"HEY BRO" I greeted Edrian as I enter his apartment.
"What are you doing here?"
"Hello too, bro," I replied sarcastically. He is busy scanning his notes. Okay, siya na talaga. I comfortably lay on his couch and stare at the ceiling like it is the most interesting thing to do. "Why are you here?" he asked without leaving his notes. "Gonna congratulate you for the debate."
"Thank you," he replied in a plain tone.
"Oh, I heard hemwe girl is your opponent?" sabi ko at umupo.
"Yes."
Pumunta ako rito para malibang ng kaunti. Walang tao sa bahay at wala rin naman akong ibang pupuntahan dito lang. Pero ang isang 'to naman ay isang tanong isang sagot, nakakawalang gana.
"So, how is she being a debater?"
Tinanggal niya ang suot suot na eyeglass at humarap sa akin.
Hmm, interested?
"She's smart, witty... I can say she's a tough opponent. Honestly, nahirapan ako sa kanya kanina," he stated.
"Talaga? Ba't siya natalo?"
He shrugged his shoulder and stand up. Tinungo niya ang kusina at uminom ng tubig pero bumalik din naman agad. Hindi naman kalakihan itong apartment niya.
"I think she was distracted."
"Distracted? Bakit?" tanong ko. Hindi nalang kasi isahan ang pagpapaliwanag.
"Remember, she likes you and she can see you, in me."
Napaisip din ako sa sinabi niya. Oo nga no? Baka nga.
I just nod.
"You won't say something?" tanong niya, kita mo 'to ngayong ayoko na makipag-usap saka pa magpapakwento. "Well, she's not my type," tipid kong sagot na ikinangiti namin pareho.
Bumalik siya sa pagbabasa at ako nama'y pinakialaman ang laptop niyang nakabukas at f*******: niya ang naka log in. Wala siyang notifications pero ang dami niyang friend requests. Umabot ng 2000+.
I silently scanned his friend requests and found hemwe girl's name. Nag friend request din siya sa akin but until now hindi ko pa rin ina-accept. Saka na, ‘pag magkaroon ako ng dahilan bakit ko siya i-a-accept. I click the confirm button and now they're friends. I opened her profile and saw her just uploaded pictures.
It might be her mom and brother. They have the same eyes.
Talagang kilala siya ha. It’s just 13 minutes ago when she uploaded the pictures and it got 306 likes and 24 comments already. I browse the comments.
'Idol'
'Ang ganda mo, Chrys.'
'Pretty Chris'
'Sus ang ganda naman ng bestfriend ko, saan pa nga ba nagmana? Edi sa kuyang gwapo. Wooot! Yun oh, hindi pa nakasmile yan'
'Si Team Captain oh'
'Woah shakeys, penge!'
'Ang gwapo talaga ng kuya mo, Chrys'
'Chrys! Kahit yung kuya mo lang'
'Ang gwapo ng nasa likod. Kuya mo, Captain?'
'Ay nakita ko na kuya mo Chrys, nung hinatid ka niya. Todo silip ako nun para lang makita HAHAHA'
I glance back at the picture. Napatango-tango nalang ako. May itsura nga.
Magbabasa nalang sana ako ng mga comments para may ginagawa lang dahil ang magaling kong kambal parang walang kasama kung umasta. Biglang nag pop-up ang chatbox.
I opened it, and its Hemwe Girl.
'Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita'
Huh? Baka naman si Edrian ang gusto nito at hindi ako. Nalito lang siya sa pangalan.
'Why?' I replied. Tiyak magagalit ang isang 'to pag nalaman niyang nireplyan ko gamit ang account niya.
'Sana nama'y magpakilala
Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala'
Huh? Di niya ba kilala si Edrian? At aba, tinulungan siya ng kapatid ko? Kailan pa naging matulungin ‘yon lalo na sa mga babae?
'You don't know Clark?'
I clicked the send button, but my eyes got wide when I reread what I replied.
"Sht," I utter. Malalaman niyang hindi si Edrian ang gumagamit. Hindi pa naman nagsend kaya dali-dali ko itong kinancel at dinelete.
'Ahm...' I typed again.
I don't know what to say already. I waited and stare at three dots indicating that she's typing.
'Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin'
Seriously? "What the fvck," I mutter and preventing myself to laugh. She's a stalker? Biglang lumingon si Clark kaya pilit kong pinaseryoso ang mukha. "What are you doing with my laptop?"
"Just scrolling your movies," tipid kong sagot.
Hindi na siya sumagot pa at binalik ang atensyon sa pagbabasa.
I think Edrian got it all wrong. Siya ang gusto ng Chrys na 'to and baka nga ako ang naipagkakamali niya.
But how about the corny letters she's sending? It's clearly my name.
Naalala ko rin no’ng general campaign namin.
"Okay na ba? Kaya niyo na?" tanong ko sa mga miyembro.
"Yes, future Pres." Napangiti ako sa sinabi ng sekretarya ko. "Hindi tayo makakasigurado Mia, malakas ang kabila," sabi ko at ibinaling ang tingin sa kabilang tent na kung saan kausap ni Ms. Clarete ang babaeng palagi niyang kasama. Kaibigan niya siguro.
Nang sa palagay ko'y kaya naman nila ay umupo ako sa isa sa mga upuan at inalala ang hinanda kong speech kagabi. Abala ako sa pag-iisip nang bigla akong may narinig...
"Shoot!"
Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses at nakita ko nalang ang isang paper airplane na bumagsak sa harapan. Pinulot ko iyon at napansing may sulat ang papel na ginawang eroplano. Kaya nama'y binuklat ko.
'Alam mo bang hindi ako nakapaghanda ng speech para mamaya?
Paano ba naman, makita pa lang kita nagiging speechless na ako.
--
Bahala na matalo ako rito, basta ipanalo mo lang ako sa puso mo.
Hemwe hemwe hemwe'
Hindi ko maikakailang napangiti ako sa nabasa.
Tinanggal ko ang suot kong sunglass at tiningnan ang taong nagpalipad ng eroplanong papel na ito.
There she is smiling wide. She even waves her hand; I hesitantly raised my hand to wave back at her.
After the campaign, I waited in the stairs. I decided to have a shake hands with Ms. Clarete. I just want her to know that I’m not that eager to compete with her. No more no less. Baka masabihan niya pa akong snob.
And yeah, okay. Gusto ko lang malaman kung anong reaction niya 'pag nilapitan ko siya. Not that I'm taking advantage of her feelings for me. Para kasing ibang klaseng babae siya. I mean iba ang paraan niya, she's not like other girls for the sake na mapansin lang ng gusto nila ay lalandiin pa. Nakakaiirita iyon, unlike her way, mapapangiti ka nalang sa kakornihan niya.
"May the best win," I formally said and offer a shake hand.
She just stares at me and on my hands.
"Oy Brielle baka gusto mong tanggapin na? Nangangalay na si Mr. Latwick oh," sabi ng isa sa kaibigan niya. Para nga talagang nagulat siya. She's so cute. "And can you make it more bilis? We’re already stuck here like a traffic na," said her gay friend and running for vice-presidency.
Finally, she took my hand at medyo malamig pa ah.
"Okay lang kung matalo ako rito, basta ipanalo mo lang ako sa puso mo." Sabay kindat. Ibang klase. Kaya inulan siya ng pang-asar ng mga kaibigan niya. "Jusko po, ano nalang ang future ng SC ‘pag siya ang nanalo," turan pa ng isa niyang kaibigan.
Natatawang binitIwan ko ang kamay niya, mukha ngang ayaw niya pang bumitIw dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.
"So, see you around," sabi ko.
"I am always around," mabilis niyang sagot na nagpangiti sa akin.
She knew very well that I am Clarence, ang makakalaban niya sa SC Election. Ano ba talaga? ‘Di kaya kaming dalawa ni Clark ang pinupuntirya niya? Hmm, I change my mind about her. Binasa ko ulit ang message niya. Hmm. Masabayan nga.
"What? You're following me?" I replied.
Wala pang isang minuto ay nakapagreply na siya. Bilis ah?
'Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin'
Tss. What's new? Edrian is Edrian. He can act like you didn't exist in front of him.
'Who wouldn't notice the very great Chrystienne Clarete?' I replied. Bahala na si Edrian kung anong gagawin sa kanya ng babaeng ‘yon.
'Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin'
Ibang klase talaga. Ang bilis mag-reply, at para talagang makata ah.
'Are you a poet?' tanong ko.
Minutes passed and I'm still staring at the three dots on the screen.
Anong nangyari sa mabilis na reply? Isang tula na ba ang tina-type niya?
Naghintay pa ako pero wala pa rin.
Tulog na siguro 'to?
I turned my attention to Edrian and notices that he's preparing a dinner.
"Clarence, let's eat," aya niya.
Ni-minimize ko ang page at bahagya kong sinara ang laptop at tinungo ang kusina.
"Ito lang ulam mo?" I asked pointing the sausage and noodles in the table. "You can leave if you can't eat that," aniya at tahimik na nag-umpisang kumain. I silently sit at the chair in front of him and eat dinner with this twin brother of mine. "Hindi mo man lang pinatay ang laptop," puna niya sa gitna ng pagkain. Lumingon ako sa sala set kung nasaan ang laptop niya.
Paano ba 'to? Hindi niya pwedeng makita ang chat. "I'm still copying movies," simple kong saad kaya wala na siyang nasabi pa.
Pagkatapos kumain ay bumalik ulit ako sa harapan ng laptop. I opened the page again and the chat box only to see the three dots. She's still typing? Nobela na ba ang ire-reply niya?
I waited for more minutes and still there's the three dots. This is record breaking. I didn't wait for my entire life just for a woman. I decided to close the chat box and return Edrian’s laptop into its place earlier.
Nagpaalam na rin ako sa kanya dahil gumagabi na. "Bro, una na ako," sabi ko, tumango lang siya kaya lumabas na ako. I started the engine of my car and drove off the road.
Pagkarating ko sa bahay ay wala pa ring katao-tao at tanging kasambahay lang ang sumalubong sa akin. "Wala pa sila mommy?" tanong ko.
"Tumawag po kanina, Sir. Baka bukas pa raw ng hapon sila makakauwi." Tumango nalang ako. Nakalimutan ko kung saan sila pumunta eh. Umakyat na ako ng hagdan para pumunta sa kwarto.
"Uh sir, nandyan na po pala si Evreen." Tumango lang ulit ako at ipinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdan. Dinaanan ko rin muna ang aming baby girl sa kwarto niya. Kinatok ko ang pinto pero walang bumubukas. "Evreen?" tawag ko sa kanya. Ilang beses akong kumatok pero wala pa rin kaya binuksan ko na. "Evreen —" hindi ko naipatuloy ang sasabihin dahil napuno ang tainga ko sa malakas niyang music, kaya naman pala walang narinig.
"Oh kuya!" Pinatay niya ang music at "Woah!" Hindi ko inaasahan ang pagtalon niya papunta sa akin. "Kuya," aniya sa malambing na boses at niyakap ako. "How was your vacation kina Lola?" Umupo ako sa kama niya at kinandong ko siya. "It was very fun kuya. I'm thinking about staying there every weekend," aniya. Ang cute cute talaga ng kapatid naming 'to. She's Evreen Claudia. She's only 8 years old yet sometimes she speaks like 20. She had her vacation in Lola's house kasi wala pa siyang pasok kaya ngayon miss na miss ko ang kabibohan nito. "Aww. Every weekend? You will miss kuya for that."
"Hindi naman po, everyday tayo nagkikita dito sa house and ‘pag weekend wala naman kayo rito sa bahay." Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Tama nga naman, hindi naman ako namamalagi rito sa bahay ‘pag weekend. "Give kuya a goodnight kiss baby." Agad niya naman akong hinalikan sa right cheek. "And this one is for Kuya Edrian," she said and kissed me on the left cheek.
"So, should I kiss Kuya Edrian?" natatawa kong tanong. "It depends on you kuya, but make sure you won’t look like gays. Eww," aniya at umalis sa pagkakandong sa akin at in-on ulit ang music niya.
Mas close siya kay Edrian kaysa sa akin kaya nga mula noong umalis si Edrian dito sa bahay ay talagang nalungkot siya. "Goodnight kuya," aniya at tumalukbong ng kumot. "Goodnight baby." Pinatay ko ang lampshade niya at ang laptop niyang nakabukas pa.
Palabas na sana ako ng pinto nang marinig ko ang music niya.
Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin
Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin
What the fvck?
"Evreen?"
"Hmm?" tinanggal niya rin ang kumot sa ulo niya.
"Anong title ng song na 'yan?"
"Kailan po."
"Kailan?"
"Opo. Kailan by MYMP. Bakit po?"
"Wala. Turn it off already, baka makatulog ka na't hindi mo talaga mapapatay iyan."
"Okay po," aniya kaya lumabas na rin ako ng kwarto niya.
Pagkapasok ko ng kwarto ay agad kong binuksan ang cellphone at nag-connect sa Wifi. I search for the lyrics of that song and... just what the fvcking sht.
It was a lyric prank?