"OKAY this is it, team. You can do this, you know already their tactics so I'm confident you can do this?"
"Yes, coach!" sabay-sabay naming sagot at inangat ang kamay naming nakabilog.
Bago pumunta sa court ay inilibot ko muna ang paningin, nagbabaka-sakali sa presensya ni Clarence. Pero parang wala na yata.
Nag-umpisa na ang first quarter ng laro at last 6 minutes na nga, ni isa hindi pa ako nakapuntos dahil hindi ako nagpapapasa ng bola. Feeling ko kasi parang hindi ko rin mai-shoot.
Malayo ang kinaroroonan ko kung saan nagtutumpukan sila. Nasa St. Arturia ang bola at wala akong balak makipag-agawan. Ewan, 'yong feeling bang hindi ko feel. Magulo ba? Kahit ako nga rin naguguluhan. I should be there kasi final game na 'to pero wala talaga akong gana eh. Nawala na yata ang mahika ng kindat at good luck ni Clarence.
Hanggang sa natapos ang first quarter, wala akong nagawa para sa team namin.
"Chrys, ano ba? Anong nangyayari sa'yo? Ang dami mong pinalagpas na puntos," sita ni Coach. Ang laki ng agwat ng score, 9-16 in favor of them. Uminom ako ng tubig at nagpunas ng pawis. Maya-maya'y naramdaman ko nalang na hinihila ako ni Kyra papunta sa corner ng court.
"Chrys, ano bang nangyayari sa'yo? Nawawala ka. Hindi ka mapasahan ng team natin kanina dahil parang lutang ka," aniya.
Napakamot ako sa ulo. "Eh pasensya na."
"Anong pasensya na? Ilugar mo nga 'yang lovelife mo Chrys. 'Yan lang naman ang dahilan mo diba? Kanina pa kita napapansin, linga ka ng linga." Napabuntong hininga ako nang malalim. Tama naman siya.
"Ayusin mo Chrys, St. Arturia ang kalaban natin. Alam mo kung gaano sila nagyabang kanina nang manalo sila. Papayag ka ba no’n? I'm sure hindi, kaya get yourself in the game Chrys. Ano ba." Seryoso na talaga si Kyra. Maloka 'to minsan eh, pero pagdating sa game seryoso siya.
"Ang layo ng agwat ng score Chrys, first quarter pa lang. I'm sure kayang-kaya nating habulin 'yan just fix yourself. Pati ka team natin, naapektuhan sa'yo," dagdag niya pa. Grabehan na'to makapangaral ha, sobra pa kay Coach.
Tumango-tango lang ako. Bumalik na rin kami kina Coach at ilang sandali ay nag-umpisa na ang second quarter.
This is it, Chrys. Umayos ka. Hindi kayo pwedeng matalo, kailangan niyong manalo. Atleast 'pag makikita mo siya bukas, may ibibida kang nanalo kayo at papaghinayang mo siyang hindi siya nakapanood. Tama, that's it Chrys. Ako ang magsho-shoot ng bola bilang panimula. Tumingin ako kay Kyra, nang-eencourage na may halong pagbabanta ang tingin niya.
I breathed in. Tumingkayad nang kaunti. Pinosisyon ang bola and...
Shoot!
Yes! Nagsimula na ang agawan pero hindi ako naka-recover na nai-shoot ko siya. Parang feeling ko first time kong maka-shoot ng bola.
Gash, Chrys kailangan mo na yatang mag lie low sa pagkakagusto kay Clarence. Mukhang hindi na tama, masyado ka ng affected sa kanya.
Kung dati nakekeri mo pa ang t***k ng puso mo, hindi na yata ngayon. Kinakain na nito ang sistema mo, nababaliw ka na! My gosh!
This time na kay Kyra ang bola at para bang sinadyang sa akin niya pinasa ang bola kahit ang daming nakapalibot sa akin. Itinakbo ko ang bola sa ring. Nasa akin na ang bola eh, kaya pangatawanan na.
You are not a captain ball for nothing. Yah, right.
