"HOY BABAITA! Ba't ganyan ang mata mo? Gaash. Pinapak ng lamok?" salubong ni Kyra sa akin pagkarating ko sa second subject na magkaklase kami.
"Puso ko ang pinapak," plain kong sagot sa kanya at umupo sa upuan ko.
"Hala." Hinila niya ang upuan sa harapan ko at do’n nakipag-face to face sa akin. "Bakit?"
"Ganito kasi 'yon diba noong pagkatapos natin magbihis lumabas na ako, sabi ko mauuna na ako kasi alam mo na, hinihintay ako ni Clarence—"
"Ky! Pahiram nga ng notes mo kahapon," singit ng lalaking classmate namin.
"Ay ano ba 'yan! 'Di kasi kumukopya. Oh, ito na!" Agad binalik ni Kyra ang atensyon sa akin pagkatapos maibigay ang notebook niya.
"Ano na nga ulit 'yon, Chrys?"
Inulit ko ang litanya.
"Ganito kasi 'yon diba noong pagkatapos natin magbihis lumabas na ako, sabi ko mauuna na ako kasi alam mo na —"
"Ky, nasaan na 'yong flash drive na ginamit natin sa report?" singit na naman ng isa.
"Aish! Na kay Rej! Sige na Chrys." Bumalik siya sa pagkakahalumbaba sa harap ko.
"Ganito kasi 'yon—"
"Wala raw sa kanya Ky!"
Napahugot nang malalim na hininga si Ky dahil sa inis. "Balakayojan! Basta wala na sa akin!" sigaw niya.
Inis na inis na talaga siya dahil maraming kontrabida, basta chismis pa naman ay kaunti ang pasensya ni Ky sa mga abala. At bilang kaibigan niya, balak kong gatungan ang inis niya.
"Ano na nga?" aniya.
"Ganito kasi 'yon diba noong pagkatapos natin magbihis lumabas na ako, sabi ko mauuna na ako kasi alam mo na, hinihintay ako ni Clarence. So sumakay kami ng kotse niya at naghanap ng makakainan since ililibre ko naman siya—"
"Oy, Chrys, Ky, congrats pala kahapon ah? Good game." Nag-thumbs up pa ang kinginang abala. Tumango at nagpasalamat nalang din kami.
"Grrr. Parang may masisipa ako mamaya. Sige na Chrys."
"Ganito kasi 'yon diba noong pagkatapos natin magbihis lumabas na ako, sabi ko mauuna—"
"Kyra! Crush ka raw ni Venz oh!"
"Tang*na! Wala akong pakialam!"
Napangisi ako dahil sa inis na inis na inis na talaga siya. Nagmumura na nga.
"Tsk." Tiningnan niya ako kaya sinimulan ko na naman ang litanya.
"Ganito kasi 'yon diba noong pagkatapos natin magbihis lumabas na ako, sabi ko mauuna na ako kasi alam mo na, hinihintay ako ni Clarence. So sumakay kami —"
"Ky—"
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at binagsak pa ang upuan. "Utang na loob! Pwedeng wala munang kumausap sa akin or kay Chrys? Kingina talaga kanina pa kayo ah!" sigaw niya na ikinagulat ng lahat. Siya naman walang pakialam at padabog na umupo ulit.
"Sige Chrys... continue," aniya na parang walang ginawang eksena.
"Ganito kasi 'yon diba noong pagkatapos natin magbihis lumabas na ako —"
"Sabi ko Chrys continue, hindi from the top. Kanina ka pa rin eh, sana kung tuloy-tuloy ang kwento mo nalaman ko na siguro ang dahilan ng iyak mo. Nakng! Pauli-ulit eh." Kulang nalang sabunutan niya ako sa sobrang inis pero tumawa lang ako. Napansin niya na pala.
"Oh relax, ito na talaga," natatawa ko pang sabi sa kanya at seryosong nagkwento sa kanya ng buong pangyayari. As in buo, wala akong tinira.
Pagkatapos ay malapad ang ngiti ng gaga!
"Eh! Baka naman kasi hindi si Clarence ang para sa'yo kundi si Edrian." Napailing-iling ako.
"Oo kambal sila pero wala akong feels kay Edrian at 'di ko lang talaga siya feel."
"Ay ang arte! Pero seryoso, my concern is dahil hindi ka na nag-e-enjoy titigil ka na? I mean, hindi mo pa ba ine-expect 'to? Gusto mo si Clarence at nagpapakita ka ng motibo, sana naisip mo noon kung ano ang after effect. Pwedeng makuha mo siya at magustuhan ka rin niya. On the other side, this. Itong nangyari sa'yo, pwedeng 'yong mga efforts at pagpapansin mo sa kanya ay wala lang. Chrys, hindi mo kasi nadidiktahan ang puso. Sabi mo nga kanina, hindi ka dapat umiiyak."
Napayuko nalang ako sa sinabi ni Kyra. Seryoso na siya this time.
"Naalala mo ang sinabi ko sa'yo? Porket di ka na nag-e-enjoy titigil ka na? What if the tables turned at si Clarence ang nahulog sa'yo? Tapos ikaw hindi, dahil napagdiskitahan mo lang siyang maging crush. Wala ka lang magawa, kaya siya ang pinagkaabalahan mo. Nahulog siya sa'yo pero dahil hindi ka na nag-e-enjoy, titigil ka na. So paano na siya? Kumbaga pagkatapos mong pakiligin, iiwan mo sa ere?"
"Ky, stop your what if's. Ako ang nag-effort, ako ang nahulog, ako ang nasaktan, ako ang biktima."
"I know," aniya sabay hawak sa magkabilang balikat ko. "But do you get my point? Hindi porket hindi ka na nag-e-enjoy at nasasaktan ka na titigil ka na."
"So, what do you mean? Papatuloy ko pa rin ba?"
"Nasa'yo 'yan. Ang akin lang, okay lang masaktan sa pag-ibig Chrys. Matapang ka 'pag chacharot charot lang, pero 'pag totohanan na at nasasaktan ka na aatras ka na, naduduwag ka."
Napayuko ako ulit at may nagbabadya na namang luhang tutulo.
"Nandyan na si Prof!" sigaw ng isa.
Napaangat ako ng tingin nang biglang kunin ni Ky ang bag niya pati na rin 'yong akin at dali-dali akong hinila palabas ng pinto bago pa maabutan ni Prof. Nakayuko pa rin ako at nagpapadala nalang sa hila niya hanggang sa namalayan kong nasa cafeteria pala kami.
Bumili siya ng dalawang ice cream at umupo na sa harapan ko. Binigay niya sa akin ang isa.
"Really, Ky? Skip?" tanong ko habang nilalasap ang lamig ng ice cream. Ice cream is indeed a comfort food.
"Bakit? Makakapag-focus ka bang makinig?" Napailing naman ako. Tama naman, I'm sure lilipad lang ang isip ko. Hindi na ako sigurado kung makaka-graduate ba ako on time sa ginagawa ko, magpo-proceed pa naman ako sa medicine.
"Pero Ky, anong gagawin ko?"
"Hindi ko rin alam Chrys. Ang tanong ko lang, seryoso ka ba talaga kay Clarence?"
"Ky..." I sighed heavily. "Hindi ako mag-e-effort tatakbo ng SC election para lang sa kalokohan. Hindi ako mag-e-effort mag-stalk hanggang maghatinggabi malaman lang kung anong mga gusto niya. Hindi ako -mag-e-effort magpagabi, pagawaan siya ng pagkalaki-laking congratulations with matching kanta, padalhan siya araw-araw ng snacks kahit hindi ako sigurado kung kinakain niya, kung lahat lang no’n ay para lang sa kalokohan."
"No, Chrys. We both know na dati mo pa 'yan ginagawa, kung may napagdiskitahan kang lalaki gano’n ang ginagawa mo. Remember Abren?"
Abren. Abren.
Ah, 'yong naging crush ko noong High School na math geek. Tumango ako.
"You said you like him, so you did every effort just to be noticed. You saved him from students na inaapi siya, pinapadalhan mo rin siya ng letters pati snacks. Todo support ka rin sa mga math contests niya noon, ikaw pa ang may pinakamalaking banner sa labas ng contest room. Then one day, he confessed that you don't need to do things like those for him dahil siya dapat ang gumagawa and then siya na talaga ang gumawa. Siya naman ang nag-effort and then you? Ayaw mo na kasi 'di ka na nag-e-enjoy, nawalan ka na ng gana. Now tell me, Chrys… is liking someone is just for your entertainment? Nahulog na rin kasi sa'yo 'yong tao. Sabi mo rin noong una seryoso ka rin." Tuloy-tuloy niyang litanya.
"You talk like I'm a badass one," nanliliit ang mata kong sabi.
"Maybe." kibit balikat niyang sagot. Napapikit na lang ako ng mata at napahawak sa noo ang isa kong kamay.
'Yon ba talaga ako?
I'm afraid of true love? I'm afraid of the real heartbeats? Did I set myself a limitation na hanggang do’n lang, if I felt something I will stop?
Right. What about the person? Paano 'yong taong pinaglaanan ko ng oras? Paano ang nararamdaman nila?
Iba naman ang sitwasyon noon kay Abren at iba rin ngayon.
Ngayon kasi ramdam kong hindi maibabalik ni Clarence ang mga pinapakita ko. I knew to myself na wala akong maaasahan. "I will stop, Ky," I stated with finality.
LUMIPAS ang mga araw. Bumalik sa normal ang buhay kolehiyala ko. Normal, as in noong hindi ko pa nakilala si Clarence. Wala akong ibang pinagkakaabalahan kundi basketball, pag-aaral at pangangantyaw sa klase.
Nakakasalubong ko rin minsan si Clarence and I'm saying Hi or some greetings, Mr. President. Lalo na't siya na ang nag-aabang sa mga late comers ngayon.
Hindi naman ako bitter no. He even said sorry nang hindi niya pagpunta sa game, sabi ko okay lang. Okay lang na ang ibig sabihin ay iniyakan ko ang kambal mo dahil sa pagkadismaya.
Pero minsan may pagka-weird ang tingin niya sa akin. One time nga at nai-open sa akin ni Mandy na nagtataka raw si Clarence sa akin, hindi raw siya sanay sa biglang pagkawala ng liveliness ko sa kanya.
Ang sagot ko? Hindi naman, ganito naman talaga ako dati pa diba? Pero parang nawala raw 'yong amor ko kay Clarence. Dinaan ko na lang sa joke, anong gusto nila? Kada daan ko kay Clarence bigyan ko siya ng flying kiss?
Pero sabi nila exagge man, pero gano’n daw ako umasta dati.
‘Di na ako sumagot. I invoke my rights to remain silence na ang drama ko.
Hindi na rin ino-open up ni Kyra ang topic. Pero sa tuwing nakikita ko si Clarence pakiramdam ko nagniningning pa rin ang mga mata ko. Gwapo pa rin siya sa paningin ko, naeestatwa pa rin ako sa presensya niya, kinikilig pa rin ako sa ngiti niya.
Gano’n pa rin, but this time hindi na obvious. Hindi katulad ng dati na para na akong emoji na may heart shape. Actually, kinakamusta ko nga siya kay Edrian eh. Medyo naging close na rin kami ni Edrian, medyo lang. Pipe pa rin eh at walang kwentang kausap. Kung nagsasalita man, nakakasakit pa rin ng damdamin.
Para ngang wala pa akong narinig mula sa bibig niya na ikinasiya ko maliban sa "Friends" na sinabi niya noon. Natuwa lang ako dahil naalala ko 'yong time na nainis din ako sa kanya dahil parang hindi niya ako kilala at kahit acquaintance hindi ako kinonsider. Pero okay na ako sa kanya ngayon, keri na rin kausap kahit walang kwenta.
