Chapter 9

1887 Words
        "AHH CHRYS, baka gusto mo ng kainin iyang halo-halo mo? Halong-halo na talaga eh, naawa na nga ako baka maging smoothie na ‘yan kaka halo mo." Bumuntong hininga ako, hindi sa litanya ni Kyra kundi dahil sa pakiramdam ko na ang bigat pa rin.  Wala akong ginawa kundi titigan at paghalu-haluin ng walang ka buhay buhay ang halo-halo na nasa harap ko. Nandito kami sa isang refreshment sa harap ng school, pagkatapos ng debate kanina ay dumiretso kami rito. Ewan ko kay Kyra, biglang nangyaya. Makapagyaya akala mo ililibre ako, hindi naman pala. "Chrys, kung iniisip mo pa rin ang debate. Eh wala eh, gano’n talaga. May nanalo, may natatalo," aniya at tinuloy ang pagsubo ng halo-halo. Parang mas nilamon ako ng kalungkutan dahil sa sinabi niya. "Ang tanga ko," pagdadrama ko at sinapok ko ng mahina ang ulo ko. Agad namang sinapak ni Kyra ang kamay ko, "Hooy! Ano ba Chrys? Anong tanga? Para ngang lahat ng ebidensiya na nabasa mo sa internet ay nasabi mo na sa debate, tanga ka pa sa lagay na ‘yon?" Parang seryoso talaga si Kyra sa pagpapagaan ng loob ko. "Hindi naman iyon eh." Sinundan ko pa ng singhot effect. "Oh, eh anong pinagdadrama mo r’yan?" "Ang tanga ko..." Frustrated kong sabi habang siya nama'y pakiramdam ko naiirita na. "Bakit nga?" Naiirita na nga talaga siya. "Ang tanga ko, hindi pa ako magaling sa lagnat pinaghalo-halo mo na ako," sabi ko habang sumisinghot. Ayan tuloy, clogged si partner sa ilong ko.  "Ay tanga!" Napatampal sa noo si Kyra. "Nakalimutan ko, pasensya na. Ba't kasi ‘di mo sinasabi?" aniya na parang sinisisi pa ako.  "Anong hindi ko sinasabi? Anong klaseng bestfriend ka? Alam na alam mong nilalagnat ako," balik kong sisi sa kanya. "Ay ganyanan bes? Anong klaseng tao ka? Alam mong nilalagnat ka, sumama ka pa rin?" Ito na naman kami sa pagiging sarkasmo. Kung iba ang nakakarinig, ay aakalain nilang nag-aaway na talaga kami dahil medyo seryoso kami pero gano’n lang talaga kami magbiruan. "Amin na nga 'yan!" aniya sabay hila ng halo-halo palapit sa kanya. Ay aba, malupit. Wala na kasing laman ‘yong kanya.  "So anong balak mo sakin? Gawing audience mo?" sabi ko na puno ng sarkasmo. "Um-order ka ng lugaw, goto, sopas, arrozcaldo, champorado o anong pwede sa nilalagnat," aniya habang parang nag-eenjoy sa halo-halo ko. Walang sabi-sabi ay tumayo ako agad at inorder lahat ng sinabi niya, kahit refreshment 'to ay meron din namang mga pang meryenda kapag maulan ang panahon.  Bumalik din ako agad sa table namin pagkatapos kong um-order.  "Anong in-order mo?" tanong niya at sinubo ang ice cream na nasa halo-halo. Sarap na sarap siya sa pagkain habang ako nagdurusa dahil kay partner. Wengya talaga. "Ihahatid lang daw rito," I replied shrugging my shoulders.  "Hindi mo ba nabasa iyon?" aniya sabay turo sa printed text na nakadikit sa dingding ng refreshment. 'SELF-SERVICE' Though, may waitress pa rin sila para mag-accommodate ng mga customers. "Ano ka, special?" nakataas kilay niyang saad. "Hindi naman, kasalanan ko bang ‘di ko makayang dalhin 'yon lahat?" "Lahat? Ano ba in-order —" Hindi natapos ang tanong niya dahil isa-isang nilagay na ng waitress ang order ko. Nakasunod ang mata ni Kyra sa kamay ng waitress mula sa pagkuha nito sa tray hanggang sa ilapag ito sa mesa. Ginawa niya iyon sa bawat order na inilapag at habang palaki ng palaki ang pagnganga niya.  "Salamat," sabi ko sa waitress nang matapos niya ng ilapag ang mga order. "S-sayo lahat 'to?" she asked in disbelief.  "Ah hindi, dito makikikain ang nasa ibang table," I replied with pure sarcasm.  "Tinatanong kita ng maayos, Brielle." Ay! Galit na yan! Brielle na ang tawag eh. "Malamang akin lahat 'yan," I replied obviously. She glanced on each food served on the table with disgust on her face. "What? What's with the face?" I asked innocently. "Balak mo bang mag salad sa tiyan mo?" "Nope. Halo-halo? Yes," I replied in a lazy manner. "Tsk. Akala ko pa naman ‘yong tungkol sa debate ‘yong iniisip mo kanina," aniya na bumalik na sa paglantakan ng halo-halo ko. Sinimulan ko na ring kainin ang champorado. Well, in all fairness masarap siya, meron kasing ibang parang ang sarap kainin pero parang walang lasa. Mabalik tayo sa debate, 'pag tungkol doon, wala namang problema. Para ano pa't naging team captain ako ng women's basketball kung wala man lang akong sportsmanship or camaraderie, diba? Marunong akong tumanggap ng pagkatalo. If we'll talk about sources marami akong nasabi, may mga evidences din. Marami pa nga akong nabasang pwedeng ipangbato sa kanila, it's just that I lose my focus. I was distracted by his intense stare that made me unknowingly agreed to his statement. Naalala ko pa ang linya niyang nagpatalo sa akin.   "Well if that's the case Ms. Clarete, you're already agreeing with me?" Inilipat niya ang tingin sa mga adjudicators. "Madam speaker madam, sir speaker sir, the other side clearly stated that they agree with us." At ibinalik ang tingin sa amin, specifically sa akin. Nagulat din ako sa biglang pag smirk niya. Tsk. Evil. First time kong mautal kanina, hindi ko alam, may kung ano sa kanya na dapat akong kabahan kaya ayun nga ang nangyari. But then, no’ng palabas na kami ng gym, he greeted me for having an excellent and fair fight. Jusmiyo. Fair?! Hindi ‘yon fair! He used ah... he used… well wala naman siyang ginamit, hindi rin siya nandaya, talagang ako ‘yong nawala sa concentration. Kasi naman eh! ‘Yong tingin niya, nakakailang! Nakikita ko si Clarence sa kanya! Geez. "Hoy Chrystienne!" "Uh?" Napabalik ako sa sarili nang marinig ko ang sigaw ni Kyra. Ilang beses akong kumurap-kurap para ma-absorb kung anong ginagawa niya.  "Teka, aalis ka na?" tanong ko nang tumayo na siya at inaayos ang bag.  "Anong 'ka na'? Tayo." "Ha?" Napatingin ako sa mga pagkaing nasa harap ko. Hindi ko pa nagagalaw ang iba at kahit itong champorado ay hindi ko pa nakalahati.  "Paano 'to?" pointing the food. "Ay aba bahala ka, sabi mo kaya mo 'yang ubusin eh." "Tsk." Padabog kong kinuha ang bag at tumayo. "Oh, oh anong balak mo sa mga pagkaing 'yan? Don't tell me iiwan mo lang 'yan? Ano ‘yan? In-order mo para ipamukha sa akin na kaya mong magwaldas ng pera sa wala? Oh, please Brielle, alam kong mayaman ka—" Hindi ko na pinatapos ang litanya niya, tinawag ko ang mga batang kalyeng kanina pa nakatambay sa labas at pinapasok.  "Ubusin niyo 'to ha? Alam kong gutom na kayo. Wag kayong mag-alala nabayaran ko na 'yan," sabi ko at binigyan sila ng matipid na ngiti. Tiningnan ko si Kyra at nauna ng naglakad palabas. "Hindi ko alam na philantrophist ka na pala?" aniya habang nakasunod sa akin. Hindi ko siya sinagot hanggang sa nakalabas na kami.   "Sabi mo sayang eh, de ibigay." "Ayun, pwede na," natatawa pang sabi niya. Napakunot noo naman ako sa sagot niya. "Anong pwede na?" "Pwede ng SC President," ngiting ngiti pa siya niyan. "Gano'n na ba ang basehan?" tanong ko sa seryosong tono. "Ahm, well ganyan ang impresyon ng mga tao. Being a politician, you should be humble as how you keep your both feet on the ground," she explained in an as-a-matter-of-fact-tone. "Maka politician 'to, Presidente ng Pilipinas tinatakbuhan ko?" "Gano'n na rin ‘yon," sabi niya na parang may masabi lang. "Umuwi ka na nga," pagtataboy ko. "Ay grabe tinataboy? Ikaw ba, hindi pa uuwi?" " Susunduin ako ni Kuya, remember?" Biglang kumislap naman ang mga mata niya at tila kinilig. "Kuya mo? Ay, pasabay!" Alam kong gwapo si Kuya pero ‘di ko akalaing pati ang isang 'to ay madale rin. "Anla, mahiya ka ng kaunti, Ky." "Ay Brielle wala lang 'tong ginagawa ko kaysa sa pinanggagawa mo kay Clarence babyboo mo. Mas nakakahiya ka," she said with all the hand gestures pointing herself. "Grabe 'to. Nakakasakit ka ng damdamin ah?" Sasagot pa sana siya nang biglang may bumusina at pumarada ang Gray Mercedes Benz and I know its kuya. Dali-dali na akong pumasok sa passenger seat at dineadma si Kyra. Tingnan natin kung anong magagawa niya. "’Yong kaibigan mo?" tanong ni kuya habang nakayuko ng kaunti para siguro makita si Kyra. "Hi Kuya! Pwedeng makisabay?" pabibong sabi niya. Kuya just nodded and she immediately hop on the backseat.  "Sa Magsaysay lang po ako kuya. Salamat!" masiglang saad niya kaya nilingon ko siya and she just mouthed 'what' with her shrugged shoulder. "She's Kyra, Kuya. Kaibigan at ka teammate na rin," pagpapakilala ko. Kuya again just nod and glance at her at the rearview mirror. Siya nama'y todo pilantik ng eyelashes niya.  "Pft," pagpipigil ko ng tawa dahil para siyang muntanga. Gano’n ba ako kay Clarence? ‘Di naman ah! "Diyan lang po siya Kuya." Turo ko sa tabi ng daan. "Yup. Salamat po ng marami kuya," aniya mula sa likod at bumaba na nang itinabi na ni Kuya ang sasakyan. "Bye Brielle, Bye po kuya. Salamat ulit." I bid goodbye and kuya just nod again. "Kuya naputol ba dila mo?" I asked innocently.  "What?" He retorted with furrowed brows.  "Ayan, okay na. Nandiyan naman pala akala ko wala eh. Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend Kuya eh. Sino ba naman may ganang makipag-usap sa'yo? Ang boring mo." "I’m just being your quiet version. You talk too much, so ako na ang babawi para sa'yo," anito na parang wala man lang kagana-ganang sumagot. "Ano?! Libre mo nga akong shakeys," sabi ko nang madaanan namin ang shakeys. Mas lalong kumunot ang noo niya pero labis ang kasiyahan ko nang itinabi niya ang sasakyan. Waaaah! Manlilibre talaga siya!  Masungit lang 'yan si Kuya eh, pero galante naman. Lulubusin ko na ang mga panahong wala pa siyang girlfriend na paggagastusan. Kumuha siya ng pera sa wallet niya at binigay sa akin. "You, order." Ang tamad magsalita. Hmp! Bahala na nga, ang importante hohoho ililibre niya ako. Bumaba na ako at nag take-out ng gusto kong kainin. Parang mawawala ang lagnat ko ng ‘di oras. Pagkauwi namin ng bahay ay of course agad naming kinain ang binili ko na hindi nagpahuli si Mommy. Kumuha rin kami ng ilang picture na kung saan todo pose kami ni Mommy habang si Kuya nama'y parang tuod. Pero pustahan tayo, pag i-upload ko 'to mamaya, mas mapapansin siya kaysa sa amin ni Mommy. Tsk Tsk gwapong-gwapo talaga sa sarili. Well, hindi niyo naman masisisi maganda rin ang kapatid eh. "By the way, your Daddy called. He'll be here in Saturday." Excitement is in Mom's tone.  "Talaga Mom?" excited ko ring tanong.  "Yes! Yes!" masigla niya ring sagot habang si Kuya nama'y parang wala lang. Nagkaroon kasi ng big project si Daddy sa Spain and he stayed there for almost two months na. He's an architect engineer and the project he got in Spain, specifically in Barcelona is not a joke. Spain infrastructures are known for their unique designs, ‘pag matapos ang project ni Daddy, I’m sure maraming maa-attract and of course, the architect would be featured. Wieee, I’m so proud of Dad. Pagkatapos pagplanuhan namin ni Mommy ang welcome back mini party ni Daddy ay tumuloy na ako sa kwarto. Naghugas ng katawan and heaven... the soft bed that touches my back. Binuksan ko ang laptop and log in into my f*******: account. I uploaded our picture and entertained myself in my news feeds when suddenly I received a new notification. 'Edrian Clark Latwick accepted your friend request' My eyes literally widen. Woah, in-accept niya ako! In-accept niya ako! Nagpagulong-gulong pa ako sa kama nang may ma-realize ako… teka, ba't ang saya ko? Oh, eh ano ngayon? Siya ba ang crush ko?! Hindi! Tsk. I visited Clarence' account and was saddened dahil hindi niya pa rin ina-accept ang friend request ko. Parang mas snob pa yata si Babyboo kaysa kay Edrian. Pumunta ako sa messages at nadaanan ko ang pangalan ni Edrian. I grinned when I thought about something silly. I clicked his name and type while still grinning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD