CHAPTER 8

2083 Words
VICTORIA'S POINT OF VIEW Dahil medyo madulas-dulas ang daan at upuan ng bisikleta, ginawa namin ni Prince ay naglalakad na lamang habang hawak ang bike. “Ngayon na lang ulit ako nakaligo sa ulan,” ani ko at medyo tumawa. May nakaukit na masayang ngiti sa aking labi sapagkat ngayon ko na lamang ito muli naranasan. “Me too, kasi tuwing gusto ko maligo sa ulan ay hindi ako pinapayagan. Ikaw, bakit ngayon lang ulit?” sambit namab ni Prince. “Pareho lang tayo ng dahilan, hindi rin ako pinapayagan kasi baka magkasakit daw ako,” sagot ko sa kaniya. “Siya nga pala, ang usapan ay usapan Prinsipe. Huwag mo kalimutan ibigay sa akin ang isang box ng Chadleton Milk Chocolate favourite ko iyan,” saad ko pa at natawa rin siya sa akin. “Yes Ma'am Ria, wait, why are you calling me Prinsipe?” “Hmm, because your name is Prince.” “Yeah, yeah. Since malayo-layo pa ang lalakarin natin, let's get to know each other. Is it okay with you, Ria?” “Yep, ayos lang naman sa akin. Saan ba natin sisimulan ang getting to know each other natin?” sambit ko at nagpatuloy pa rin kami sa paglakad ngunit hindi naman kami nagmamadali. “Uhm . . .” Tiningnan ko siya na tila iniisip pa kung saan kami magsisimula. “Let's say, our hobbies or passion. I mean 'yong detailed kumbaga,” aniya. “Sige, jack en poy kung sino ang una?” tugon ko naman at kinuyom na ang kamay saka hinarap sa kaniya, palatandaang handa na ako. Ngumiti naman siya at ilang segundo lang ay nagsimula na kami mag jack en poy. Papel ang akin at gunting naman sa kaniya kaya siya ang mauuna. “At dahil ikaw ang nanalo sa jack en poy, ikaw ang mauuna Prinsipe. Kuwento ka na,” wika ko hindi pa inaalis ang tingin sa kaniya. “Alright, Ria. Hobby ko lang naman talaga ang makinig ng music mula bata pa ako. Hanggang sa sinubukan ko rin aralin ang paggamit ng gitara, si Uncle Ren pa ang nagturo sa akin. I think seven years old ako noong magsimulang matuto kung paano tugtugin ang gitara. Tapos doon na rin ako sumusubok ng iba pa tulad ng piano. Sabi nga ni dad, mukhang nakuha ko ang pagiging mahilig sa musika kay mom. Well, kung hindi mo itatanong sikat din kasing musician ang angkan ng pamilya ni mom at uncle Ren, magkapatid sila. Si Uncle naroon na sa London at kilala na bilang song lyrics writer. Hanggang sa pinasok ko na ang buhay bilang teenager from hobby to passion, nagsusulat din ako minsan ng kanta at may banda kami sa school ng mga kaibigan ko. Kaya lang hindi ako masyado magaling sa pagsusulat kaya mas naka-focus ako sa pag-awit at pagtugtog ng gitara. Sa college, balak ko ring kumuha ng kursong may kinalaman sa musika,” mahabang kuwento ni Prince at tiningnan niya rin ako habang naglalakad. Ang totoo niyan ay nanatili akong nakatitig sa kaniya habang nagsasalita siya. “Bukod sa musika, may iba ka pa bang nakahiligan?” “Hmm . . . music lang talaga halos. Pero may usapan din kami ni Dad na kukuha ako ng kursong may kinalaman sa business pagkatapos ko mag-aral sa kolehiyo kung kukunin ko ay may kinalaman sa music. Ako lang din kasi ang nag-iisang anak kaya balang araw sa akin din daw maipapamana ang mga ari-arian nila ni mom,” sagot niya sa akin at napatango-tango ako. Pagkalipas ng ilang segundo ay binalik ko na sa daan ang paningin. “Pareho rin pala tayo, I mean mahilig naman ako sa music. Nag-aral din ako ng pagtugtog ng iba't ibang instrumento, pero ang puso ko nasa pagsusulat talaga. Nagsimula lang naman din iyon noong teenager na ako halos, nahilig ako sa pagsulat ng tula hanggang sa naiisip ko na magsulat din talaga ng song lyrics. Hindi ko naman masasabing pro na ako. Alam kong marami pa akong dapat sigurong pag-aralan. Pero lahat din ng mga sinusulat kong song lyrics at ilang tula noon ay tinatago ko. Ayaw na ayaw ng parents ko na nakikita akong nagsusulat dahil dapat daw ang pagtuonan ko ng pansin ay pagbabasa ng librong may kinalaman sa business. Nakakatawa lang na lagi nila akong pinapagalitan noon pero karaniwang pala sa ginagawa nila ay mga ilegal din,” mahabang saad rin at nagpakawala ng malalim na hininga. “Well, pwede mo na rin kunin siguro ngayon ang kursong gusto mo kung iyon talaga ang nais mo. Siguradong susuportahan ka rin nina mom at dad kapag nalaman nila iyan. Syempre, support din kita,” ani niya kaya nakangiti ko ulit siyang nilingon. “Salamat, Prinsipe. Siya nga pala anong susunod nating pag-uusap—ahh!” Napahiyaw ako dahil hindi ko alam na may bato pala na papatid sa akin. Nabitiwan ko ang bike at si Prince naman ay mabilis ding binitiwan ang kaniya saka tumakbo palapit sa akin. Ngunit narinig ko ang medyo pag-slide ng paa niya palatandaan na madulas din talaga ang daan. Pero kahit na ganoon sinubukan niya pa rin akong saluhin nang patumba na ako subalit hindi pa rin naging matagumpay. Napahiga kami sa daanan at hindi ako nakagalaw agad. Parang namanhid din ang p*******t ng paa ko noong maramdamang lumapat ang labi niya sa kaliwang pisngi ko. Nakakapit din ako sa magkabilaang balikat niya saka napahigpit iyon. “A-Are you okay?” tanong niya na nautal pa. Bumilis ang t***k ng puso ko at lumalalim ang paghinga. “Hmm, m-masakit lang paa ko,” tugon ko at nagtagpo muli ang paningin namin sa isa't isa saka paulit-ulit akong napalunok. “Ikaw, ayos ka lang din ba?” tanong ko at mahina lang din ang boses. Kanina ay mahigpit niyang niyapos ako sa baywang subalit dahil medyo nadulas siya, imbis pasubsob ang bagsak namin, ang nangyari ay pahiga. Doon na ako biglang napaibabaw rin sa kaniya at dumikit ang labi sa aking pisngi. Hindi ko na alam paano nangyari iyon basta ang alam ko kapwa ay nataranta kami siguro. “I'm okay too,” sagot niya. Ako naman ay dahan-dahang umayos, naupo ako sa daan at ganoon din siya. Sabay naming tiningnan ang bisikletang parehong nabitiwan namin at mahinang natawa na lamang. “We better hurry now, kaya mo ba? Iwanan na lang muna natin ang bike dito at balikan na lang. Buhatin na lang kita at baka nasugatan din ang paa mo. Hindi ka kasi tumitingin sa daanan eh,” sambit niya pa. “Sa'yo lang naman ako nakatingin eh,” mahinang bulong ko sa sarili. “W-What did you say?” Patay! Narinig niya pa rin ba? “Wala, ang sabi ko salamat. Salamat at sinubukan mo akong saluhin kanina,” wika ko at ngumiti. Dahan-dahan din akong tumayo at siya naman ay tiningnan ang paa ko at napaigtad ako sabay ngiwi nang marahan niya itong hawakan. Mahina pa lang iyon pero masakit pa rin. “That's it, baka mahirapan ka maglakad at medyo malayo pa tayo sa mansion. Piggy back na lang kita.” “Kaya ko naman, Prinsipe. Huwag kang mag-alala, mamaya mawawala na rin ang sakit nito. Isa pa, hindi naman pwedeng iwanan na lang natin dito itong bike pagkatapos gamitin,” sabi ko at sinubukan maglakad ngunit paika-ika pa ako dahil presko pa ang sakit sa paa. Sinubukan ko itayo ang bisikletang hawak ko kanina pero agad iyon inagaw ni Prince at tinabi maging ang kaniya. “Huwag na makulit, Ria. Lumalamig na rin at hindi rin mawawala ang mga bisikleta riyan. Puwedeng-puwede balikan iyan mamaya o bukas kaya halika na. Baka nag-aalala na rin sila sa atin ngayon,” saad niya at napabuga na lang ako ng hininga at sumunod nga kay Prince. PAGKARATING pa lamang namin sa tapat ng mansion ay bumungad na sa amin ang nag-aalalang sila Tiya Christine. “Susmiyo! Basang-basa na kayo ng ulan, baka magkasakit kayo niyan! Ito ang tuwalya,” wika ni Tiya at kinuha naman namin ang tuwalyang inabot nila. “Mang Carlos, ipasuyo na lang po sana namin mamaya o bukas ang bike na iniwan namin kanina sa may daan papunta sa maisan,” sambit ni Prince habang nagpupunas ng mukha. “Sige ho, Sir Prince. Maligo na muna po kayo at magpalit, baka magkasakit pa kayo ni Victoria,” tugon ni Mang Carlos. “Bakit namumula ang bandang paa mo Victoria at pasan-pasan ka ni Sir Prince kanina, anong nangyari?” tanong naman ni Tiya kaya biglang nagkatinginan kami ni Prince bago bumaling muli sa tiyahin ko. “Uhm, k-kasi po napatid po ako kanina sa medyo malaking bato na may kataliman din po. Kaya po naisip kanina ni Prince na iwanan na muna namin ang bisikleta at balikan na lang kapag tumila na po ang ulan. Saka pasan niya po ako dahil po m-masakit pa ang paa ko at paika-ika pa ako maglakad. Huwag po kayong mag-alala dahil nagiging okay na rin po ang paa ko. Hindi na masyadong masakit katulad kanina,” sagot ko na nauutal, isabay pa ang kabang nararamdaman ko. “Mag-iingat ka susunod, Victoria. Salamat din pala Sir Prince sa pagpasan sa pamangkin ko. Oh siya, maligo na muna kayong dalawa.” ANG BANYO rito sa baba ng mansion ang ginamit namin ni Prince. Dahil dalawa naman ito ay wala naman kaming naging problema. Si Tiya Christine ay ikukuha na lamang din daw ako ng maisusuot habang si Prince siguro tutungo sa silid niya. Dahil nilalamig na rin ako, mabilis lamang akong naligo at saktong kumatok na rin si tiya para iabot ang damit ko. Isa itong blusa na mainit sa pakiramdam, kulay light blue ito. Ang pambaba ko naman ay isang pajama na kulay itim at may kakapalan din ang tela. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako sa banyo. Saktong pagliko ko ng daan ay bungad na ang hagdanan kung saan bumababa na si Prince habang inaayos ang basang buhok. Nakasuot na rin ito ng white longsleeve na pinarisan ng pajamang dark brown. “Prinsipe.” Kaagad naman siyang lumingon sa akin at biglang ngumiti habang nagmamadaling lumapit. “Hey, Ria. Kumusta na ang paa mo? Umaayos na ba kahit paano?” tanong niya naman at iniwas ko na agad ang ulo ko nang maramdamang guguluhin niya ang aking buhok. “Ayos na kahit paano, hindi na katulad kaninang sobrang sakit. Salamat ulit sa kanina,” sagot ko sa kaniya at sabay na kaming naglalakad papasok sa kusina. Pinaupo kami agad ni Tiya pagkapasok saka binigyan kami ng mainit na kape para raw mabawasan ang lamig na nararamdaman namin. Hindi na rin kami nakatanggi dahil nilalamig pa rin nga kami, isa pa ay masarap din tumimpla ng kape si Tiya. “Ate Christine, tumawag na po ba sina mom at dad? Bukas na ba sila makakauwi kasi malakas ngayon ang ulan?” “Oho, Sir Prince. Kanina bago kayo dumating ni Victoria ay tumawag ang mommy mo. Bukas na raw ng tanghali siguro ang dating nila. Sa ngayon mag-stay muna raw sila sa opisina nila at maraming inaasikasong paperworks,” sagot ni tiya. “Salamat po, Ate Christine,” tugon ni Prince. LUMIPAS ang isa't kalahating oras ay nagsimula na kaming magsalo-salo sa hapag kainan. Matapos din naming kumain ng hapunan ay tumulong na lang ulit ako sa pagliligpit. Katulad lang din kanina ay hindi pa rin sila pumayag na tumulong ako sa paghuhugas. Kaya ito ako ngayon naglalakad kasabay si Prince na patungo rin sa silid niya tulad ko. “Goodnight, Ria.” “Goodnight din, Prinsipe.” Papasok na sana ako sa kuwarto ko noong magsalita muli si Prince. “Ria, kailan mo gusto makuha ang one box of chocolate mo?” Kaagad ko siyang nilingon dahil sa kaniyang tanong. “Bukas,” sagot ko. “Copy.” Napanganga naman ako sa kaniyang sagot. Sasabihin ko pa sanang biro lang subalit nagpaalam na agad siyang matutulog na at nauna na ring pumasok sa silid. Dali-dali naman akong lumapit sa pintuan ng tulugan niya saka malakas na nagsalita. “Prinsipe, biro lang iyon. Ang due date ko next week, goodnight prinsipe!” Natawa na lang ako sa tinuran ko at pumasok na rin sa aking silid upang magpahinga na. Kung puwede lang ganito na lang araw-araw kasaya eh, kaso alam kong hindi mangyayari iyon kahit kailan. Tama, hinding-hindi mangyayari. Walang permanente, panandalian lang itong kasiyahan ko. Pero kahit panandalian susulitin ko na at hindi ko kalilimutan dahil minsan lang din ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD