VICTORIA'S POINT OF VIEW Kasisimula ko pa lamang ay napahiyaw na ang mga naroon at kalaunan ay tumahimik din upang mapakinggan nang maayos ang awitin. Patungkol sa pag-ibig ang kakantahin ko na may pamagat na Aaminin Ba? Isang awit na naguguluhan ang isang tao kung ano ang dapat gawin niya. Malungkot na nakatanaw sa buwan Narito't nakaupo sa tapat ng bintana Iniisip kung ano ang nararapat gawin Paano kaya, paano kaya aamin? Ang alaala nang makita ka May kasama kang iba Siya ba ay iyong kaibigan lang, o kasintahan mo? Dinarama ko ang inaawit ko upang maging maganda rin ang kalabasan nito at magustuhan ng mga tao. Matagal na, matagal na Ang puso ko'y tumitibok para sa'yo Sa nasaksihan ko Ngayo'y 'di alam kung aamin pa Tumingin ako saglit sa audience bago binaling muli sa pi

