HAWAK-HAWAK ko ang balikat at iniikot-ikot ang ulo pagkatapos makapagbihis ng damit dahil sa ngalay. Kakagaling ko lang sa 6-hours operation. Alas onse na ng gabi. Pagod at nakaramdam na rin ako ng antok. Pagkatapos maayos ang sarili, sumakay ako ng elevator at diretsong bumaba sa parking lot. Pinatunog ko ang kotse gamit ang susi nito na hawak ko. Bago ko pinaandar ang kotse ay binuksan ko muna ang cellphone, baka sakaling nag-text si Edrian pero wala. Napabuntong-hininga ako. Ano pa ba aasahan ko sa lalaking 'to, pakikiligin ako ng ilang araw, ilang linggo at magpapa-miss din ng ilang linggo. Walang konsiderasyon sa damdamin ko. Teka, ako lang ba nakaka-miss? Dalawang araw na ang lumipas mula noong sinorpresa ko siya sa Brooklyn Garden. Sa dalawang araw na iyan ay hindi ko siya nakita,