Mas mabuti sigurong kausapin nalang siya in a debate form, mas marami siyang nasasabi kaysa sa akin eh.
And speaking of, nandito siya't papasok ng laboratory.
Gumagamit kasi ako ng microscope at tinitingnan ko ang paggalaw ng bacteria para sa individual report ko.
"Edrian," bigkas ko sa pangalan niya na parang hulog siya ng langit. Umarko lang ang kilay. Taray, on fleek!
"May gagawin ka? Patulong naman, sandali lang 'to oh. Kanina pa ako adjust ng adjust hindi ko pa rin makita," sabi ko habang nagsusuot siya ng laboratory gown.
Pagkatapos magsuot ay nilapitan niya ako at bahagya niyang hinila ang microscope palapit sa kanya. Nasa tabi ko kasi siya.
"Oy! 'Yong lights! Nahirapan akong i-adjust 'yan ah," reklamo ko.
"You're not moving," aniya habang inuumpisahang i-adjust ang microscope sa may liwanag na parte.
"Ay sana nagsabi ka para na-inform ako," sarkastikong balik ko sa kanya.
"Common sense."
Aba't! Sabi ko sa inyo, mabuti pang tumahimik nalang siya diba?
"Dapat kasi High Power Objectives ang ginamit mo," aniya pagkatapos makuha na ang posisyon na may lights.
"Aws sorry naman." Gano’n ba dapat? Sorry na, maganda lang bobo rin minsan.
"Anong sorry? Basic lang ito, at high school pa lang alam na natin ito," sermon niya.
"Alam mo lang, hindi natin. Nakalimutan ko eh."
Hindi naman siya umimik.
"Oh, ito na." Umusog siya ng kaunti kaya lumapit ako para maidikit ang mata sa microscope.
Oww, mas maliwanag pa sa pagposisyon ko kanina ah, at mas nakikita ko na ang mga bacteria.
Umangat ako ng tingin na sana 'di ko nalang ginawa. Ang lapit pala niya sa akin, halos magkadulingan na kami. Tumikhim ako at umatras agad, ang personal space ko kasi na i-invade niya.
"Naks, ang clear. Galing mo," puri ko at siya naman, parang feel na feel. Hmp!
"Anong gagawin mo rito sa lab?" tanong ko.
"Susubukang iliko ang mali sa tama." Walang bahid ng kalokohan sa boses niya at pati na rin sa ekspresyon ng mukha pero binigyan ko siya ng matalim na tingin.
"What?" aniya sa pinakainosenteng mukha.
What-whatin kita eh. "Nang-aasar ka ba?"
"Why should I?" Ito na naman siya sa why should I why should I niya. Why should I niyang nababalik sa akin lahat ng talak ko.
"Bakit nga?"
"Itatama ko ang mga mali. Prof. Marthan checked my report at may kailangan akong itama. Anong mali roon?" Playing innocent talaga ang drama nito eh pero sa totoo, nang-aasar lang.
"Mali nang gamitin mo ang words ko."
"Words mo? I don't know you are that brilliant enough."
I can't help myself to roll my eyes. Sinabi ko na bang wala siyang kwenta kausap? Kung hindi pa, oh c'mon mamon! You just read it yourself.
"May naging girlfriend ka na ba or girlfriend ngayon?" Napatingin siya sa akin na para bang 'yon na ang pinaka-weird na itatanong ng human being.
"What?" My turn to say what.
"Bakit?" tanong niya.
I smirked. "I asked first."
"Never. Now, why?"
Tumango-tango ako. "Wala lang. Na curious lang ako kung paano ka niya nate-take kausap. Pero dahil wala, walang malas na babae."
"Then, you're unlucky."
Ano raw? Ako, malas? Bakit? Ako ba girlfriend niya? Dzuh.