ILANG LINGGO na rin ang lumipas mula noong araw ng kalandian kong ‘yon, at kung ine-expect niyong mas naging close kami at naging madalas pa ang pagkain namin, nagkakamali kayo.
Naging busy siya, dahil nga diba? SC President na siya. Nakakaiyak. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil siyang-siya na talaga ang nanalo o maiiyak dahil wala na siyang time sa akin?
'Maka-demand ng time, girlfriend?'
Teka, saan nanggaling ‘yon? Pero kung sino mang tinig 'yon, nakakalungkot isiping may point siya.
Pero, hindi lang naman siya ang naging abala eh. Pending nga ang mga diskarte ko sa kanya dahil puspusan ang practice namin ngayon sa cheerdance.
Charot. Cheerdance? Eww. Too girly.
Sa basketball talaga ‘yong totoo. May match ang tatlong naglalakihang universities sa susunod na buwan, kaya panay ang excuse ni Coach sa amin sa klase.
Minsan nag-oovertime ako sa school para makahabol sa laboratory hours namin at nagdadala na rin ako ng module sa bahay para makahabol sa mga discussion. Shucks, ang hirap maging aktibong estudyante na sporty na may pangarap maging doctor.
Ngayon nga'y papunta ako ng gym. Pinaglalaruan ko ang bola sa kabilang kamay ko habang ang isa nama'y hawak ang cellphone ko. Nagti-tweet kasi ako. Pinost ko ‘yong picture ng bola na sa kamay ko na kinunan ko kanina sabay caption ng "Bola lang pinaglalaruan ko, hindi feelings ng babyboo ko."
Syempre kahit gaano ka-busy dapat bigyan pa rin ng oras ang lovelife.
Ito na naman, kinikilig na naman ako eh. Maya-maya lang may mga nag-retweet at nag-like na. Bilis ah? Hindi naman ako masyadong famous sa 2.3K followers, promise hindi talaga. May mga nag-reply rin. Scroll scroll lang ako sa mga reply nilang puro asar sa akin.
Hmp. Bahala sila, basta kinikilig ako.
"Oy Chris, Good luck sa game ah?"
Napaangat ako ng tingin. Lalaki, hindi ko kilala. "Oh, Salamat," sagot ko nalang.
"Chrys, good luck sa inyo!" Isa namang babaeng hindi ko rin kilala. Gano’n na ba ako kasikat?
Biglang humangin at nagsilaglagan ang mga dahong tuyo na rin naman. Aba, gago 'tong hangin ah? ‘Di sumasang-ayon?
Nakita kong napapailing ang janitor na nakaupo, tila nagpapahinga sa nakabilog na mesa't upuan sa ilalim ng malaking puno.
Parang kasalanan kong nadagdagan ang trabaho ni manong?
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at baka ano pang masabi ko't may maii-react na naman ang panahon.
"Ms. Clarete." Sa pagkakataong ito, isang babaeng naka thick eyeglass naman ang lumapit. "I'm Johannce, sports editor and feature writer of our school paper. Can I have some of your time later? After the practice? I'll just interview you." Waw. Straight english bregs. Pero school paper?
Feeling ko talaga ang… nilingon ko si manong na ngayo'y winawalis na ang mga naglaglagang dahon kanina. Hindi ko na tinuloy ang nasa isipan ko. Kawawa naman si manong.
Binalik ko ang tingin kay Johannce. "Dumugo?" tanong ko at tinuro ang ilong. Hindi naman niya alam kung ngingiti siya o hindi, since hindi kami close para magbiruan kami.
"Well sige. Mamaya, sa gym lang," sagot ko nalang. "Okay, thanks." English pa rin.
Tumuloy-tuloy na ako sa gym at todo practice na kami hanggang maghapon.
"Sige, last practice na Chrys. Pagod na kayo eh," sabi ni Coach.
Tumango lang din kami at inumpisahan na ang pagpapasa ng bola. Ipapasa na sana ni Reez ang bola dahil open ako pero sa kakatakbo ko para makakuha rin siya ng tiyempo sa pagpasa bigla kong napatid ang sarili ko at natumba.
"Ahh!" daing ko pagkabagsak.
"Chrys!" Napatigil din sila sa paglalaro at nilapitan ako.
"Anong nangyari, Chrys? ‘Di ko alam na balak mo palang pasukin din ang swimming team? Ba't ka nag-dive riyan?" natatawa pang sabi ni Ara.
"Gags," tanging nasabi ko dahil mga walangya pinagtawanan ako.
Hindi naman na kasi bago ang matumba, ma-injured or ma-sprain sa amin kaya gano’n na lang kung makapagbiro sila. Tinulungan nila akong tumayo at inalalayan patungo sa bleachers.
"Sige lang, okay na'ko. Patuloy na kayo," sabi ko.
Nag thumbs up naman si Coach para siguraduhing okay lang ba talaga ako, kaya nag thumbs up din ako. Binigyan naman nila ako ng ice pack bago nagpatuloy.
Ipinatong ko ang ice pack sa bandang namaga ng kaunti. Hindi ko alam ba't napatid ko pa sarili ko, siguro dahil na rin sa pagod. Parang kanina ko pa rin ramdam na parang magbe-break down na ang mga tuhod ko. Hinilot-hilot ko rin ito nang dahan-dahan. Ginawa ko na rin ang mga dapat gawin ayun sa mga turo ni Coach sa tuwing makakaranas kami nito.
Pagkatapos ay binalot ng puting tela or ‘yong bandage. Nagpaulit ulit din ako sa pagtali dahil hindi yata tama ang ginagawa ko.
"I think you're doing it wrong." Napaangat ako ng tingin sa taong nagsalita. Bigla naman akong kinabahan nang makilala ang nagsalita, sa likod niya'y si Ms. Sylvior.
I assumed si Edrian 'to? Mas madalas kasi silang magkasama.
"Ahh?" Nasambit ko lang at tinuro siya. "Edrian," simpleng sagot niya.
So, si Edrian nga siya. Pero bakit gano’n? Bigla akong kinabahan. Dahil siguro sa gulat, normal lang magulat at kabahan. 'Tong isa naman kasi nagsalita agad, wala man lang hi muna? O pa ehem ehem?
Napayuko nalang ako. "Ahm oo nga eh, pakiramdam ko mali nga." Hinubad ko ang pagkatali sa ikaapat na pagkakataon.
Lumingon siya kay Ms Sylvior at may sinabi. Hindi ko rinig dahil parang nagbubulungan lang sila. Ang close pa nila mag-usap ah. Umiling-iling si Ms Sylvior at tumango.
"Una na'ko," aniya at pagkatapos ay nalipat ang tingin sa akin. "Chrys."
"A-ah oo oo sige." Why nauutal Chrys? Umalis na siya. Nauna siguro sa dapat pupuntahan nila ni Edrian.
Nagulat ako nang biglang lumuhod si Edrian, kinuha ang tela at sinimulang ibalot sa paa kong medyo namamaga. The moment na naramdaman ko ang kamay niya sa paa ko ay parang gusto ko siyang sipain.
Nakakakiliti eh!
"Naku, ‘di mo na kailangan gawin ‘yan. Turuan mo nalang ako," sabi ko. Para kasing ‘di ko kinakaya ang presensya niya sa harap ko.
"It’s okay. We're med students and we're taught for this."
Oo nga naman pero napataas ang kilay ko.
"Ginusto mo ba talaga ang course mo?" tanong ko.
"Yes. Why ask?" aniya habang abala pa rin sa p*******i. Taray ha. Snob pa sa lahat ng snob.
"Para kasing napilitan ka lang. ‘Di rin naman kasi bagay sa'yo, hindi ka rin mukhang approachable," tuloy-tuloy kong sabi.
Tumayo na siya pagkatapos itali. "You're judging me, huh," sabi niya na diretso ang tingin sa akin.
Nakaka-concious ang tingin niya ah.
"Ah hindi naman. Nasasabi ko lang kung anong napansin ko," depensa ko.
"So, you are really judging me?"
"Hindi nga—"
"I'll go now." Pagputol niya sa sasabihin ko pagkatapos tingnan ang paa ko.
"Ay bastos din!" nasambit ko kaya napalingon din ang ibang narito sa akin. Pero siya diretso ang lakad, sumunod siya kung saan patungo si Ms. Sylvior kanina. Ano bang ginagawa nilang dalawa rito?
Hapon na at nag-aayusan na ang mga ka-team ko. Kakaalis lang din ni Johannce pagkatapos akong interviewhin. Pagkatapos ng ilang instructions mula kay Coach ay dismissed na rin kami. Inaalalayan ako ni Kyra sa paglalakad.
"Ay girl! What happened to you?" Salubong ni Mandy nang mapadaan kami sa building at siya'y kalalabas lang din.
"Nag-inarte. Nabastos ng maginoo eh," agad na sagot ni Kyra na ikinakunot ng noo ko.
"Hoy, pinagsasabi mo?"
"Nakita ko lang naman ang tali tali moment niyo ni Mr. Latwick, Edrian specifically."
"Paano mo nalamang si Edrian?" Ako nga litong-lito na kinilatis ko na't lahat-lahat.
"Unang-una hindi ka naman siguro matutulungan ng babyboo mo sa pagbalot diyan sa paa mo? Si Edrian pwede pa, dahil med student. Ikalawa, hindi naman nagkakasama si babyboo mo at Ms Sylvior. Ikatlo, dahil sa aura ni Edrian. Ikaapat, dahil maganda ako."
Napalayo naman ako sa kanya sa huli niyang sinabi.
"Uh, okay na sana eh."
"Woy! Fafa Clarence, help mo naman ang suitress mo. Napilayan dahil na-fall sa'yo," ani Mandy with matching paypay pa ng kamay.
Napatanga naman ako kay Mandy dahil sa pinagsasabi niya.
Ano raw? Suitress?
Napalingon naman kami ni Kyra at boom, kitang-kita ko ang matipid niyang ngiti.
"Ay tingin ko ayos kana," sabi ni Kyra at agad akong binitiwan kaya nama'y medyo na out balance ako.
"O-ooy!"
"Ay sorry hehe," aniya.
Walanjo! Wala akong paki sa pa-cute niyang sorry! Ang mahalaga ngayon agad akong hinawakan ni babyboo para ‘di tuluyang matumba! Ugh, party na this? Hawak hawak niya ako sa magkabilang braso! Napahawak din ako sa braso niya kasi medyo nakaliyad ako at ang lapit ng mukha namin!
Sheet! What to do? What to do?! ‘Yong puso ko nagpa-party sa loob, gusto na yatang kumawala!
Napatingin ako sa mata niya. Ba't ang ganda? Kahit may glasses, hindi iyon naging hadlang para pagpantasyahan ko. Brown lang din naman ang kulay pero bakit iba ang dating sa akin? Kasunod naman ang ilong niya, ang tangos huh. Matangos din naman ang ilong ko, pero lumilitaw lang talaga ‘yong pagkatangos niya kasi naka-glasses.
‘Yong labi, goshes. Mapapakagat labi ka nalang —
"Kyaa!" Nasira ang momentum naming dalawa or should I say pagpapantasya ko sa kanya dahil sa nakakarinding sigaw ni Mandy. Napaayos na rin ako ng tayo at inalalayan niya rin ako.
Ano bang date ngayon? Mukhang masyado akong pinagpala ah, minus this ankle injury. I'm really blessed today.
"Ah, nga pala Mandell. May meeting tayo tomorrow morning," sabi ni babyboo kay Mandy.
Inabangan ko ang reaction ni Mandy, we all know how he hates to be called Mandell.
"Okay, Mr. Pres," aniya at pinaikot pa ang mata at nag walk out. Pero nakakailang hakbang pa lamang siya nang lumingon siya ulit at gigil na gigil na umaktong may sasabunutan at saka nag final exit.
"Ahm?" Clueless si babyboo sa inasta ni Mandy.
But doncha worreh, Chrys is on the move.
"Ayaw niya kasing tinatawag siya ng real name niya. Sukang suka siya. 'Pag close nga kayo no’n baka nga sinabunutan ka na talaga pero syempre ‘di niya naman magawa," pagpapaliwanag ko.
Shems. Malay mo, dagdag points sa kanya ang matinong kausap.
"Tama nga…"
Ako naman ang nagtaka."Tama ang alin?" tanong ko.
"Tama ngang hindi kami close para tawagin ko siya sa nickname niya."
Napa "Ahh" nalang ako. As in prolonged ha. Hindi ako prepared sa pagkikita naming ito kaya wala akong baon.
"Anyway, what happened to your foot?" aniya’t tumingin sa paa ko.
"Yown…exit na'ko Chrys?" Napalingon ako kay Kyra, ay nandito pa pala 'to?
"H-ha?"
"Mauna na ako." At may plano na rin sanang mag walkathon.
"Teka!" Baka sabihin nito, nandito lang si Clarence eh deadma ko na siya. Well, sort of. Kasi naman eh. ‘Pag nasa paligid lang si Clarence, nawawala na ako sa sarili. Paano ba naman, hindi lang puso ko ang kinuha niya eh, isinama pati mind, body and soul. Walang tinira mga bregs!
"Bakit?"
"Hintayin mo'ko, kitang ‘di makapaglakad nang maayos eh," sabi ko.
"Kaya mo na 'yan, palagay ko nga ayos ka na eh. Kaya mo na ngang takbuhin pauwi ng bahay niyo." Base sa tono niya ‘di ko alam kung nagtatampo ba 'to o nang-aasar lang.
"Ky naman eh." Kung kaya ko lang magdabog nagawa ko na.
"Sige na kaya mo na ‘yan!" Sabay kindat at tumakbo.
Aba't!
"Ky!!" Habol ko pang sigaw pero no use dahil mukhang desidido na talaga siyang iwan ako. Shemay, paano ako maglalakad nito ngayon? Hindi na rin ako lumingon kay Clarence baka sabihin pang nanghihingi ako ng tulong, which is kailangan ko actually. Kundi paika-ika ako nitong maglalakad.
"Ah sige, una na ako ah," aniya at mabilis ding naglakad.
What? Automatic na napaangat ang tingin ko at hindi maiwasang manlaki ng mga mata ko.
Alam niyo ‘yong effect na parang nasa gag show ako tapos pagkagulat ko may shocking effect na WHAT?!
Talagang iniwan ako mga bregs! Ano ba kasi ipinunta niya rito? Wala man lang siyang sinabi sa akin —ay oo na pala, nag-remind siya kay Mandy. Tsk. Nasaan na ang Clarence na gentleman na kilala ko? Paki-remind nga ulit ako kung anong nagustuhan ko kay Clarence?
Major turn off 'yon ha.
Ah, baka naman sinadya para ma-turn off talaga ako at tigilan ko na siya? Hmp, pwes hindi! Kung malabong maging kami, mas malabong titigilan ko siya. Oo, ako na. Dapat pinapangaralan ako ng loyalty award eh. Ganito kasi ako magmahal eh, buong buo. Magmamahal ka nalang ba't mo pa titipirin diba?
PAGKAUWI ko ng bahay pakiramdam ko iniwan ako ng mundo. Chos! Pakiramdam ko talaga namaga lalo ang paa ko.
"Anak, anong nangyari sa paa mo?" Salubong ni Dad sa akin at inalalayan ako paupo sa sofa.
"Natapilok kanina sa basketball practice."
"Mas lalong namaga ha," aniya matapos tingnan.
Maya-maya lang ay lumabas si Mommy mula sa kusina at siyang pagdating ni kuya. Sinalubong din ako ng parehong tanong pero okay na rin naman at kailangan lang ipahinga. Bumalik si mommy sa kusina dahil may niluluto habang si Daddy at Kuya ay nasa harap ko at para akong criminal na iniimbestigahan.
Dapat daw kasi nagpasundo ako kay Kuya, kaya raw kasi lumala ang pamamaga dahil nilakad ko pa papuntang sakayan. Eh sa alam ko namang may trabaho pa si Kuya ayaw ko namang makaistorbo ano. Ang mas pinakanakakalokang part, bakit hindi raw ako nagpahatid sa kaibigan ko kuno na naghatid sa akin noong nakaraan. Eh sa ayon nga eh, nilayasan rin ako!
Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi pagkarating kong 'Who's that' ang salubong sa akin.
Sa una, sinabi kong nililigawan ko at nabingi ako ng pangmalakasang 'Ano?!' nila. Sinubukan ko lang naman baka suportahan nila ako sa pagkagusto ko kay Clarence pero base sa reaction nila parang hindi kaya agad kong binawi. Sinabi kong katropa ko. Oha, tropa raw. Hakhak.
Hay Clarence. Ano ba talaga? Sinadya mo ba talaga 'yon? Pero kahit na, hindi ko naman kailangan ng gentleman eh. I'm not a damsel in distress pabebely waiting for her knight in shining armor.
Dahil sa ngayon, ako ang nagiging knight. Nakikipaglaban at nakikibaka para mapasok ang puso ni Clarence.