CHAPTER 7

2522 Words
VICTORIA'S POINT OF VIEW “Gusto mo bang mamasyal-masyal mamayang hapon dito sa hacienda? O kaya mamaya kapag papalubog na ang araw balik tayo sa labas. Well, if you're fun of sunsets, come with me?” saad niya pagkatapos ayusin ang bisikleta niya pagkarating namin sa loob ng hacienda. “Sige, sasama ako mamaya sa iyo. Salamat sa paanyaya,” tugon ko sa kaniya at ngumiti. Mukhang may sasabihin pa sana siya ngunit narinig na namin ang pagtawag ni Tiya Christine. “Ate Christine.” “Tiya.” Sabay naming ani ni Prince pagkatapos lumingon. “Nandito na pala kayong dalawa. Kung lalabas o maglilibot kayong muli kumain muna kayo Victoria at Sir Prince. Magpahinga muna kayong dalawa at tatawagin na lang namin kayo kapag handa na ang pananghalian,” sabi ni Tiya sa amin. “Sige po.” Sabay muli naming sagot. Pagkatapos ay nagpaalam na si Tiya na babalik na sa loob, lumabas lang daw siya sapagkat na-inform ni Kuya Darwin na pumasok na kami sa hacienda. Muling nagkatinginan kaming dalawa saka naisipang tanungin si Prince. “Anong oras tayo maglilibot?” “Hmm . . . Four, then five lumabas ulit tayo. Mas ayos kung ganiyang oras,” sagot niya. “Sige, pumasok na muna tayo. Balak ko rin tulungan sila Tiya kahit paano sa paghahanda ng lunch. Sa kusina lang ako,” ani ko at nauna na maglakad papasok sa mansion. Naramdaman kong sumunod din siya sa akin at ngayon ay magkatabi na kaming naglalakad. “Sa kusina ka rin ba didiretso?” “Yep. Nauuhaw na rin kasi ako. Iyong chocolate mo pala, nailagay mo na ba sa refrigerator? Baka matunaw naman iyon masyado,” saad niya at napanganga naman ako dahil sa tanong nito. “Hala! Mabuti na lang napaalala mo sa akin! Hindi ko pa nga pala nailagay sa refrigerator iyon . . .” Mahina naman siyang natawa sa inakto ko. “Kunin mo na sa kuwarto mo at ilagay sa ref para hindi mo tunaw na kainin iyon,” simpleng sabi niya sabay medyo ginulo ang aking buhok. Kumaway ito habang nakatalikod sa akin at naglalakad na patungong kusina. Ako naman ay napagdesisyonang pumunta na sa silid ko para makuha na ang tsokolate. Nawala na naman sa isip ko na ipapalagay ko pala iyon sa ref. Medyo hiningal pa ako noong umakyat sa hagdanan at mabilis na tinungo ang tulugan. Pagkatapos kunin sa ibabaw ng bedside table ang tsokolate ay mabilis din akong bumaba at dumiretso na nga sa kusina. Doon ko naabutan si Prince na medyo ginulo-gulo ang buhok habang nakasandal sa ref. Hawak niya rin ang isang basong tubig na dahan-dahan niyang ininom siguro dahil sa lamig na rin niyon. Bakit ang hot tingnan ni Prince kapag ganiyan? Oh my God, bakit ba ganito naiisip ko?! Kumalma ka Victoria! Huminga ako nang malalim bago lumakad palapit sa kaniya. Saktong tapos na rin siyang uminom at napansin din ako kaya umalis sa pagkakasandal sa ref. Sunod ay pinagbuksan niya na ako at nilagay sa freezer ang tsokolate. “There, ayos na ang chocolate mo. Uminom ka na rin ng tubig, siguradong nauuhaw ka na rin,” ani nito sabay abot ng pitsel na mabilis ko namang tinanggap. “Salamat, Prince,” tugon ko at mabilis na uminom pagkakuha ng basong inabot naman ni Tiya Christine. Hindi rin nakaligtas sa akin ang makahulugang tingin niya sa amin kani-kanina kaya napailing-iling na lang ako. Matapos ay ako na nagbalik ng pitsel sa ref saka tumulong kila Tiya na asikasuhin ang hapag kainan. LUMIPAS na ang isang oras, nakakain na rin kami at ngayon ay nililigpit na muli ang mga pinagkainan. Nais ko pa sanang tumulong sa paghuhugas ngunit sinabi ni Tiya na magpahinga na lamang daw ako o tumambay muna sa may garden. Namilit akong tumulong pero ganoon din ang sabi ng iba na magpahinga na lamang daw ako dahil nalaman nilang niyayaya ako ni Prince mamayang hapon maglibot. “Kaya na namin ito hija. Saka enjoy mo lang muna rito habang wala pang pasukan. Siguradong kailangan mo rin ng maraming energy mamaya pag naglibot kayo sa hacienda sa sobrang lawak din dito,” ani ni Ate Oli. “Sige na nga po, salamat po,” tugon ko na napipilitan at ayaw talaga nilang paawat. Ilang minuto rin yata ang pag-uusap-usap namin sa kusina. Nagpaalam na rin ako kay Tiya na aakyat lamang ako sa kuwarto ko bago tinungo ang hagdanan. Habang naglalakad paakyat ay humikab ako saka medyo masakit ang aking ulo. Siguro dahil na rin sa kulang ako ng tulog kaya nagpatuloy ako hanggang makarating sa loob ng silid. Nag-toothbrush lamang ako at matapos ay mabilis na humiga sa malambot na kama saka ipinikit ang mga mata. “Makatulog na nga, magigising naman siguro ako bago mag-four, malapit pa lang naman mag-ala una,” bulong ko sa sarili, doon na rin ako sinimulang lamunin ng kaantukan. KARARATING ko lamang sa mansion niyon at mabilis akong pumasok matapos lumabas sa kotse. Mabilis akong naglalakad paakyat sa hagdan at nakasalubong ko rin si Manang Julie na may pag-aalalang tumingin sa akin. Sa ekspresyon pa lamang ng mukha ni Manang ay tila may nangyayaring hindi maganda, kaya naman nawala agad ang malawak kong ngiti. “Manang Julie, b-bakit po? May problema po ba?” tanong ko at ang lakas ng t***k ng puso ko. “Ang mommy at d-daddy mo, narito sila 'nak at uhm . . .” “Ano po, Manang Julie? Nasaan po sila? Nasa bedroom or office po ba nila? Nag-aaway po ba s-sila ulit?” sunod-sunod kong tanong at huminga ng malalim. Napapansin ko na araw-araw na yatang nag-aaway ang mga magulang ko. Kahit saan man kami nag-aaway sila, nasa hapag kainan man, papunta sa trabaho, pagkauwi galing trabaho, minsan kapag kakausapin ko rin sana sila sa bedroom o office nagtatalo pa rin. “O-Oo 'nak, hindi ko maintindihan pero mukhang tungkol sa business? Parang iyon ang naririnig ko sa kanila minsan,” sagot ni manang at mabilis akong tumakbo paakyat sa hagdan. Tinatawag pa ako ni Manang Julie subalit hindi na ako lumingon pa. Mabilis kong tinahak ang daan papuntang kuwarto nila, pero lalagpas pa lang sana ako sa opisina na katabi ng kanilang silid, narinig ko na ang nagtatalo kong magulang. “I told you na mag-ingat ka pa lalo! Alam mo naman na mapanganib itong pinasok nating negosyo! Kasalanan mo talaga kung bakit nangyayari ito ngayon sa atin!” wika ni mom at palagi ko itong naririnig sa kaniya halos buwan na rin. Akala ko magkakaayos sila agad pero mukhang may kailangan na akong gawin. Seryosong problema na ito! “Jenjang (s**t)! Ako pa talaga may kasalanan ngayon? Wow! ikaw nga ang may pakana nito. Sobrang tiwala mo kasi sa mga iyon, ano ngayon? Ito na ang nangyayari! Huwag mo akong masisisi rito ah? Aish! Yeosmeog-eo (f**k)!” Bumilis lalo ang t***k ng puso ko dahil sa kaba at takot at hindi makapaniwala na nangyayari ang naririnig ko. Nanginginig din ako saka nanlalamig at paulit-ulit na huminga ng malalim. “Anong ako? Sino nga ba ang nagpapasok doon sa isang pinaghihinalaan nating may pakana ng lahat? Ha?! Sabihin mo nga, 'di ba ikaw?!” “Yes, but only one! How about you, huh? Most of the suspicious—” Naputol ang pagsagot ni dad kay mom nang may tumawag bigla. Rinig ang ring ng telepono rito. “What?! Okay, okay, we'll get ready, I have to hang up now and we'll leave before it's too late!” Dinig ko pang sambit ni dad at tila natataranta na ito. “Sino iyon? Anong sabi? Ba—” “We need to leave right now, Victorina! Pack your things, especially the money! We need to go to our hideout right now!” “But how about our daughter? Hindi natin dapat iwanan si Victoria—” “Better to leave her! We'll leave enough money for her. For now, it's better we leave without her because the police might suspect our daughter too even though she has no idea what's going on!” “Okay, I get it. Baka madamay ang anak natin kahit wala siyang kinalaman dito. Aayusin ko na ang lahat! Bilisan na natin!” tugon ni mom na tila nagmamadali. Hindi nag-si-sink in sa isip ko ang lahat. Napapatanong ako sa sarili ko bakit magsususpetsa ang mga pulis? Anong nangyayari? Anong baka madamay ako kahit walang kinalaman at wala talagang ideyang pumapasok sa isip ko! Ano rin ang hideout, may hideout k-kami?! Saktong pagbuksan ng pinto ng opisina ay nagulat ang mga magulang ko nang makita ako. “Victoria.” Sabay pang sabi nila at sumunod na lamang ay narinig ko ang mga yabag na sunod-sunod at paglingon ko ay mga pulis iyon. Maging ang siren ng kanilang sasakyan ang dinig, panigurado na agaw eksena rin iyon sa ibang malalapit na mansion sa amin. May warrant of arrest sila sa aking magulang at mabilis silang naposasan. Paulit-ulit na tinatawag nina mom at dad ang pangalan ko at hindi inaalis ang paningin sa akin habang naglalakad na sila pababa ng hagdanan. Bantay na bantay din sila ng mga pulisya at pagtingin ko sa baba ay takot na takot din ang ibang tao roon at magkakayakap sa isang tabi. Habang ako ay nakatayo na lamang sa tuktok ng hagdan at hindi pa rin maiproseso sa sarili ang nasaksihan at narinig ko ngayong araw. Nanginginig ako at hindi matanggap ang narinig na ang kaso ng mga magulang ko ay dahil sa mga ilegal nitong negosyo o gawaing ilang taon na pala nilang ginagawa. Hindi ko akalain na ang mga nakilala kong businessman at businesswoman ay pareho nilang nagbebenta ng ilegal na droga, mga armas tulad ng baril, p**********n at magnanakaw ng mga importanteng mga bagay o dokumento sa ibang kilalang tao kapalit ng malaking halaga ng pera. TILA NALULUNOD ako noong magising. Hinahabol ko ang aking hininga at tinapik-tapik ang bandang dibdib. Pinagpapawisan, nanginginig at nanlalamig muli ako. Parang naririnig ko pa ang tunog ng mga sasakyan ng pulis noong pumunta sila sa bahay upang hulihin ang mga magulang ko. “Kalma, kumalma ka Victoria,” bulong ko sa sarili at ramdam ko ang tagal bago ako makahinga ng maayos muli. Nabawasan ang panlalamig at panginginig ko saka hindi na rin ako pinagpapawisan masyado. Pinikit ko ang aking mga mata at paulit-ulit muling humugot at nagpapakawala ng malalim na hininga. Pagdilat ko naman ay nanlaki ang mga mata ko noong makitang mag-four na ng hapon, tatlong minuto na lamang! Kaya mabilis akong kumilos sa pag-aayos ng aking higaan at ng sarili. Naisipan ko rin magpalit ng damit pantaas dahil namawis talaga ako kanina. Simpleng army green na sleeveless blouse ang sinuot ko pantaas. Hindi ko na rin na-tack in dahil hindi naman ito sobrang haba tulad ng baby pink shirt ko kanina. Matapos mag-ayos ng sarili ay patakbo akong bumaba ng hagdan at lumapit kay Tiya na papasok sa front door ng mansion. “Tiya, nakita mo po si Prince?” “Nakakagulat kang bata ka, susko! Kung si Prince ang hinahanap mo, pamangkin ko, nariyan lang siya at kalalabas lang. Sabi ay ihahanda lang daw ang bisikletang gagamitin ninyo,” sambit ni Tiya Christine. “Thank you, po labas na po ako Tiya. Pasensya na po pala kung nagulat ko kayo,” tugon ko at patakbo ring lumabas at nakita ko nga siyang hinahanda ang bike namin. Naramdaman niya yata ako at kaagad siyang lumingon. “Uhm, pasensya na k-kung ngayon lang nakababa. Nakatulog kasi ako kanina eh, mabuti na lang nagising ako bago mag-four.” “Ayos lang, alam kong nakatulog ka kanina. Napansin ko lang kasi noong papunta rin sana ako sa silid ko na medyo may awang ang pinto ng kuwarto mo. Nasilip ko ikaw na tulog kaya sinarado ko na lang din agad,” saad niya at nakaramdam ako ng hiya bigla. Hindi ko pala naisara nang maayos ang pinto kanina? Sana naman hindi ako nakanganga noong nakita niya ako, nakakahiya! Buti na lang 'di naman din ako tulo laway niyon. “Hey, ang lalim yata ng iniisip mo.” Natauhan naman ako at inayos ang sarili sa harapan niya. “Pasensya na, uhm tulungan na kita riyan,” ani ko at lumapit sa kaniya. “Ayos na, itong kulay puti sa'yo, itong itim ang sa akin. Halika na?” “Sige, salamat. Tara na.” Nauna siyang sumakay sa bisikleta niya at ako naman sumunod na. Magkapantay lamang ang takbo ng bisikleta namin at dinaanan nga namin ang malaking swimming pool nila at sumunod ay tinungo muna namin ang puno naman ng santol at langka. Hindi pa kami nagtatagal roon ay napansin naming dumidilim bigla ang kalangitan, tanda na baka umulan anumang sandali. “Prince, tuloy pa ba tayo sa labas ng hacienda at maglibot? Parang uulan kasi eh?” “Hmm, mukhang mamaya pa naman iyan, daanan lang natin ang taniman ng mais? Maganda rin ang view roon ng araw kapag ganitong oras na,” sagot nito at napansin kong mukhang mahilig siya sa sunrise at lalo na sunsets kaya lihim akong napangiti sa 'di malamang dahilan. ILANG MINUTO lang ay nagdesisyon na kaming tumungo sa may taniman ng mais nila. Malayo rin halos ang pwesto niyon sa mga nakapalibot ng halaman at puno rito sa mansion. “Hey!” Kaagad ko naman siyang nilingon na may pagtataka. Saglit lamang iyon at patuloy pa ring pumedal. “What?” “Wanna play?” “Ha? Why? Okay, anong gusto mo?” tanong ko sa kaniya at medyo may kalayuan pa kami pero natatanaw ko na ang mga tanim na mais. “Paunahan tayong makarating doon, kung sino ang mauuna, siya ang kakain ng 80 percent ng chocolate na dala mo. Deal?” Napanganga naman ako sa kaniya at napatigil saglit kaya tumigil din siya. “Ayoko nga! Favourite ko ang chocolate na iyon!” “Kapag nanalo ka, bibilhan pa kita ng isang box niyon pero kapag natalo ka akin na ang 80 percent ng tsokolate mo. Ibig sabihin mas marami ang makakain ko at mas kaunti sa iyo,” aniya at ngumisi pa. Isang box niyon ibibili sa akin? Mukhang gusto talaga ako nito subukan ngayon ah? Tatanggapin ko ba o hindi? Hindi ko kayang matalo, isa lang naman ang chocolate ko! Hingang malalim Victoria! Pero sigurado naman akong kaya ko siyang labanan, hindi ako magpapatalo sayang din ng premyo kapag natalo ko siya, tama! “Okay, deal!” “Nice!” tugon niya at ngumiti na nagbigay na naman 'di maipaliwanag na pakiramdam sa 'kin. HANGGANG sa bumilang na nga kami ng lima at nagsimulang pumedal at nag-unahang makapunta sa taniman ng mais. Nangangalay na ako subalit hindi ako tumigil hanggang sa mauna na ako kay Prince kaya ako ang nanalo. “Congratulations, you have won a box of your favourite chocolate!” wika ni Prince at pumalakpak pa. Natawa naman ako at medyo pabiro pang nagpasalamat. Ngunit natigilan din kami noong bigla na lang bumuhos ang ulan. Tinawanan na lang din namin iyon at matagal na nagpahinga habang nakatingin sa mga mais bago naisipang bumalik na lang sa mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD