"KILALA mo ba 'to?" Iniharap ko sa kanya ang cellphone ko. Pagkakita niya sa picture ay bigla siyang nairita.
"Bakit?" tanong ko.
Umiling lang siya at wala yata talagang balak sumagot. Picture iyon ni Clarence at no’ng Cristene na nakita ko sa f*******:. Infairness sa babaeng 'yan, magkapangalan pa kami. Pwe! Mas maganda nga lang 'yong pangalan ko, at higit pa, mas maganda ako.
Binaba ko na ang cellphone. "Sino nga siya?"
"Si Cristene."
"Ay bagong information," I answered in sarcasm.
"Alam ko, ito nga oh naka-tag. Cristene Alga. Sino siya sa buhay ni Clarence?" Tiningnan niya lang ako, edi tiningnan ko rin siya. Gusto niya pala staring contest ha. Wala akong uurungan lalo na't ngayon na feeling betrayed ang puso ko.
Nandito na kami sa isang hindi masyadong sosyalen na kainan. Infairness sa kanilang magkambal, kahit binabaha ng pera nakakilala pa rin ng mga pagkaing hindi pang mayaman. Ako kasi kahit medyo may kaya, kasama ko mga classmates ko noong elementary na nag-explore sa kalye kaya hindi ako ignorante sa mga pagkaing turo-turo.
Wala kaming maisip na kainan pero nadaanan namin ito. Okay naman ang mga pagkaing sine-serve nila. May pang meryenda, heavy meal at mga drinks.
"So, 'di ka talaga sasagot?" nanghahamong tanong ko, at ang isa parang walang pakialam. 'Pag may sunog kaya gano’n pa rin ang reaksyon niya?
"Sabagay ano pa bang aasahan ko sa'yo? Ito next question nalang, bakit ikaw ang pumunta?"
Wala pa ring pinagbago ang reaksyon niya.
"Hindi ka talaga sasagot? Wala ka naman kwentang kausap eh. Pipe ka ba? Or cat got your tounge ang drama mo? Alam mo, kung si Clarence ang kasama ko ngayon dito —"
"'Yon na nga, hindi siya pumunta," putol niya.
Ouch. So kailangan real talk? Malanding organ, okay ka lang? 'Wag kang maarte ikaw naman ang nagsimula nito. Ikaw ang umasa, ayan... asang-asa ka.
"Bakit nga?" Halos pabulong ko ng tanong.
Nanalo nga kami sa game, pero parang natalo naman ang puso ko. Ang korning pakinggan, pero totoo.
# FeelingBetrayed nga kasi.
"Bakit hindi siya ang pumunta? Dahil ba do’n sa Cristene na 'yon? Gano’n ba kayo?" Nararamdaman kong umiinit na ang ilong ko paakyat sa mata.
"G-ganon ba kayo? 'Pag wala ang isa may substitution?" Napayuko ako at siyang pagtulo ng luha ko. Akala ko kaya ko pang pigilan.
Shet Chrys, umiiyak ka? Kasalanan mo 'to malanding organ eh. Ikaw ang nagsabing subukan ko lang, edi sinubukan ko. Nag-effort ako ng husto, 'yong mga gawaing dapat nga lalaki ang gumagawa, ginawa ko na. Ako na nanligaw. Pero ang sakit pala, dumating ang araw na ito na parang pinaramdam sa akin na wala lang ang lahat. Wala palang halaga ang mga ginawa kong with love na nga. Akala ko kasi meron na eh, akala ko kahit 'yon man lang may halaga na sa kanya. Dagdagan natin ang hashtag.
# FeelingNeglected
"Hey, Ms Clarete. Ahm... are you crying? Don't cry... damn, ‘di ko alam kung paano magpatahan." Halatang nagra-rattle siya base sa boses niya. Pinunasan ko ang luha. Umangat ng tingin at ngumiti nang pilit. Pero malabo pa rin ang mata ko dahil may namumuo na namang luha.
"Alam mo ba kanina, binangga ako. Ang sakit nga ng puwit ko, napaupo ako sa lakas eh." Para akong batang nagsusumbong sa ginagawa ko. Nag-iiba na rin ang boses ko dahil sa sipon. Inilahad niya ang dark blue na panyo, kinuha ko na agad.
"Salamat. Pwede bang singahan 'to?" nakangiting tanong ko at nakatanggap ako ng nakamamatay na tingin.
"Joke lang." Pinunasan ko ang luha, unlimited yata ang supply ng tear glands ko ngayon. 'Di ko aakalaing aabot ako sa punto ng buhay ko na ngumingiti ako habang may tumutulong luha sa mata ko. Mabuti sana kung tears of joy, eh tears of pain 'to.
"May mag sa-substitute na sana kung 'di ko kaya, kaso nakita kita eh." Kulang na lang sumikdo na ako nang malakas eh. Hindi ko alam, naiiyak talaga ako. Pinipilit ko nalang magsalita dahil parang sasabog ang dibdib ko 'pag di ko siya nailabas. Wrong timing lang at si Edrian pa ang kasama ko.
Ito nga 'yong sana si Kyra ang kasama ko. 'Yong sinabi ko sa kanya kanina?
"Bahala na. Basta kailangan ko ng kausap pagkatapos nito. Una na'ko"
Ito na 'yon.
Pero bahala na. Kailangan ko lang ng makikinig ngayon. Mas mabuti nga 'tong si Edrian, parang pipe kaya I'm sure hindi naman siya mangchichismis.
"Alam mo 'yong kahit masakit na, hindi ako nagpa-sub. Eh kayo, ba't kayo gano’n? Nanloloko kayo ng tao eh. Anak ng! Kayo ‘yong nag-substitution! "
"No, we're not. I didn't substitute. May plano talaga akong pumunta 'cause I felt sorry noong nakaraang araw na nainis ka sa akin. Clarence called me na magkikita sila ni Cristene —"
"Pipe ka nga pero minsan wala ring filter ang bibig mo magsalita eh. Kailangan talaga sabihing nagkita sila ng babaeng 'yon."
"What? 'Yon din naman ang tanong mo kanina."
"Nakakasakit ka ng damdamin." Parang on cue ng pagkasabi ko no’n ay nag-unahan na namang tumulo ang luha ko. Shet naman, nag-o-over work talaga ang tear glands ko.
"Sorry."
"Tsk. Marunong ka rin palang mag-sorry. 'Yong inis ko sa'yo noong isang araw? Wala na 'yon. Dala lang ng frustration ko sa paghahanap kay Clarence. Ikaw kasi eh, malabo kang kausap."
"Galing L.A si Cristene. She just arrived yesterday and tomorrow morning ang flight niya pauwi. Kaya siguro hindi na pinalampas ni Clarence ang pagkakataon." Pagsasawalang-bahala niya sa mga sinasabi ko.
"Pagkakataon? Ang sakit naman no’n. Isa sa sampung pagkakataon ko lang din ang game na 'yon eh. Sagutin mo nga ako, may namamagitan ba sa kanila?"
Umiling-iling siya. "I don't know." Napabuntong-hininga ako. Nakailang buntong hininga na ba ako ngayong araw? Alam ng puso at katawan ko ang bigat na dinadala ko sa dibdib.
"May plano ka bang magpakilala kanina?"
"Of course."
"Totoo? Eh baka nga kung 'di ko nabuksan ang phone ko, 'di ko nakita. 'Di ko malalaman, 'di ka magpapakilala? Alam mo naman dibang ilang beses na kitang naipagkakamali sa kanya?"
"Actually, I was waiting for you if you can now distinguish me."
Tumingin ako sa gilid, sa kawalan. "May mga napansin ako, but I ignored it."
"Now, that's ignorance." Napatingin ako sa kanya.
"Siguro.” I shrugged my shoulders. "Gano’n nga talaga 'pag umaasa ka na. Alam mong may mali, ililiko mo pa rin at gagawing tama."
"And that's being irrational."
"Siguro nga. Wala na kasi akong ibang naiisip kundi kung paano niya ako mapansin eh. Nababaliw na yata ako."
"And that's insanity"
“Teka, kanina ka pa nangre-realtalk ah? Ano 'yan, sampalan to da max? Nakakasakit ka na."
"And that's being honest."
Nanliit ang mata ko sa mga sinasabi niya. "Alam mo, mas mabuti pa ngang maging pipe ka nalang. At least wala kang nasasaktan."
"Truth hurts."
"'Yon na nga, kaya hinay-hinay rin sa pananalita."
Ilang customer na ang dumating at umalis steady pa rin kami. Ilang dagdag na rin kami ng mga makakain. Hindi ko aakalaing inabot kami ng gabi sa pagkekwentuhan lang. Mga alas tres kaya kami umupo rito, at alas sais na oh. Tatlong oras kaming nandito at infairness ha natagalan ko ang pakikipag-usap sa kanya.
Nag-throwback pa kami sa mga panahong siya ang nalalandi ko. Todo asar naman siya. Ay aba.
Pagkatapos ay napagpasyahan na rin naming umalis. Ngayon nga'y nasa sasakyan na kami at ihahatid niya raw ako sa bahay.
"Edrian, salamat talaga ha. Pasensya na't iniyakan kita kanina. Kasi naman eh! Kausapin mo nga 'yang kambal mo. Sabihin mong linawin niya kung kanino siya magpapalandi! At ang husay nga naman sa kapangalan ko pa. Pero syempre mas maganda lang ang pangalan ko. Chrystienne. As in C-H-R-Y-S-T-I-E-N-N-E. Eh 'yong sa kanya? Cristene? Pwe! At di hamak na mas maganda ako sa kanya, diba?"
Para na naman akong kumausap sa hangin. Diretso lang ang tingin niya sa daanan.
"Hoy! Diba?"
Wala pa rin.
"Edrian… 'wag ka na magkaila. Hindi ko pa naman nakakalimutan 'yong sinabi mo eh noong nakita ko 'yong cute niyong kapatid, si Evreen? Sabi mo pa nga..." Hinanda ko ang boses para kopyahin ang boses niya. "Yep… she's pretty."
"Oha? 'Kala mo ah." Mahina ko pa siyang sinuntok sa balikat. Nakita ko namang umaangat ang gilid ng labi niya.
"Ngingiti na 'yan yie… sus. Ikaw, mas sobra ka pa sa brokenhearted eh. Masyado kang seryoso, katulad ni Clarence. Suplado ka rin, katulad ni Clarence. Pareho kayo pero mas ka nga lang…at least si Clarence may sense of appreciation."
"Talaga?" Ayan, sumagot din. Pero bakit parang iba ang dating ng tanong niya sa akin? Parang sarcastic eh.
"Sarcastic ba 'yan?"
"Kaya pala 'di niya in-appreciate ang game mo kanina."
Sarcastic nga.
"Na-appreciate niya! Kaya nga gumawa siya ng paraan, nag-request pa siya sa'yo."
"Akala ko ba substitution ang ginawa namin? 'Yon ang sinabi mo kanina."
"Ahm..." Bumuka ang bibig ko pero 'di ko alam ang isasagot. Tama naman siya, 'yon ang sinabi ko kanina.
"Sabagay… ganon nga talaga 'pag umaasa ka na. Alam mong may mali, ililiko mo pa rin at gagawing tama." Sandali siyang tumingin sa akin at hindi nakaligtas sa mata ko ang pang-asar niyang ngiti.
Gags talaga 'to. Ano 'yan, binabalik ang mga sinabi ko kanina?
Nanahimik nalang ako hanggang sa nakarating kami sa bahay. Kusa na akong bumaba, pakiramdam ko wala naman siyang balak pagbuksan ako ng pinto. 'Di ko lang alam, nang hininto niya ang kotse akmang tatanggalin niya ang seatbelt niya pero inunahan ko na at dali-daling bumaba. Bahagya akong dumukwang nang nasa labas na ako.
"Bye! Salamat talaga Edrian. Sana you'll consider me as your friend na," nakangiti kong sabi. Sandali niyang pinikit ang mata at tumango.
"Friends."
"Ayan! Good. Sige, goodnight. Ingat sa daan," dagdag ko pa na ikinatango niya lang. Umatras na ako't pinaharurot niya ang kotse.
Pagkapasok ko sa loob ay walang tao. Maaga pa naman ah? Mag-aalas syete pa nga lang. Napansin ko ang papel na nakaipit sa ilalim ng vase sa coffee table. Kinuha ko 'iyon at binasa.
"Nak, Brielle. Male-late kami ng uwi ng dad mo or baka bukas pa talaga ang uwi namin. Nasa Baguio kami para sa isang project naman ng Dad mo sa kumpare niya. 'Yong kuya mo, mag-oovertime siya. May pagkain sa ref, 'wag kang magpapagutom. Love, Mom."
Taray nasa Baguio sila.
Mabibigat ang hakbang ko paakyat sa hagdan. Nabusog na rin naman ako kanina, kaya 'di na ako nag-abalang pumunta pa ng kusina. Mabuti na rin 'to, baka sakaling maisipan ng malanding organ na 'to mag-emote eh walang mangangambala.
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong sumalampak sa kama at agad-agad bumagsak ang mga luha ko. Hindi pa pala naubos 'to? Hindi ako pwedeng umiyak magdamagan, malamang mamamaga ang mga mata ko kinabukasan.
Kinuha ko ang cellphone at dead batt na pala siya. Chinarge ko 'yon at ang laptop nalang ang binuksan. Nagbukas muna ako ng twitter acct. ko.
Binalikan ko ang last tweet ko kaninang umaga.
Lalaban at mananalo. Ikaw ba naman ang ginoodluck ni krass? May kasama pang kindat? That's magic! # FeelingInspired # GoHeinsteinians!
Maraming nag-retweet, may nag-reply ng mga cheers, pang goodluck messages.
Feeling inspired kanina, eh ngayon?
Nag-tweet ulit ako.
Substitution.
Akala ko sa basketball lang may ganito. Kay krass din pala
# FeelingBetrayed # FeelingNeglected
Grabe ka talaga Clarence. Ang lakas mo pumiga ng puso. Crush pa nga lang kita niyan ha?
Well, ewan ko nga ba kung crush lang talaga. Kasi kung crush lang kita, gwapo ka lang sa mga mata ko, kikiligin lang ako sa mga kindat at ngiti mo. Pero parang hindi na kasi eh, involved na si puso rito oh. Nasasaktan na siya. Iba na. Gwapo ka, hindi lang mata ko ang nagniningning pati puso ko gustong tumalon at sumilip. Hindi na ako kinikilig lang, puso ko’y naghuhurementado na sa simpleng kindat at ngiti mo lang.
At alam mo ba kung ano ibig sabihin niyon?
Oops! 'Wag ng sabihin.
Ganito na lang, ang ibig sabihin niyon, dapat ko na 'tong itigil dahil hindi na ako nag-e-enjoy, nasasaktan na ako. Sht lang. Hindi naging strikto sina kuya at dad para lang mapaiyak ako ng isang lalaki.
Tama na 'yon, Chrys. Tama na okay? Hanggang keri pa.
Naglog-in na rin ako sa f*******:. Scroll lang at nagbasa ng mga inspiring messages. Ayokong magpakaburo sa brokenhearted messages no. Ews lang.
Maya-maya lang may nag-pop up na chatbox.
Si Edrian? Shookt ako rito ah. Ang message? "Feel fine now?"
Napangiti ako. Napaisip ako. Now, alam ko na kung ano ang pinagkaiba nila.
Si Clarence, suplado sa panlabas pero may tinatagong kalandian.
Si Edrian, suplado sa panlabas pero may tinatagong kabaitan.