Nang malapit na sa ring ay binalewala ko ang mga nakaharang. I made a two-point shot kaya nama'y todo hiyawan ang mga supporters namin. Ngiting-ngiti akong tumalikod matapos mai-shoot ang bola pero hindi ko inaasahan ang pagbangga sa akin ng taga St. Arturia dahilan para mapaatras ako't napaupo. Nagusot ang mukha ko sa impact ng pagkabagsak. Hindi ko iyon napaghandaan kaya talagang na out balance ako.
Pinuno naman ng "Aww" ng mga tao ang buong gym. Agad namang nagbigay ng violation ang referee sa kanila. Sht. Ang sakit ng puwit ko. Takte. Humanda sa akin ang babaeng 'yon, naging player pa! Wala namang sportsmanship o camaraderie! Pwe!
Inalalayan ako ni Ara tumayo dahil siya ang pinakamalapit sa akin.
"Salamat."
Dinaluhan ako ni Coach kung kaya ko pa, kasi kung hindi ay magsa-substitute ang reserved players ng team ko. Dinama ko ang puwit ko, ang sakit talaga eh. Iiling na sana ako nang may nakita akong taong talagang nagniningning sa mga mata ko. Kahit ang daming tao, kita ko ang seryoso niyang mukha.
*Dugdug*
Napahawak ako sa dibdib.
Dumating siya! Sht. Sht. Sht. Dumating siya! Parang gusto kong sumayaw sa mga oras na 'to.
Sht. Teka, nawala yata 'yong sakit?
"Chrys, ano kaya pa ba?"
"Naman coach!" ngiting-ngiti kong sabi.
"That's the spirit!" sagot niya sabay tapik sa balikat ko.
Nagpatuloy ang laro hanggang sa last quarter na at sa sobrang inspired ko, 112-94 ang score in favor of us. Hiyawan naman ang mga supporters namin kada puntos namin.
'Yon nga lang kada mapupunta ako sa banda kung saan siya nakaupo, todo papansin na ako pero wala man lang change of expression. Imposibleng hindi niya ako mapansin dahil basketball ang pinapanood niya at ako ang may hawak ng bola. Alangan namang 'yong ring ang tititigan niya diba?
Nakatayo na nga ang halos pero siya nakaupo lang at akala mo chess game, scrabble o anumang board games lang ang pinapanood. Isama mo na pati snake and ladders.
Pero okay na rin atleast pumunta siya.
Last 2 minutes ng last quarter. This is it pancit. Kampante naman na ako dahil mahihirapan silang habulin ang score, 128-102 na. Kahit sunod-sunod na three points pa 'yan, short pa rin sila sa oras.
Sobrang intense na ng labanan, at ang St. Arturia ang nagpapa-intense no’n. Desidido silang habulin ang score pero ito namang mga ka-team ko, kung pwede lang rampahan nila sa gitna ay nagawa na siguro nila. Mga hambog! Nagkikindatan na at nagpapalitan ng flying kiss dahil kahit sila'y alam nilang hindi na mahahabol ang score. They're already tasting the victory.
Last 30 seconds, nasa kanila ang bola. Aagawin ko pa ba? Ang easy kasi ng guarding tactics nila eh, hindi naman sa pangmamaliit. Nag-iisip pa lang ako pero naagaw na ni Ara. Woah, hanep. Hindi mapagbigay, naka dalawang puntos siya.
Huling sampung segundo nasa St. Arturia ang bola, nakapag two-point shot sila pero hindi umabot sa oras kaya hindi rin binilang.
Ang score? 133-116. Ang nanalo? Of course, Heinstein University!
Nagsitalunan kami sa gitna ng court, pero magpapatalo ba si Coach? Pumagitna at gumawa rin ng eksena. "Good Job, team! Good Job!" Sabay tapik sa bawat sa amin.
Panay rin ang sigawan nang may naalala ako. " Ay teka, may reresbakan lang ako," anunsyo ko't akmang aalis nang hilain ni Jella ang jersey ko.
"Uh uh...spell nga natin ang sportsmanship?" Ni-recite naman nilang lahat bawat letra nito. Gags, mga pang-asar talaga.
"Eh ang camaraderie?" dagdag pa ni Ara. At uli ay ni-recite na naman nila.
"So, Victory Party na this!" sigaw ng isa kong ka team.
Nagsigawan na naman sila. Unti-unti ng umalis ang mga estudyante. Nakita kong tumayo na si Clarence.
"Clarence!"
Pero hindi niya yata narinig. Inulit ko pa ang pagtawag ng ilang beses pero parang wala siyang naririnig. Nilapitan ko na nga at tinapunan ng plastic bottle, syempre sa paanan lang. Sakto lang na makuha ang atensyon niya. Mahirap naman kung sa mukha niya mismo ko itatapon.
"Clarence! Salamat sa pagpunta ah? Akala ko talaga 'di ka makakarating." Ngiting-ngiti nakatingala ako sa kanya. Nasa bleacher pa siya at ako nasa court.
"Kita mo naipanalo ko... namin" Hindi na yata talaga matanggal ang ngiti ko.
"May gagawin ka pa ba? Hintayin mo ako ha? Magbibihis lang ako." Bago umalis ay kinindatan ko pa siya.
Kasama ko silang nagbihis, nang matapos ako ay inamoy ko ang sarili. Mabango pa rin kahit pawisan pero kasi si babyboo makakasama ko. Ma turn-off pa eh. Ini-spray ko sa buong katawan ang perfume ko.
"Ay ano ba Chrys? 'Di mo nalang ipanligo 'yan?" reklamo ni Kyra.
"Kung pwede nga. Ito na nga oh, ginagawa ko na." Pinagpatuloy ko ang pag-spray.
"Nasa labas si Clarence. Gash! Ky! Nanood siya! Nanood siya!"
"Kailangan paulit-ulit? Kaya pala... teka, hinihintay ka niya?" Tumango-tango ako.
"Sabi kong hintayin ako."
"Ay, ang kapal ng kalyo Chrys? Crush, pinaghintay?"
"Naghintay naman eh," ngiting-ngiti kong sagot. Shet. Kinikilig ako.
"In love ka na niyan? Kilig na kilig ah?"
"'Yon nga Ky eh, hindi na yata siya plain na lukso ng puso lang. Iba na 'to, Ky," sagot ko at naalala ko na naman ang nangyari sa akin kanina. This will be the last na kikiligin ako kay Clarence, huling paglalandi ko sa kanya. Ayokong lamunin ng pag-ibig. Habang maaga pa.
"Ikaw Chrys bahala ka ah, 'wag kang tumawag tawag sa akin isang araw na ngumangawa pa. Ky, ang sakit. Ang sakit pala," mimicking me. Napatawa nalang ako.
"Gags! Kaya nga iiwas na ako habang maaga pa."
"Huh?" Nilapitan niya ako, finace-to-face. As in 'yong parang nangingilatis, hinawakan pa niya ang baba ko at binaling-baling to the left, to the right.
"Ano ba?" Hinampas ko ang kamay niyang nakahawak.
"Totoo Chrys? So anong peg mo? Landi-landian lang? 'Pag nahulog na, iiwan mo sa ere? Hindi paninindigan? Ganern? Naku naku, 'pag 'yang si Clarence nahulog sa'yo..." Napabuntong hininga na naman ako sa sinabi ni Ky.
"Hindi Ky, malabo. Ako ang nahuhulog sa ginagawa ko. Kumbaga gumawa ako ng patibong, pero ako naman ang nabiktima," seryoso kong tugon.
"So, it's all coming back to me now ang peg mo?"
"Bahala na. Basta kailangan ko ng kausap pagkatapos nito. Una na'ko," sabi ko, pero bago umalis ay tinapik niya ako sa balikat plus a reassuring smile. I know, I can rely on Kyra.
Lumabas na ako at nakita ko si Clarence na mag-isang nakaupo sa pwesto niya kanina. Hinintay nga talaga ko. Iilan nalang kasi ang narito kaya agad ko siyang nakita.
"Clarence! Tara!" masigla kong sabi.
"Congrats." Napangiti naman ako, kahit mahina ang pagkasabi niya ay rinig na rinig ng puso ko —este tainga ko.
"May sasakyan kang dala?" tanong ko nang mapansing sa parking lot ng university kami patungo. Ang tahimik niya nga sa buong lakad namin. I mean tahimik naman talaga siyang tao pero parang nakapagpalagayang loob ko na rin naman siya kaya medyo dumaldal na siya... nang kaunti. Hindi nga lang loob eh, pati nga puso nailagay ko na rin. Eh ngayon? Back to top na naman kami?
Tumango lang siya.
"What's your plan?" Ayun, sa wakas nagsalita rin. Pero bakit parang lumalim ang boses niya? Ah baka siguro sa tagal ng 'di nakapagsalita. Paano ba naman kasi, naghihiyawan ang mga katabi niya pero siya kahit ibuka man lang ang bibig ay wala.
"Kain tayo, treat ko. Panalo eh."
"No, kanya kanya nalang."
"Huh? Hindi na. Bigay mo na'to sa'kin," sabi ko.
"Tsaka, nag request ako sa'yo diba? So in exchange," dagdag ko pa. Hindi naman na siya umimik.
Pagkarating sa parking lot ay hinanap ko na rin ang sasakyan niya. Pero ibang sasakyan ang nilapitan niya.
"Iba na naman ang sasakyan mo?" tanong ko. Kumunot naman ang noo niya. Hindi ako nagkakamali, hindi ito ang kotse niya. Kahit isang beses pa lang akong nakasakay roon, alam ko na ang model ng sasakyan niya noon pa man.
"Ito lang ang sasakyan ko," aniya at pinatunog ito. Itim pa rin pero iba talaga eh. Binuksan niya ang passenger seat pero hindi ako kinilig dahil iba ang nasa isip ko.
Nalunod ako sa pag-iisip at 'di ko namalayang nakalabas na pala kami ng University. Isa rin sa gumagambala sa isip ko, maliban sa kotse niyang iba ay kung sa barbecue house ko pa rin ba siya dadalhin? Baka gusto niya ring maiba.
Sa kaiisip, napa-igtad ako nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Binuksan ko ang message. Si Kyra lang pala, nagsasabing bukas ng hapon nalang ang victory party namin dahil naglandi raw ang captain nila. Mga pang-asar talaga 'yong mga 'yon.
"Where to eat?" aniya.
"Ikaw ba, saan mo gusto?"
Silence. Wala akong nakuhang sagot. Naging pipe na ba siya?
Binuksan ko nalang ang cellphone at nag-umpisa na namang mag-search. Pero nag-notify ang f*******: ko.
'Evan Clarence Latwick posted 3 photos'
Kahit hindi kami friends, nafa-follow ko na siya. Kaya updated pa rin ako.
Nangunot ang noo ko sa nabasa, binuksan ko ang notification na iyon. Nakita ko ang picture ni… Clarence? Na may kasamang babae —oh well, mas maganda ako truthfully speaking. Ang caption?
ATM.
Naka-tag pa sa babaeng ang name ay Cristene Alga. Pero paanong nangyari 'yon? Eh kasama ko si Clarence! ATM? As in, at this moment?
I think... I got it.
Napatingin ako kay... sino nga ba 'to? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
The differences. The car, the deep voice, the too tahimik.
"Edrian?" Halata ang dissapointment sa boses ko.
"Hmm?" Huli niya na yata na realize ang pagtugon niya, napatingin siya sandali sa akin. Bumuka ang bibig niya na parang may sasabihin pero 'di natuloy, pero bumuka ulit. "Ah… that.."
What.The.Hell.
Bakit siya? Bakit siya ang pumunta? Ang nararamdaman ko ngayon? Pwede na akong mag-post sa twitter ng hashtag feeling betrayed.
Feel ko niloko talaga ako. Bakit gano’n? Hindi naman sa ayaw ko kay Edrian, 'yong inis ko sa kanya no’ng onakaraang araw. Wala na 'yun, dala lang talaga ng inis. You know, I don't keep grudges. Pero kasi, bakit nga? Bakit siya ang pumunta? Bakit siya ang nanood? May balak ba siyang sabihing siya si Edrian?
Ang pinakasaklap pa nga, siya ang naging inspirasyon ko sa laro kanina. Takte, nagkamali na naman ba ako?
Jusko. Sign na ba 'to Lord? Na tigilan ko na 'to? Ngayon pa nga lang parang na akong naloko. Ano pa sa susunod kung tuluyan na talagang 'di ako makaahon sa bitag na mismong ako ang gumawa.