VICTORIA'S POINT OF VIEW NAGLULUTO ako ng aming hapunan habang ang dalawang bata ay nakikipaglaro kay Prince. Rinig na rinig ko ang kanilang tawanan minsan at ang sarap sa pakiramdam niyon. Hays, ito na naman ako. Napailing-iling na lang ako saka itinuloy ang pagpapakulo sa hipon hanggang sa maubos na halos ang tubig nito. Hindi ko na pinatagal pa at baka masunog kaya inilipat ko na sa lagayan saka nilapag sa hapag kainan. Ito ang request ng kambal na ulam at may sawsawan daw na suka na. Kaya naman nagpitpit ako ng bawang at nilagay ito sa sukang nilagyan ko rin ng kaunting asin at maliit lang na siling labuyo. Nag-request naman si Prince ng pipino kanina kaya ginawan ko rin naman siya bago pa ako nagluto ng ulam. Mas masarap kasi kung nababad din ang pipino sa timpladong suka. Pagk
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


