"GO! Heinsteinians! GO! GO! GO! Fight!"
Malakas ang hiyawan na nakakabingi na. 'Yong drums, hindi na nga dapat kailangan dahil mas malakas pa ang pagkabog ng dibdib ko.
Everytime may laro kami, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. I don't know, not that I doubt my skills. I just don't know, preparation siguro? Pero 'pag sa game na, wala naman na. Lampas na nga ng ring ang confidence level ko.
Pumorma kaming bilog ng team ko at nilagay ang kamay sa gitna, pati na rin si Coach Aldy.
"Okay, you can do this!" Coach Aldy.
"Heinsteinians, go! Fight!" sigaw namin saka inangat ang kamay. Mas lalo namang lumakas ang mga hiyawan.
St. Arturia College ang una naming makakalaban. Hindi ko pa alam kung paano sila maglaro dahil hindi pa namin sila nakakalaban ever since. While with Archimes University, nakalaban na namin sila. In our 6 games, we won 4 times. Huh! Hindi naman masyadong mayabang, diba? Humble pa nga ako niyan eh.
Magsisimula na ang game any minute. Nilibot ko ang tingin sa bleachers kung nasaan ang aming school, hindi ko namataan si Clarence. Ang hirap kaya maghanap, bukod sa ang dami nila, malilikot pa.
Hmm, kakapit nalang ako sa kindat niya kahapon.
The game started and I can say, magaling sila. The score is 6-8, in favor of them. Pwe! Ang liit ng agwat, isang three-points shoot ko lang 'yan, lalamang na kami eh. At ngayon nga'y na kay Reez ang bola at bantay sarado siya. Open si Kyra at open din ako. Mas malapit nga lang si Kyra.
Tiningnan ko ang ring at ang mga nag-aabang din sa akin kung sakaling mapunta sa akin ang bola. Luminga-linga si Reez at nang tumama ang tingin niya sa akin, I gestured my fingers. Pinasa niya ang bola and I successfully got it kaya todo-bantay na ang mga nag-aabang sa akin kanina.
I dribble the ball and just a one swift turn I made a three-points shoot.
Hah! 9-8.
The game continues and it ended the first quarter with a 28-26 score.
"Chrys you're doing great," puri ni Coach sabay tapik sa balikat ko at bumaling sa iba kong team.
"Nice cooperation, team," anito at nag thumbs up.
Mukhang parang sa amin talaga ang larong ito ngayon ah. Parang inspirado rin kasi ang mga ka-team ko.
Pagkatapos kong lasapin ang uhmm manamis-namis na tubig— bakit ba? Eh sa Le Minerale ang sponsor, nag resume na ang game.
Last quarter for the game, madikit ang laban dahil bawi-bawi ang mga scores. Last, two minutes and Ara is travelling the ball. Hindi ako open dahil mas marami na ang nakabantay sa akin. Naks, natunugan nilang ang galing ko? Oh, mahabaging hangin.
Pinasa niya ang bola kay Jella but Jella failed it to the ring. Naagaw iyon ng kalaban and they made a shot earning two-points.
Last one minute at na kay Kyra ang bola. Bantay sarado pa rin ako, pero hindi pwede 'to. Tumakbo lang ako ng tumakbo, Kyra's looking for someone to pass the ball. I got her attention and gestured, naipasa niya ang bola sa akin. Dinribble ko ito papunta sa ring namin, muntik nang maagaw but I made a two-points shot.
The game ended with 97-99 score. We lose, hardcore sila mga bregs!
Pagkatapos ng first game, imbis na magpahinga ay inatupag ko ang paghahanap kay babyboo. Pupunta kaya iyon? Di bale, hangga't di pa final game may pag-asa pa. Confident talaga akong makakalusot kami sa final game, ano?
Paano pala 'pag ang dalawang univ ang naglaban sa final? Eh di, pahiya 101 ako. Gosh, Chrys. Ba't di ka nag-isip? Nasobra sa yabang, kinapos sa pag-iisip?
Sa second game, sila ang naglaban at St. Arturia pa rin ang nanalo. Homecourt advantage ba 'to?
Third game kami at Archimes, and for the 7th time against Archimes U. we won again!
Meaning, Heinstein U vs. St. Arturia College ang sa final game.
Nasa break pa kami at tapos nito final game na. Kasingtaas na yata ng basketball ring ang leeg ko, hindi ko pa rin mahagilap si Clarence.
'Yong pag-asa ko kakarampot nalang. Paano ako gaganahan nito sa final game? Aasa nalang ako sa kindat niya kahapon?
Napabuntong-hininga ako nang malalim.
****
"Ah Clarence, ito pa ang kailangan nating i-review na mga narrative reports ng previous officers... and kailangan na raw ng Director’s office ang calculated budget para sa mga event at projects na gagawin natin," sabay lapag niya ng mga folders.
Napahawak ako sa sentido sa mga sinabi ni Gayle, SC Secretary. Tiningnan ko si Mandy, yes Mandy na. Sinita niya na talaga ako kakatawag sa kanya ng Mandell. Makapal pa rin ang mga narrative reports na kailangan niyang basahin.
'Yong treasurer si Harvey at auditor si Zyn, nagre-review rin ng mga financial reports.
Isa-isa kong tiningnan ang mga members ko. I already prepared for this butt-heating works but I think I underestimated it. Kinulang ako sa preparasyon.
"Ay! Fafa Clarence! It's 10:26 na, I'm sure final game na nina sisterette Chrys. Makaka go ka pa ba?" paalala ni Mandy. Ah, oo nga pala. Naka-oo pa naman ako sa kanya.
"I'll see," sagot ko.
"Ay paasa factor ka Clarence, forgetful ang utak ni Chrys pero pagdating sa'yo para siyang lumaklak ng memo plus gold."
I sighed heavily. Hindi ko naman sila pwedeng iwan dito.
"Sus, gora kana roon. We can manage naman eh," pahayag ni Mandy.
"I agree pres, go na," ani Gayle.
"How 'bout these?" pag-aalangan ko, baka sabihin nilang inuna ko pa iyon kaysa sa mga importanteng bagay na ito.
"Kaya na nga namin 'to."
"Oo nga, gora na."
"Bigyang time ang lovelife."
At kung anu-ano pang pagkukumbinsi ang sinabi nila.
"Are you sure?" tanong ko ulit.
"Ay ang kulit, Mr. President? Gwapo ka, pero minsan nakaka-stress ang paulit-ulit." Napangiti nalang ako sa sinabi ni Mandy.
I explained to Gayle ang mga iiwan kong gawain. "I'll go now, I’ll be back..." I took a glance on my wristwatch. "...1pm maybe."
"Ay kahit 'wag na! I-date mo na agad." Nangingiting napapailing ako nang lumabas ng office.
I am making my way to parking lot when I got a call from Cristene. I hurriedly tap the answer button. "Cristene!" I exclaimed.
Yo! Sounds excited huh. I heard her chuckling on the other line.
"Of course! It's been a —what? How are you anyway?" I open the door of my car when I reached it.
I'm always fine Clarence. Sa school ka pa ba?
"Uhuh. Bakit?" I answered as I started the engine.
Ay sayang, kakauwi ko lang kahapon and I’ll be back tomorrow sa L.A.
"What? Uuwi kana agad? Hindi pa nga tayo nagkikita."
Naks. Miss mo'ko?
"Kinda."
Kinda lang?
"Oo, para 'di masyadong obvious."
Sus.
"I'm actually driving right now."
Oh, akala ko ba nasa school ka? Masyado na bang malapad ang school niyo at nagsa-sasakyan ka na?
Napatawa ako sa sinabi niya. Ito ang maganda kay Cristene, ang saya kausap at kasama.
"Sira. Hindi, I'm driving my way to the St. Arturia University. Manonood ako ng basketball."
Woah, since when did you became interested watching basketball?
'Ngayon lang.' Sagot ko sana. Actually, I'm not really interested in sports and I must admit I’m not a sporty man, kahit si Edrian nga rin. But I must say we're both excellent in chess game.
Cristene is the one who is sporty, she's a varsity player in volleyball. She also plays well in table tennis.
"Ah, may susuportahan lang ako."
Don't tell me si Clark 'yan? Hindi talaga mawala ang tawa sa bawat salita niya.
Mas gamit na gamit ang dalawang pangalan ni Edrian, there were some who call him Edrian and there were some who call him Clark. Sa'kin is Clarence lang talaga ang nakasanayan.
"Of course not."
Pero iba nga, Clarence uuwi na ako bukas. 4am ang flight ko. We'll do some catch up sana.
"Later tonight?"
Hindi pwede, magba-bar kami ng mga colleagues ko. Why not now?
"Sabi ko naman diba, may papanoorin akong basketball."
So, uunahin mo 'yan kaysa sakin? Grabe ka 3 years tayong 'di nagkita tas echapwera mo lang ako?
She's now living her life in L.A yet she still speaks fluently in tagalog. Well, Cristene is not like other classy women. Naging import lang ng ibang bansa ay pasosyal na.
"Bakit ka nga pala umuwi?"
I just arrange some things for Mom.
"Oh…"
Dead air.
So, ano na nga?
"Wait, gonna call you back."
Teka, ano? Tuloy ka ba —
I ended the call. I dialed Edrian's number. I ask if he can just substitute me for Chrys' game. This is the first time that I’ll ask him to be me, well, not actually being me. Pwede naman siyang magpakilala.
We never did this kind of stuff like other identical twins do. Ngayon lang.
Yes? salubong niya pagkasagot na pagkasagot.
"Hello too, bro. Busy, not?"
Why?
"I asked you first." Kung pangmamatigasan lang. 'Yong nakikinig nalang sa amin ang susuko.
My busy-ness depends on what you need, bro.
"Oh, since when that system starts?"
Since we're twins.
Napapikit ako sandali. Hindi naman pwedeng tagalan ko dahil nga nagda-drive ako.
Kung malabo akong kausap, mas mahirap kausapin ang isang 'to. At least sa akin, may makukuha kang sagot, sa kanya wala. Kung mayroon man, walang kwenta. Siya 'yong taong seryoso pero walang kwenta rin kausap. O ako lang nag-iisip no’n sa kanya, dahil sa akin lang siya open.
Kaya nga hindi na ako nagtaka noong nag-iinit ang dugo ni Chrys sa kanya.
"Anyway bro, to make this call sensible. If you are not busy, would you like to watch Ms. Clarete's game?"
Game? What game?
Too outdated.
"Basketball."
Ah… and why would I do that? Just like I said we both don't have interest on it.
"Because…I'm requesting?"
Where are you going?
"I'll gonna meet Cristene, she's here! We'll do some catch up since she will be going back tomorrow"
What the fvck. That woman again?
I chuckled. "Yes bro."
Cristene is Edrian's greatest annoyance. Sino ba namang matinong babae ang kapag magkikita kayo ay mag-aaya ng s*x. Yes, you've read it right.
She was like, "Edrian, tara s*x tayo." Awkward right? Very awkward. But it’s just a tease.
It started when he borrowed Edrian's phone to have a selfie but a message arrived from unknown number and she accidentally tapped it. Her eyes grew bigger and laugh her a*s out on a message.
"WlAnq ta0 sxa bHay, tRa s*x tAu."
Then later on, there was a message again with the same unknown number.
"Sht. SurRey pH0u, wR0nq cnd. pw0 jowK laNq nMan pH0u unq mSq." (Sht. Sorry po, wrong send. Pero joke lang naman po yung message)
Edrian got furious about that, more furious when she started to tease him that. People might misinterpret it, minsan pa naman nakasigaw pa si Cristene.
Well anyway, Cristene is the goddaughter of our parents. We're close and parati siyang nasa bahay noon, namamasko raw kay Mommy kahit hindi naman pasko. We're best of friends until they migrated to L.A three years ago. Nagtatrabaho ang mama niya sa states hanggang sa naka-established na siya ng pamumuhay doon kaya nag-migrate na sila kasama ng mga kapatid niya. Her father already died because of a fire accident since her father was a firefighter.
"Oh, easy on her bro."
Tsk. Why do you need to attend Ms. Clarete's game?
"She requested."
And…you didn't reject her?
"I did at first, but she requested na kahit sa final game lang. Puntahan mo na, bro. Mawalan pa ng inspirasyon 'yong tao eh." Why did it sound that it is my responsibility now?
"You know bro, madali akong kausap. Ano, punta ka?"
Be grateful. The cafe's close today.
"That's it! Thanks bro, I owe you this one."
Yeah, you really owe me this.