Chapter 18

2321 Words
"PSSST! Mandy!" Habol ko kay Mandy na bumababa sa hagdan ng building namin.  "Yes? Need anything? Kung kagandahan, hindi ko iyan maibibigay sa'yo. Limited edition lang kasi 'to," aniya na slow mo pa bago lumingon.  "Lul! Kagandahan pinagsasabi mo? Hindi ka dapat nagsasalita ng mga salitang 'di mo taglay or naiintindihan," sabi ko at inakbayan siya.  "Gosh Chrys! Are you saying I don't have beauty?! Hindi ako NBSB no, palibhasa mga beauty lang din ang nakakakita." May papilantik ng daliri pang nalalaman. "NBSB? Sa landi mong 'yan, NBSB ka?" "You're getting it all wrong, Chrys. N-B-S-B as in No Beauty Since Birth." "NBSB ka nga. No Beauty Since Birth, No Boobs Since Birth," sabi ko't pinaiikot pa ang mata. "Tsk!" Paasik niyang tinanggal ang kamay kong nakaakbay sa kanya. "Aray ha!" "What do you need ba?" Pagbabalewala niya sa pag-aray ko. "Eh alam mo na — " "Oh, akin na. Hmp!" Pagputol niya sa sasabihin ko sabay agaw niya sa mogu-mogu kong dala.  "Ako na talaga sasagutin ni Fafa Clarence eh. Feel ko na talaga girl, sa'kin siya mai-inlove." "Subukan mo lang," sabi ko na may nagbabantang tono.  "Eww ka ha, ang feeling mo nga. Ay aba, Mandy akala ko ba nagkakaliwanagan na tayo?" "Oo na, oo na. I'm telling you my dear Chrys, mas hot si Fafa Edrian." "Wala akong pakialam sa Fafa Edrian mo, kahit matusta man siya sa sobrang hot…" Pinatong ko ang kamay sa isa niyang balikat at ang isa nama'y sa batok niya at bahagya siyang hinila papalapit sa akin. As in feslak to feslak kaya nama'y kasingbilog na ng buwan ang mga mata niya ngayon. Pinalamlam ko ang mata ko, "…pero ano ang magagawa ko? Si Clarence ang sinisigaw ng puso ko?" Halos ibulong ko na sa kanya. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya pero maya-maya'y bigla niya akong tinulak at tumalon-talon ang bakla!  "Oh my gosh Chrys! You're so ew! What have you done?! My purity! Reputation! Ang dangal ko!" eksaherado niyang litanya with all the disgust all over his face. Pinagpagan pa ang sarili na akala mo kinikiliti ng mga langgam.  "OA mo bakla! Sige na, bigay mo ha? Love you!" sabi ko with matching flying kiss pa pero ang bakla inirapan ako. Diring-diri pa rin. Sus, arte! Nagsimula na akong maglakad patungo sa gym. Okay na nga rin ang paa ko dahil ilang linggo na rin naman mula no’ng nilayasan ako ni babyboo. Pero kahit gano’n, hindi pa rin nabawasan ang pagkahumaling ko sa kanya. Naks, lalim no’n ah. Ngayon nga'y kahit hindi ko na maisingit sa schedule ko ang pagkerengkeng kay babyboo dahil puspusan na ang practice namin sa basketball dahil sa nalalapit na game, habang siya rin naman ay abala sa pag-career ng posisyon bilang presidente.  But of course, kahit hindi ko man siya nabibigyan ng oras — chos! Gano’n talaga, kailangan bigyan ng oras. So 'yon nga, kahit walang oras walang mintis naman ang pagpapadala ko ng mga inumin o pagkain sa kanya kay Mandy na siyang Vice President niya. May kasama pang mga notes 'yan ha, katulad ngayon. 'MOGU-MOGU para sa gwapong nagbabasa nito' Oh diba? At heto na naman tayo, kinikilig sa banat ko. Eh! Nai-imagine ko palang kasing napapangiti si Clarence 'pag nabasa niya ang mga notes ko parang gusto ko ng maglupasay. **** MASYADONG mabilis ang pagdaan ng mga araw lalo na't hindi ko siya nakikita, bukas na nga ang basketball match na gaganapin sa St. Arturia College, isa sa katunggali namin at ang isa nama'y mula sa Archemis University. Katatapos lang ng final practice namin para bukas at dapat nga'y nagpapahinga na ako sa ngayon pero heto ako't naglalagalag under the heat of the sun kakahanap kay Clarence babyboo. Nanggaling na ako sa SC Office pero the coast is clear. Hindi ko rin makita-kita si Mandy. Mag-aalas dos na at wala pa rin akong balak um-attend ng klase. Ay, excuse kaya ako hanggang bukas lubos-lubusin ko na. Nagta-time management lang naman ako eh, imbis na magpahinga ay pinilit kong mag-effort para hanapin si babyboo at ayain siyang manood bukas.  Free day naman bukas, may pasok pero walang klase. Magkaiba 'yan, required bumalik ng school for attendance pero walang klase. It’s the student's choice na rin bukas kung manunuod sila dahil pinayagan naman ng Dean for moral support. Pero para sa akin, bahala sila kung ayaw nilang pumunta. Knowing the maartes and kikays na mga toxic sa school na'to, they prefer to go shopping. Pwera nalang kung ang mga papable nilang crush ang maglalaro ay uupuan talaga nila hanggang matapos ang game. Tinungo ko na lamang muna ang cafeteria dahil panay na ang reklamo ng tiyan ko. Pero fortunately, sadya talagang dito ako dinala ng mga paa ko dahil nandito si Edrian! Paano ko nalaman? Hula ko lang, kukumpirmahin ko pa. Pagkatapos kong um-order ay hindi na ako nagdalawang isip pang tinungo ang mesa kung saan siya nakaupo habang tutok na tutok sa laptop. Nilapag ko sa mesa niya ang in-order kong cheesecake at softdrink at agad na umupo sa kaharap niyang upuan. Nalipat naman ang atensyon niya sa akin.  "Are you gonna borrow laptop again, Ms Clarete?" seryoso niyang tanong habang nakatingin pa rin sa akin. Confirmed. Si Edrian nga siya, eh siya lang naman ang hiniraman ko ng laptop noon. "Can I?" biro ko. "I'm using it," aniya na hindi man lang natinag ang pagkaseryoso. "Joke lang, 'to naman. Nakita mo ba si Clarence?" tanong ko at nagsimulang sumubo ng cheesecake.  "Kain pala," aya ko. Hindi ko na siya tatanungin kung ano ang gusto niyang kainin dahil baka matulad lang no’ng dati na hindi naman niya kinain, sayang lang. Napaisip ako, 'yong mga pinapadala ko kay babyboo kinakain o iniinom niya naman kaya? Naku sana naman hindi siya katulad ng kambal niyang walang sense of appreciation. Okay na ako sa ideyang madalas lang ang pagiging gentleman ni babyboo, at least diba may katiting namang gentle sa kanya. Remember noong binuksan niya ako ng pinto sa sasakyan niya? Gano’n lang 'yon pero hindi niyo alam kung gaano nag-party party ang puso ko no’n. "You asked like we're close, Ms Clarete." Hindi pa rin niya inaalis ang mata sa laptop. Ano bang ginagawa nito at parang hindi maistorbo?  "Uhm." Nilunok ko muna ang kinakain ko baka isumbong pa 'ko nito kay babyboo na balahura akong kumain. Ma-turn off pa. "Chrys. Chrys nalang. Oh, upgraded na ba ang closeness?" "Walang ia-upgrade 'cause in the first place we're not close," seryoso pa rin niyang turan. "Hmp! Suplado," bulong ko.  So, ako lang pala ang walang hiya? Akala ko kasi considered na akong kahit acquaintance niya man lang. Nakapanghiram na ako sa kanya ng gamit, na-witness niya rin ang mga kahihiyan ko na dapat sana kay Clarence, natulungan niya na rin ako. Ay, ilang beses niya na rin pala akong natulungan 'no? 'Yong tinulak niya ako palapit kay Clarence sa library, tulong din 'yon! 'Yong pagpapahiram niya ng laptop, 'yong pagsabi niya ng balak ni Archo sa election at 'yong pagbalot niya sa paa ko. Gosh! Ang dami na pala. Dagdagan pa ng mga pagkakataong nagkausap kami, nagkita pa kami no’n sa park! Nakilala ko pa kapatid nila, nasabihan niya pa akong maganda no’n! Ugh! Naka-debate ko pa siya! Nailibre ko na nga rin siya pero sinayang niya lang! Ang dami na nga pala naming interactions, ngayon ko lang naisip. Tapos hindi niya pa ako kinonsider kahit acquaintance man lang. Grabe siya, nakakabiyak ng puso.  "Grabe ka ha, sa ilang beses tayong nag-usap." "So, close na 'yon?" Aba, may atittude siya girl! Namimilosopo. "Oo?" Nawawala yata ang self-confidence ko 'pag kausap ang isang 'to. "Nagkausap lang close na? Are you like that to everyone?" Gosh. Hindi lang masungit. Talagang may attitude.  "So, now you're judging me?" Huh! Take that, Mr. Edrian. Binalik ko lang sa kanya ang sinabi niya sa akin noong nakaraan. "I'm asking, Chrys." Napatigil ako sa pagkain dahil sa pinagdiinan niya talaga ang pagsambit ng pangalan ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil bumaba na ang formality level niya o maaasar sa paraan ng pagbigkas niya ng pangalan ko. "Aba! Eh tinanong lang din naman kita no’n ah? Inakusahan mo agad akong judgemental, sa totoo nga dapat ikaw ang judgemental eh. You judged me that I’m judging you." Itiniklop niya ang laptop at hinarap ako. Dapat pala hinarap niya nalang ang laptop. Pakiramdam ko nanliit ako sa mga tingin niya.  "Sa unang tanong mo pa lang, you're sending judgment." Diretso ang tingin niya pagkasabi no’n.  "Tanong po 'yon Mr." "I agree to call you Chrys and now you're calling me that?" Naguluhan na ako kung saan man patungo ang usapan namin. ‘Di ko na rin alam kung anong pinupunto niya. Jusko, sobra pa sa babae ang hirap intindihin!  "Teka nga isa lang naman ang tanong ko diba? Ba't do’n ba napunta ang usapan?" lakas loob kong tanong.  "I wonder who started it." "Ikaw!" "I wonder who started the judging topic." "Ugh!" Tumayo ako at pabagsak na tinukod ang dalawa kong kamay sa mesa.  "Nakita mo ba si Clarence?!" There! 'Yan lang naman ang tanong ko diba?! Ba't ang dami niyang satsat? Umangat siya ng tingin. Hindi man lang natinag sa pagsigaw ko. Naka-crossed arms pa. Nakatingin na't lahat-lahat ang mga nagtitinda rito sa cafeteria pero wapakels siya!  "You don't use that action and voice on me, Ms Clarete." See? Bumalik na naman siya kaka ms ms na 'yan. Ang hirap niyang ispellingin! "Oh, I just did," taas ang kilay kong sabi at grand exit. Mabait ako but I can also b***h people around. Lalo na't pabalik balik nalang. Ayoko kasi sa lahat ang paulit-ulit na usapan. Hindi ko rin gusto ang ugali niyang parang kaya niya akong pasunurin. Mabuti at hindi nahahawa si Clarence sa kanya? Ang sungit, suplado, walang sense of appreciation, bossy, kahit ‘yong pagiging gentleman niya hindi nakatulong para bawasan ko ang pagkaasar sa kanya. Kaloka!  Tinanong lang eh, ba't di niya nalang kasi sagutin ang tanong ko? Kung di niya alam, edi hindi. Tapos ang usapan! Grrrr! Nakakapikon! Dala-dala ko pa ang plastic bottle ng softdrinks na ininom ko. Sa sobrang inis ay initsa ko ang plastic bottle, tumalon ako at sinipa ng pagkalakas lakas. "Ang g**o niya!" "Ay girl!" Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses at nakita ko si Mandy na papalapit sa akin bitbit 'yong plastic bottle na sinipa ko. Nakabusangot pa ang mukha niya.  "Chrys, what is your problem ba? You make this thing fly over and fall into your babyboo's head. Gosh check him out." Sinundan ko ang tingin niya at ang mga iniwan niya palang kasama ay si Clarence at 'yong secretary nila. Hindi rin kasi nanalo si Kyra as secretary. Ang malas naman naming magkaibigan. Well back to the situation, nanlaki ang mata ko at agad napatakbo papalapit kina Clarence. "Ay deadma ang beauty ko?" Rinig ko pang sabi ni Mandy. "Hala Clarence okay ka lang? Saan ka tinamaan? Sorry talaga. Sorry. Saan?" Akmang hahawakan ko sana ang ulo niya pero napaatras siya. Ay, allergy sa akin?  "No, it’s okay," patay malisyang sagot niya. "Ah eh." Pero napansin ko rin kasi kanina noong paglingon ko kay Mandy, nakahawak siya sa likod ng ulo 'di ko lang binigyang pansin dahil 'di ko naman kilala. "Hala sorry talaga." Nag-alala pa rin ako. Malakas kasi 'yong pagkasipa ko eh. Syempre lalaki siya, ide-deny niyang hindi masakit.  "Bakit ‘di mo naman nalang kasi sinalo Mandy?" paninisi ko nang makalapit na siya. "Ay pak ka riyan Chrys ha! Nasisisi pa ako? Alam ko bang ikaw pala ang walang konsensyang sumipa sa bottle na'to. Naku naku, you don't know where to throw your trashes? Gosh. This is violation, Mr. President," litanya niya at tumingin kay Clarence. "Oy grabe ka, hindi ko naman tinapon 'yan eh —" "Sinipa mo lang," putol ng bakla. "Oo na, eh sa nainis ako sa kambal mo eh. Si Edrian? Naku, naaalala ko na naman. Sarap jombagin, parang nalagas lahat ng buhok ko kanina dahil sa kanya." Hindi ko na talaga maitago ang iritasyon ko. Si Clarence nama'y napakunot ang noo nang marinig ang pangalan ng kambal niya.  "And why is that?" tanong niya. "Tinanong ko lang kung nasaan ka, kung saan saan na umabot ang usapan namin. Humaba na nga, pero ‘di pa rin nasagot ang tanong ko." Para tuloy akong batang nagta-tantrums sa pagkekwento ko.  "Kausapin mo nga 'yang kambal mo, sabihin mong wala siyang sense of appreciation, mahirap kausap at parang babae sa sobrang arte!" "Gash girl kalma ka nga, si Clarence ang kaharap mo hindi si Edrian baka siya pa ang ma punchline mo." "Bakit mo pala ako hinahanap?"  Kaenez din minsan ang mga lalaki, ano? Parang maubusan na ako ng hininga at lalabas na ang litid ko kakalitanya magtatanong siya na parang wala lang? Gash. Nasaan ang equality? Ang fairness sa mundo, where? Well, mahirap din naman kung nagsisigaw ako tas magsisigaw rin siya, de walang world peace. On the other hand, hindi pala equality. Balance nalang. Back to his question. "Ahh…" Hinila ko siya palayo kina Mandy at sa isa pa niyang kasamang babae which is the secretary. At oo! Hinawakan ko ang wrist niya, wrist niya lang! Hindi kamay! Mahirap namang manghila nang hindi nakahawak diba? "Gusto sana kitang imbitahin sa game bukas. Sa St. Arturia, do’n kasi gaganapin." Nahihiya pa ako ng kaunti nito ah.  "Ah do’n pala..." Abang na abang naman ako sa magiging sagot niya at kahit puso ko ay abangers din. Wait ka lang malanding organ, makukuha mo rin ang sagot. 'Yon nga lang, we're not sure kung papatibukin ka ba ng magiging sagot niya or bibiyakin.  "I'll try," aniya. Napabuga naman ako ng hininga, hindi ko napansing nagpipigil na pala ako ng hininga. Ayan malanding organ, nasa gitna tayo. Kaya medyo na-dissapoint ako.  "Try lang?" "Marami pa kasi kaming inaasikaso sa office eh." "Hmm, kahit sa final game lang? Please." Talaban ka sana ng pakiusap ko huhu. "Okay." "Waah talaga?! Wala ng bawian ah? Yes!" Hindi ko na maitago ang excitement ko kung kaya't napatingin sina Mandy.  "Ano girl sinagot ka na?" "Gags! Sige na, una na'ko. Clarence bukas ah?" Tumango lang siya. Nakailang hakbang pa lamang ako nang tawagin niya ako. "Chrys…" Kaya agad-agad naman akong lumingon.  "Good Luck," aniya at...oh em gee! I saw it as clear as crystal. Kumindat siya! Malantod! Kinindatan niya ako! Geez! Umpisa na ba 'to ng lovelife ko? Malanding organ, kalma lang! Sasabog ka na eh! Shaks. Ganang-gana ako nito bukas. In fairness hindi tuluyang nasira ang araw ko dahil kay Edrian. Clarence made my day. May kokontra?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD