VICTORIA'S POINT OF VIEW “Hoy! Hindi ka ba talaga pupunta?!” tanong ni Loave at dinig ko na ang ingay sa paligid niya. “Hindi talaga eh, p-pasensya na. Dito na lang muna ako sa bahay at sisimulan ko na ang paggawa ng song lyrics. Nasabi ko na rin ito kay Prince eh, pasensya na talaga. Pahiram na lang ng videotape mo siguro bukas kung okay na 'pag pasukan ulit,” sagot ko sa kaniya. “Nakakatampo ka na, akala ko pupunta ka eh. . . sige-sige na. Bye, Victoria! Baba ko na ang tawag, malapit na raw ang Eternal Band! I think this will be my best foundation day experience ever!” “Huwag ka na magtampo, siguradong mawawala iyan kapag nakita mo na si Novheille,” sagot ko at natawa na lang ako sa tili niyang parang iniipit ang boses. “Oo na, oo na, ikaw talaga. Ba-bye na ulit, bes Victoria.” “Si

