VICTORIA'S POINT OF VIEW Palapit nang palapit ang foundation day at patuloy pa rin akong kinakabahan. Hindi mawala sa isipan ko ang gig namin sa JLP Restaurant. Huminga ako nang malalim at saka nagbasa-basa na lang ng nobelang isinulat muli ng ama ni Novheille. Pareho lang kami ni Loave ng ginagawa ngayon habang ang apat ay abala sa pag-uusap. Dalawang magkasunod na subject ang bakante namin sapagkat wala ang guro. Ang isa ay mayroong meeting at ang huli ay absent. Ngunit mukhang may iniwang ipapasulat daw ayon sa narinig namin sa kabilang seksyon. “Victoria, may nabasa ako kanina sa dyaryo. Latest news lang na may pa-contest din ang Sing Beretan. Song lyrics naman iyon. 'Di ba nagsusulat ka, try mo kaya? Bukas ibigay ko sa'yo ang dyaryo para makita mo pa ang maraming detalye,” ani n

