Chapter 16

2077 Words
ILANG beses kong kinurap-kurap ang mata ko sa harap ni Latwick. Latwick nalang, hindi na ako sure kung si babyboo 'to eh. Tsaka ang aga rin, late comers pa naman si Babyboo.  Pero baka naman nag-adjust na? SC President na siya eh.  Nilapitan ko siya at naglakas loob na magtanong kahit na pakiramdam ko'y mas malakas pa ang kabog ng puso ko kaysa boses ko.  "Sagutin mo naman ako ng totoo oh? Naguguluhan na kasi ako," sabi ko at inilapat ang kamay sa bandang dibdib ko. Ang lakas talaga ng t***k ng puso ko at si babyboo lang naman ang nakakagawa nito. Hindi siya sumagot, parang naghihintay nga siya kung ano man ang itatanong ko. Unti-unti na ring nagsialisan ang mga estudyante kaya kakaunti nalang ang naiwan.  "Sino ka ba talaga?" lakas loob kong tanong. He pressed his lips. "I'm..." Kinakabahan man ako sa magiging sagot niya pero alam kong siya si Clarence. Kung siya si Edrian, alangan namang i-feel niya ang moment dito na napakalaking pangalan na ni Clarence ang nasa tarpaulin.  At… sigurado na ako, panira lang talaga ang Jang na ‘yon.  Alam ko ‘to, dahil may mga pagkakataong kahit hindi ko siya nakikita bigla na lamang bumibilis ang t***k ng puso ko at maya-maya'y dumaan siya sa gilid, sa harap o sa likod ko. My eyes may not be able to distinguish him, but my heart knows him. "Clarence," sagot niya na siyang naging dahilan ng pagbuga ng hininga ng mga nakapalibot. Ano 'yan? Kahit sila kinabahan?  Saan ba kasi ang Jang na 'yon? Pahamak masyado ah, reresbakan ko 'yon. Sa liit niyang 'yon, kayang-kaya ko siyang tirisin. Pwe!  Pero hindi ko pa rin mapigilang mapangiti dahil nandito siya ngayon sa harap ko, totally and certainly Clarence my babyboo. "So, what is this all about?" tanong niya at tiningnan ang pagkalaki-laking tarpaulin. "Uhm, congratulating you?" Hindi na ako sigurado sa mga sinasagot ko dahil kinikilig na naman ako. "Well, thanks. A very effortful way. I appreciate it so much. But I must say, you don't have to do this." Ugh. Why so formal? Me is not sanay. "Ah, hindi. Para 'yan lang. Ilang araw ko lang naman nilay-out ang tarpaulin na 'yan. Ilang oras ko lang naman pinagpuyatan ang paghahanap ng picture mo sa f*******: mo. Nakalimutan ko lang naman ang pa-welcome home party namin kay Dad dahil dito. Pero wala talaga 'yan." ‘Yan sana ang isasagot ko. Pero syempre, kailangang magpa good shot so hindi ko tinuloy. "Ay hindi wala 'yan," sabi kong ngiting-ngiti at may aktong pahampas-hampas pa ako sa kanya pero syempre hindi tumatama.  "Pero... anong sagot mo?" Biglang kumunot ang noo niya sa pagtataka. "Sagot saan?" Ay, ang dense naman nito.  "Hmm… dito," sagot ko at inilibot ang tingin sa paligid at tiningnan ang tarpaulin. In-emphasize ko pa sa harap niya ang hawak kong mikropono.  "Thank you?" sagot niya pero parang kahit siya'y naging alangan din. Para bang sinasabi niyang, 'Ano pala dapat ang isagot ko?' "Thank you?" Gano’n lang? Thank you?  "Ouch." Hinawakan ko pa ang dibdib para umaktong nasasaktan.  "Gusto mo bang ulitin ko ang kanta?" At nag-atubili akong ayusin ang mic. "Uh… no need. No need. It’s just that are you sure?" aniya. "Another ouch. Are you doubting my feelings?" "Aww. I'm sorry, I did not mean to offend you but —" "Wala ka namang girlfriend diba?" putol ko sa kanya. Sus, I know very well, wala. "Wala—" "Oh, ‘yon naman pala eh, wala namang magagalit. Single ako, single ka rin. Ayaw mo bang mag-mingle?" banat ko pa sabay kindat. Pampawala ng kaba! Ano ba?  "Ah… hindi ba ang pangit tingnan no’n?" "Pangit ng alin? Hayaan mo sila. Nakikitingin lang sila. Kung naiinggit sila, de gumaya sila," confident kong sabi. "No. What I mean is, babae ka. You should not do things like these." Napangiti naman ako sa sinabi niya.  "Ooy si Mr. Latwick," pang-asar ko pa.  "Iba na ngayon, kung hihintayin kita — ‘di ko nga alam kung may balak ka at mas lalong ‘di ko alam kung gusto mo ako. If you just let me, gusto kita eh. Paano ba ‘yan?" Abang na abang ako sa magiging sagot niya pero nakailang kurap na ako pero wala pa rin. Titig na titig lang siya sa akin, at nakakailang ‘yon! Para bang tinatantya niya kung seryoso at sigurado ba talaga ako sa ginagawa ko. "Uhm... Mr. Latwick?" Tila hinanap niya pa ang sarili bago sumagot sa akin.  "Uh... well..." He shrugged his shoulders. "Looks like it, so be it." Napameywang ako sa naging sagot niya. Tumaas naman ang kilay niya sa naging aksyon ko.  "Alam mo ‘di ko alam kung matutuwa o masasaktan ako sa reaksyon mo eh." "Bakit?" "Matutuwa dahil okay lang sa'yo — well wala ka namang magagawa dahil seryoso ako rito. O masasaktan dahil gano’n lang? Be it?" litanya ko sa kanya. "What do you want me to do?" "Wala! Stay still, mahalin mo lang ako. Okay na." Syet. Dapat siya ang kiligin sa banat ko eh, pero bakit bumabalik sa akin? Napailing na lamang siya ngunit hindi niya maitatago sa akin ang ngiting pumoporma sa kanyang labi. "Ooy." Napalingon ako kina Kyra, Mandy at sa iba pang tumulong na mga team ko sa basketball. "Ay nandyan pa pala kayo?" ‘Yong totoo, akala ko lumayas na sila. "Ayan, ganyan tayo Chrys eh no? Si Clarence lang nakaharap mo, chupi na kami?" "Sorry na, Ky. Love you!" sabi ko at nag-flying kiss pa. "Eww."  Ang arte.  "Una na'ko." Bigla naman akong nag-rattle sa sinabi ni babyboo. Aalis na siya? ‘Di pa nga ako nagsasawang tingnan siya ng malapitan at hindi pa'ko tapos kiligin. "Ah..." Mag-isip ka Chrys. Gashes, ano ba? "Mamaya!" Napalingon siya't napa-huh. "I mean, mamaya? Pagkatapos ng klase mo? Kain tayo?" Wala sa plano ko 'to eh.  "You're unbelievable. Are you asking me on a date?" aniya na parang hindi talaga naniniwala sa kaya kong gawin.  "Hintayin kita ah, mamaya." Hindi siya sumagot, bagkus tinalikuran. Medyo snob ha. Sige lang, Chrys. Marami pa at mas may malala pang mga mangyayari kaysa sa pagiging snob niya. Nilapitan ko si Mandy at… "Arouch!" Sinuntok ko siya. "Anong problema mo Chrystienne?!" sigaw niya habang hinihimas ang braso niyang sinuntok ko.  "Kinikilig ako eh," sabi ko sabay kagat-labi. Inulan na naman nila ako ng asar.  "Mands, parang ‘di ka pa nasanay. Kinikilig eh kaya nanununtok na naman," rinig kong sabi ni Kyra. Pasensya siya, walang ibang pwedeng suntukin. Puro sila babae, maliban sa kanya na puso lang ang babae.   PAGKAHAPON ay talagang hinintay ko siya sa labas ng kanilang building. Kaya ngayon sabay kaming patungo ng parking lot. Ugh. Shet. Kinikilig ako. Ay teka? Parking lot? Anong gagawin namin do’n? Wala akong sasakyan. "Ay teka, pasaan nga tayo ulit?" tanong ko. "Parking Lot." "Gagawin do’n?" "Doon kakain?" Ay, pilosopo rin. Babanatan ko sana siya pabalik nang marinig ko ang mahina niyang tawa. Wala na, lumambot na ang tuhod ko.  "May sasakyan kang dala?" tanong ko. "Hindi mo alam?" aniya na parang sinasabi bang kinulang yata ako sa stalking activity ko. Actually, alam kong mayroon. Eh sa ‘di ko alam kung anong mangyayari eh. Lakas ng loob kong magyaya, makikisakay lang pala? Eww, Chrys. ‘Di nalang ako sumagot. Bahala na kung pasasabayin niya ako. Malay ko bang anong sabay ‘yon diba?  Sabay na as in nakasakay? O ‘yong sabay na siya nakasakay at ako sumasabay na tumatakbo? Pinatunog niya ang sasakyan pagkarating namin sa parking lot. Hindi ko naman alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Alangan namang sasakay ako diba? Kasi naman eh, hindi siya nagsasalita. Kaya binagalan ko nalang ang paglalakad, ‘yong tipong nauuna na siya at nakasunod nalang ako. Ang magiging aksyon ko'y ibabase ko rin sa aksyon niya. Mag-isip ka Chrys. Eh kung ako nalang kaya magmaneho? Tama, ipagda-drive ko siya. Naku naman ang hirap palang manligaw? Sa susunod dadalhin ko na ‘yong nakatambay na sasakyan ni mommy sa garahe. Ang kaso nga lang, hindi naman ako papayagan ni Kuya. "Ms. Clarete?" Napabalik ako sa sarili nang marinig ko ang pagtawag niya.  "Ah… huh?" Pinailing niya ang ulo niya kaya lumipat ang tingin ko sa tinutukoy niya. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat. Tinuro ko ang sarili para makasiguradong ako ang papasukin niya. Malay ko bang gusto niyang magpa alalay at papasok siya't ako ang magmamaneho? Iminuwestra niya ang kamay niya papasok.  "Hop in." Ah eh. Talaga? Shemay, ba't ganyan siya? Wala na, naghuhurementado na naman ang puso ko. Mabilis naman ang hakbang ko hanggang sa nakaupo na ako, baka magbago pa ang isip eh. Isasara niya na sana ang pinto.  "Teka, sigurado ka? Gusto mo ako na magmaneho?" "Nah. It's okay," aniya at nag-jog palibot sa driver's seat. Teka, ba't ang cool niya roon? Ma-rewind nga. Nag-jog siya at parang biglang naging swabe ‘yong galaw niya at naging slow motion ang paggalaw niya. Nakikita ko pa ang pagtaas-baba ng mga hibla ng buhok niya. Syet. Ang gwapo! Kulang nalang yata maging hugis puso ang mata ko.  "Ms. Clarete?" Bigla nalang siyang nawala sa harap at mas ikinagulat kong ang lapit-lapit niya sa akin kaya nama'y napaatras ako nang bonggang-bongga. Nando’n pa siya sa labas kanina eh, nandito na pala siya sa tabi ko —naks, ang sarap namang pakinggan no’n. Nasa tabi ko siya, ugh! Hawak-hawak niya ang seatbelt ko. "Seatbelt ka." "A-ah oo." Atubili ko namang inayos ang seatbelt ko. "Pasensya na, hindi ko pinagda-drive 'to kahit kanino," sabi niya at pinaandar na ito. Ouch. Kahit kanino. So, wala ka pang puwang sa buhay niya Chrys.  "Ah okay lang ‘yon. Nakakahiya lang kasi, ako ang nagyaya." "It’s okay, ang pangit din namang tingnan kung ikaw nagmamaneho." "Anong pangit? Bakit? Nakakabawas ba ng pagkakalaki ‘yon?" tanong ko. Para may mapag-usapan na, baka ma awkward pa eh.  "Yes." "Hindi naman, masyado lang kayong egoistic." "Well, that is how a man should be. Just like girls, mayroon din kayong ugaling hindi niyo gustong naaangatan." "Oy, hindi ko ugali 'yan ah. Iba ako," agad kong sagot. I heard his soft chuckle.  Iba ‘yong impact ng mahinang tawa niya sa'kin, parang mga anghel na kumakanta ng Oh ringing bells. "Yeah. Iba ka nga." Ano raw? Compliment ba 'yon? Wala na eh, kinikilig na ako. Nag-usap lang kami ng nag-usap, syempre ako ang nakatoka sa pagbubukas ng topic. Hanggang sa dumating kami sa kainan.  Noong una hindi ko nga alam kung saan ko siya dadalhin. Hindi ko naman alam kung trip niya ang mga classic at bonggacious na restaurant o ‘yong sa gilid lang ng kalsadang mga kainan. Pero syempre, joke lang ‘yan. Ako pa ba? Hindi ako kinulang sa stalking activity ko no. Kanina, hindi na ako nakikinig sa discussion dahil abala na ako sa pagre-research ng magandang kainan. Sabi ko naman kanina, wala sa plano ang pag-aya ko pero lumabas na sa bibig ko kaya dapat panindigan. Alam kong paborito niya ang barbecue kaya kumain kami sa isang barbecue hauz. Ito ‘yong pinagkaabalahan kong i-search kanina. Libre ko na rin na pinagdebatehan pa namin dahil ayaw niyang nililibre siya. Eh di siya na mayaman. Ang sabi ko nalang bilang pag-congrats sa kanya ito, buti at pumayag pero ‘yon na daw ang una at magiging huli. Para siyang platform beam balance ng emosyon ko. This moment kaya niya ako pakiligin, next moment kaya niya akong saktan gamit lamang ang mga salitang diretsong nabibigkas ng labi niya. Ang lalim no’n ha. So back to ihawan, ang ganda ng nasearch kong kainan. Nasa bawat mesa mismo ang ihawan at ikaw mismo ang mag-iihaw,, parang samgyeupsal type. Oh diba? Self-service kung self- service. Ano nalang ang kwenta nga mga nagtatrabaho rito? Eh kami pa pinaiihaw?  Pero on the other hand, enjoy naman siya dahil nagkaroon kami ng dikit-kamay moment sa pag-iihaw. Oh diba, aarte pa ba ako? Trip na trip niya rin ang maanghang na siyang pinakaayaw ko. Tanggi nga ako ng tanggi dahil pinagpipilitan niya ‘yong isaw na sinawsaw niya sa maanghang na sauce pero hindi talaga ako kumain. Buti sana kung isusubo niya sa akin, aba! Kahit ilan pa! Bahala na kung kakapal ‘yong bibig ko. Pagkauwi'y hinatid niya pa ako sa bahay.  "Hayaan mo next time, magdadala na ako ng sasakyan at ako na ang maghahatid sa'yo," sabi ko habang bumababa. Bababa pa nga sana siya para pagbuksan ako pero wala na siyang nagawa noong binuksan ko na. Ayoko eh. Kikiligin na naman ako, baka masuntok ko pa si Mama sa loob. "No need," sagot niya.  I lean to the car window. "Anong no need? Dahil wala ng next time?" tanong ko't naglungkot-lungkutan. He just smiled "No need, I can manage." Umayos na ako ng tayo. "Sige, goodnight. Thanks for this day," I said with utmost sincerity.  "Goodnight." At pinaharurot ang kotse paalis. Napailing na lamang ako. Maginoo nga, pero minsan medyo bastos din eh. Nilalayasan ako, minsan ‘di ako sinasagot, magkikibit-balikat lang siya o ngingiti. Pasalamat siya, mahal ko ang ngiti niya kundi naku... 'pag ako nainis, nanghahalik ako eh. Papasok na ako sa loob ng bahay at ‘di ko pa rin maalis ang ngiti sa aking labi. Pagkabukas ko ng pinto'y... "Who's that?" sabay na tanong nina kuya at Dad. Si Kuya nasa hagdan at nakapamulsa habang si Daddy ay nakadekwatro sa couch. "Ah hehe, Hi Dad, Hi Kuya." Lagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD