VICTORIA'S POINT OF VIEW Suspended ulit ang pasok dahil sa paparating na bagyo sa ilang probinsya. Dadaan din ito sa amin kaya naman wala munang klase para maging ligtas ang lahat at makapaghanda sa parating na sakuna. Naiba rin nga ang schedule ng gig namin sa bagong bukas na restaurant nitong nakaraan. Posible ring mabago muli, depende rin sapagkat 'di pa masabi ang mangyayari dahil sa bagyo. Sana lamang ay hindi masyadong marami ang mapinsala. Ang lakas na ng patak ng ulan at mahina na rin ang signal. Mabuti na lamang kanina ay nakausap ko pa ulit sina Manang Julie at Mang Isco. Masaya akong malaman na nagkaroon din sila ng trabahong may mataas na kita. Nagkumustahan lang din kami saka pinag-iingat kami rito dahil sa bagyo. Pagkatapos ay napilitan kaming ibaba na ang tawag sapagkat n

