't want to see myself like that for the next 20 years of my life. Pagkalabas ni Mommy ay agad kong inusisa ang laptop only to find out, it was shutdown. "Geez." Dali-dali ko itong chinarge. Tinungo ko na rin ang banyo para maligo matapos makitang mayroon nalang akong 40 minutes para maghanda sa pagpasok. Jusko, ano nalang ba talaga 'to pag nanalo akong presidente? Matutulad ang mga estudyante sa'kin! Laging late! Pagkatapos maligo ay syempre nagbihis ng uniporme at nag-ayos ng sarili. Bumaba na rin ako at kumain ng agahan na hinanda ng pinakamamahal kong ina.  "Nasaan si Kuya, Mom?" tanong ko nang mapansing bakante ang upuan nito.  "Maagang umalis," matipid niyang sagot. "Pansin ko nga, wala nga siya diba?" sarkastikong bulong ko sa sarili. Hindi naman na iyon narinig ni Mommy dahil abala siya sa paglilista sa bibilhin niyang groceries mamaya. Tahimik akong kumakain nang bigla niya akong tanungin.  "Anything you want, Brielle?" Para namang nagpanting ang tenga ko sa narinig. "Ano lang Mom... Hmm." Ano ba ang masarap kainin?  "Ah ano nalang, ice cream cookies 'n cream mom ha. Sali mo na rin chocolate," ngiting-ngiting sabi ko. Tumango lang siya bilang sagot.  "Ah! Pizza pa pala Mom, para naman may kainin ako mamaya ‘pag uuwi ako," sabi ko at tumayo na. "I regret asking you." Napatawa nalang ako at nilapitan siya't niyakap. "Sus mommy naman, alam mo naman. Kulang pa nga ‘yon eh." "’Di ko alam anak, sagana ka naman sa pagkain pero kada kain mo para kang patay gutom." Napalayo ako sa sinabi niya. "Grabe ka Mom ha, patay gutom talaga?" "Oh, sige na, malate ka pa eh." "Bye, Mom," paalam ko sabay halik sa pisngi niya. Bumalik ako sa kwarto at tinanggal ang pagkasaksak ng laptop. Wala na akong oras mag f*******:, sa cellphone nalang mamaya. Pumasok din ako ng CR para mag toothbrush. Anong akala niyo? Lalayas ako nang ‘di naka toothbrush? Like eww. Malay mo makasalubong ko si Clarence babyboo mamaya at biglang aayain ako ng kissing scene? Edi major turn off. Malay mo kasi sa pagkakasalubong namin mamaya biglang mag i-islow motion ang paligid, nabighani siya sa ganda kong taglay, napatitig siya sa akin hanggang sa bumaba ang tingin niya sa labi ko, syempre ako naman si kagat-labi. Maya-maya'y bigla niya akong hatakin, ako naman nabigla syempre nagpahatak nalang din. Tapos, magkakalapit ang mga mukha namin. Tapos, mapapapikit ako... tapos... tapos... Ugh! Wake up, Chrys! High ka? O naka Cream Stick lang? Imagination mo ang limit? Pagkatapos kong mag toothbrush ay bumaba na rin ako at umalis na ng bahay. Sa paglalakad ko sa loob ng campus patungo sa room ay naalala kong buksan ang f*******: kaya nilabas ko ang cellphone. Diniretso ko ito sa messages at binuksan ang chat messages namin ni Edrian. Oh, ansabe ng chat messages namin ni Edrian? Shet. Buti sana kung si Clarence 'to at kikiligin ako ng bongga. Nag back read ako at para talagang muntanga itong si Edrian kaya mag-isa akong napapangiti habang naglalakad mag-isa. Sayang lang, naging mahaba pa sana ang chat namin kung ‘di lang ako inantok kagabi. Kainis naman. Maasar ko nga 'tong Edrian mamaya. Huh. Pagkarating ko ng classroom ay bunganga agad ni Kyra ang bumungad sa akin. "Chrys! Ang gwapo talaga ng kuya mo sa picture. Hindi pa siya nakangiti no’n ah? My gosh. Ireto mo na kasi ako besty. Ayaw mo no’n, magiging in-law mo ako? Kyraquelle Palomo Clarete!" Pinilantik niya pa ang daliri. "Oh diba? Bongga!" At pumalakpak pa. Ang sarap lang ipalamon sa kanya ‘tong hawak kong cellphone. Napansin ko nga ring kahit mga kaklase namin ay nakukulili na ang tainga dahil sa nga litanya niyang hindi ko malunok. My gosh!  "Ikaw? Magiging Clarete? Si Kuya ang magiging pinakamalas na lalaki sa mundo," sabi ko. "Ay grabe siya. Ang sakit mo magsalita ah?" At umakto pang nasasaktan. Nakita ko namang pailing-iling nalang ang iba naming kaklase dahil sa ka OA-han naming dalawa. Nag-usap lang kami ng nag-usap tungkol sa kalandian namin sa buhay. Maya-maya'y dumating na rin naman ang Prof kaya klase na naman. Dalawang subject lang naman ang klase ko ngayong umaga at isa mamayang hapon. Ewan ko lang d’yan kay Kyra, parang parati namang walang klase iyan. Pagkatapos ng dalawa kong subject ay tumambay ako sa kung saan ang may pagkain. Saan pa nga ba? Sa cafeteria. Bumili ako ng cheesecake at mogu-mogu at naghanap ng table. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at magfe-f*******: ulit sana nang makita ko sa reminder ang report ko na mamayang hapon na pala. Geez. Muntik ko ng nakalimutan. No. Talagang nakalimutan ko siya. Ni hindi ako nakagawa ng powerpoint presentation. Now, saan ako gagawa? Hindi ko rin dala ang laptop ko. Matawagan nga si Kyra. Nakailang missed calls na ako at tanging si Marian Rivera ang sumasagot. Magkasama ba sila? Hindi ko alam kung anong klase niya ngayon, pati na rin ng iba ko pang kakilala. Ano ba ‘yan. Lalabas ako ng eskwelahan at mag internet cafe? Nakakatamad. Library? Mas malayo. Nilibot ko ng tingin ang buong cafeteria baka may kakilala akong may dalang laptop. Nakuha ang atensyon ko ng lalaking kakapasok lang ng cafeteria and by the bag he is bringing, I’m sure laptop ‘yon. Oh! Si...si...sino ba siya? Kinapa ko ang dibdib pero wala namang pinagbago ang pagtibok nito. Si Edrian siguro 'to. Hmm... Pagkaupo niya sa isang table ay tumayo ako bitbit ang bag at ang pagkain. Pagkarating sa table niya ay wala sabi-sabing umupo ako sa kaharap niyang upuan kaya napatingin siya sa akin dahil nakayuko na siya kanina na parang may hinahanap na pahina ng aklat. Oh! Those eyes! Just like Clarence'. I smiled, "Hi, Mr. Latwick," masigla kong bati pero wala akong nakuhang tugon.  "Ahm… Pwede bang makahingi ng pabor?" Tiningnan niya ako na parang close ba kami para manghingi ako ng pabor.  My gosh. Nakakalusaw ang tingin niya ah.  "Uhm he he alam kong 'di tayo close pero kasi...pwedebangmakahiramnglaptopmokailangangkailangankolangtalagaparasareportkomamaya," dire-diretso kong sabi. "What?" Hmp! Ang suplado naman. What pa lang 'yan ha. "Ano eh... ano… teka sandal." I cleared my throat and gather my confidence.  "Pwede bang makahiram ng laptop mo? May reporting kasi ako mamaya, hindi ko nadala ang laptop ko." Tumingin siya sa akin na para bang tinitimbang kung seryoso ako. Inayos niya ang eyeglass at ibinalik ang tingin sa librong inii-scan. Ang strikto naman. "Bakit hindi mo dinala ang laptop mo?" tanong niya na hindi man lang ako tinitingnan.  "Nakalimutan ko kasi, pero kung gagamitin mo okay lang. Wag nala—" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang kinuha niya ang laptop mula sa bag niya at inilagay sa mesa sa harap ko mismo.  Napangiti naman ako nang malapad. "Hala, salamat talaga. Libre kita para makabawi, teka ano bang gusto mong kainin?" sabi ko at tumingin tingin sa menu sa counter. "I can buy my own food," aniya. Hmp! Sungit talaga, nililibre na nga. Binuksan ko na rin ang laptop niya at sa Microsoft Powerpoint ako dumiretso. Nilabas ko rin ang notes para sa gagawing report. Bago magsimula ay tumayo ako para maghanap kung ano bang pwedeng kainin ng masungit na 'to. Nasa harap ako ng mga cakes at napaisip. Parang hindi naman mahilig sa sweets ang lalaking iyon. Sa ilang minutong pagtayo ko roon ay may napagpasyahan na rin akong bilhin. Binitbit ko ito pabalik sa table at inilapag sa harap niya. Muli ay umangat na naman siya ng tingin. "Ano ‘yan?" Taray. Daig pa ang striktong librarian niyo. "Pagkain?" patanong kong sagot. Wala akong nakuhang sagot pero natutunaw na ako sa titig niya. Jusko. I smiled awkwardly. "Ahm… Hindi ko kasi alam ang gusto mo eh kaya ayan..." Bumili ako ng burger, 2 slices of pizza, mocha cake, lasagna, pineapple pie, shake at softdrink. Eh sa hindi ko alam ang gusto niya. Hindi siya kumibo, bagkus binalik niya ang atensyon sa pagbabasa. Hmp! Bahala siya. De ako kakain! "Baka mamaya trip mo na ring kumain, kuha ka lang. ‘Wag ka ng mahiya," ngiting-ngiting sabi ko at umupo na sa upuan sa harap niya at inumpisahan ang gagawin kong report. Habang gumagawa ay wala kaming imikang dalawa, naiilang na rin ako magsimula ng usapan eh. Kung ganito ba naman kausap mo, sinong mag e-enjoy? Maya-maya'y may kabulastugan na naman akong naisip. Nagsimula akong maghum hum ng kantang ni lyric prank ko sa kanya kagabi. Nang medyo malakas na ang pag-hum ko ay nakita kong napatingin siya sa akin. Oh, ano na? Gusto kong tumawa, pero magpigil ka Chrys! Baka nare-realize niya nang napagtripan siya kagabi. Halos matapos ko na ang kanta sa pagha-hum ay hindi pa rin naaalis ang tingin niya sa akin. Anong klaseng tingin? Hindi malagkit, yung tipong nahuhubaran ka na titig pa lang? Hindi gano’n ‘yon. Hindi rin naman natutuwa. Wala akong nakitang ni tuldok ng kasiyahan. Hindi rin parang nakakita ng love at first sight. Matalim. Nakamamatay. Nakakatunaw. Nanaksak. Yup. Gano’n. Kaya parang hinuhugutan na ako ng hininga ngayon dito. "Oy…oy… ba't ganyan ka makatingin?" tanong ko habang tinuturo siya. "Aren't you aware? I'm reading a book." Napakakalmado ng boses niya, taliwas sa ipinapakita ng mata niya. Ah. ‘Yon pala ang pinuputok ng ugat niya sa mata. "Ay pasensya. Maganda naman boses ko," ngiting-ngiti ko na namang sabi sa kanya. Gusto kong maging light lang ang atmospera sa pagitan naming dalawa. Siya naman kasi eh, ang hirap pakisamahan. Kinuha ko ang isang slice ng pizza at kumagat. Sayang naman kung walang kakain. Nakakaiyak, gumastos pa ako. Bumalik na ako sa pagseseryoso sa paggawa ng report ko at nang malapit ng matapos ay may natanggap akong text mula kay Kyra. Nagtatanong kung saan na raw ako at nandoon na siya sa next subject namin. Magkaklase pala kami sa subject na iyon. Agad naman akong nag-reply na tinatapos ko pa ang report. Mas binilisan ko pa dahil 3 minutes na lang ay time na. Dapat kapag reporter ka, 5 minutes before the time ay nandoon ka na para makapaghanda. Nasa saving process na ako nang nakatanggap ulit ako ng message mula kay Kyra. Wala si Prof. Gayona. Save ka sa reporting ah. Iyon lang ang message pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako itatapon ko 'tong laptop ng lalaking 'to. "Ano?!" Bigla siyang napatingin sa akin. Kahit ako'y nagulat din sa pagsigaw ko. Nagpakapal ako ng mukha para lang makahiram ng laptop, gumastos pa ako, nakisama sa mahirap pakisamahan na lalaking 'to tapos wala pala?! What the eff!  "Aish… nasayang ang effort ko," bulong ko sa sarili habang kinukuha ang flash drive sa bag ko at kinopya ang file. Wala akong nakuhang reaskyon sa kaharap ko kaya tinigilan ko na rin ang pag-eemote. Masasayang lang ang acting skills ko rito, ni hindi man lang marunong mag-appreciate. "May klase ka pa ba?" tanong ko na lamang habang hinihintay na mag-shutdown ang laptop. "Wala na. Bakit?" sagot niya nang hindi man lang nag-effort tumingin sa akin. Well, at least be thankful Chrys. Nag-effort siyang sumagot nang hindi nagsusuplado.  "Wala naman. Natanong ko lang," sabi ko at tiniklop ang laptop.  "Salamat talaga ah," sabi ko at inayos ang bag. Napalingon ako sa mga pagkain na nasa mesa. Sayang talaga. "Iiwan ko lang 'tong mga pagkain, in case nahihiya ka lang talagang kumain sa harap ko," dagdag ko pa. "You can bring these. Hindi ko sila makakain. Masasayang lang." Kung kinain mo ba iyan, ‘di sana masasayang. Hmp! Pinalagay ko na lamang sa take out na lalagyan ang mga iyon. "Una na ako. Salamat talaga ulit," sabi ko na tinanguan niya lamang. Napagpasyahan kong umuwi nalang dahil wala na rin naman akong klase. Isa nga lang ngayong hapon, pero wala pang professor. Sipsip ang shake na binili ko kanina ay naglalakad ako patungo sa park. Malapit lang kasi ang park sa school namin. Dadaan ako sa park dahil balak kong ipamigay na lamang ang mga pagkaing ito sa mga bata, and I'm sure maraming bata sa park. Pagkarating doon ay may nakita akong grupo ng mga bata na naglalaro sa slide. Lumapit ako roon at tinawag sila. "Mga bata, dali. Pagkain oh. Alam kong magugustuhan niyo ito," sabi ko at umupo sa isa sa mga bench at agad silang nagtumpukan sa harap ko.  Tinatanong ko ang mga bata tungkol sa pamilya nila hababg namimigay, at talaga namang nakakaawa ang mga sitwasyon nila. Nasa kalagitnaan na ako ng pakikipagchikahan sa kanila nang bigla akong may narinig na camera shutter sound. Nagpalinga-linga ako para makita kung sino ang kumuha ng litrato. Nakita ko ang batang may hawak na tablet. Base sa pananamit at kutis niya ay talagang mayaman, idagdag mo pa ang gadget na hawak niya. "Kami ba kinuhanan mo?" tanong ko. Baka kasi iba diba? Oh de, pahiya na naman ng lola niyo. Naglakad ang bata papalapit sa amin. "I took picture of you. You're so kind kasi ate. You gave them food," cute na sabi niya. Ang cute niya at ang ganda pa. Parang may kamukha siya, ‘di ko lang kilala. Ngumiti lang ako sa kanya at nagtanong. "What's your name?" "Evreen," pakilala niya showing her set of perfect teeth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD