CHAPTER 5

1839 Words
VICTORIA'S POINT OF VIEW Hindi alarm clock ang gumising sa akin kinaumagahan katulad ng aking nakasanayan noong nagpapakasaya ako sa mayamang buhay namin, kundi ang mga tilaok ng manok. Dahan-dahan akong naupo saka nag-inat-inat ng braso. Medyo masakit ang ulo ko dahil sa kulang na rin sa tulog, mag-ala sais pa lang din kasi ng umaga. Dahil may bahaging glass wall ang silid ko at natatabunan lang ito ng mahaba at makapal na puting kurtina, mabilis akong lumapit doon at tinabing ito. Napanganga pa rin ako sa ganda ng mga halaman at punong bumungad sa akin. Sobrang presko sa paningin at siguradong masarap din sa pakiramdam tumambay doon kahit minsan. “Sobrang ganda talaga rito,” ani ko na mahinahon ngunit puno ng paghanga. PAGKATAPOS namnamin ang kagandahan ng paligid ay mabilis kong inayos ang kinahihigaan. Sunod ay kumuha ng masusuot at isang tuwalya saka pumasok sa banyo na sobrang lawak din. Mayroong timba at tabo sa banyo, mayroon ding shower at saka bathub at maraming sabon at shampoo at may extra towels din. Dahil na-miss ko rin kahit paano ang pakiramdam na mag-shower ay iyon ginawa ko. Habang bumubuhos ang tubig mula ulo hanggang paa ko at nakapikit ang mata, naaalala ko bigla ang ginawa namin ni Prince kaning madaling araw. “Bakit ba hindi siya mawala sa isip ko? Medyo lumala yata ang pag-iisip ko sa kaniya dahil sa ginawa namin kanina. Pero kahanga-hanga rin talaga ang pag-awit niya at kakaiba sa pakiramdam kapag napapanood ko siyang umaawit at tumutugtog,” wika ko at napangiti bigla. Natutulala yata ako halos kapag naaalala ko kung gaano kalapit ko siyang napapanood na umawit at tumugtog ng instrumento. Hindi ko naman maitatangging gwapo siya, totoo naman talaga iyon. Pero may something talaga na nagpapabilis ng t***k ng puso ko kapag nakikita ko siya malayo man o malapitan. Napailing-iling na lamang ako at binilisan ang pagligo saka mabilis na nagbihis sa banyo. Matapos ay inayusan ang sarili at humarap sa salamin. “Baka nagkaka-crush lang ako sa kaniya kaya ganito o baka sa susunod infatuation o puppy love? Hays, bakit ba ako nag-iisip ng ganito? Kailangan ko na lumabas para tulungan si Tiya kahit paano,” saad ko pa sa sarili at mabilis na inayos ang tuwalyang ginamit kanina saka lumabas ng silid. “Ria.” Napatigil ako sa paglalakad noong narinig ang boses ni Prince. Lumingon-lingon ako dahil 'di ako sigurado kung ako ba ang tinatawag niya. Akala ko may ibang taong nagngangalang Ria talaga pero kami lang naman ang nandito. “A-Ako ba ang tinatawag mong R-Ria?” tanong ko na nauutal saka tinuro ang sarili. Napalunok ako at 'di rin maialis ang tingin sa kaniya. Halata ring bagong ligo siya dahil basa pa ang buhok niya. Simpleng white shirt lang ang suot niya saka gray na casual pants at nakasuot siya ng gray din na pambahay na tsinelas. Habang ako naman ay baby pink na shirt at pinarisan ko ito ng puting casual short na di naman sobrang ikli. Naka-tack in din ang shirt ko at nakasuot lang ng itim na tsinelas pambahay. “Yep,” maikling sagot niya sa akin at marahang naglakad palapit sa akin. “Bakit iyon ang tawag mo sa akin?” tanong ko muli sa kaniya at salamat naman at 'di na ako nautal pa. Tumigil siya maglakad pagkalapit sa akin at sapagkat mas matangkad siya ay medyo umangat ang ulo ko para tingnan siya. “Na-realize ko na mahaba masyado kung Victoria, kay naisip kong Ria na lang itawag sa iyo. Okay lang naman 'yon hindi ba?” tanong niya at tumango naman ako saka pinipigilan ngumiti sa harapan niya. “Okay lang naman, walang problema kung iyon ang itatawag mo sa akin mula ngayon,” sagot ko kaagad at napalunok na naman. “So . . . Uhm punta na ako sa baba. Balak ko tumulong kahit paano kay Tiya Christine,” saad ko sa kaniya at yumuko bago tumalikod. Pero naramdaman ko rin siya kaagad sa aking tabi. “Sabay na tayo pumunta, I'm sure nasa kusina na sila at saka nakahanda na ang agahan. Ganitong oras dapat gising na talaga rito at ito rin kasi ang nakasanayang oras para sa agahan,” sambit niya habang naglalakad kami at ngayon ay pababa na kami sa hagdanan. “Ahhh,” tanging nasabi ko at natahimik na kami hanggang makarating sa kusina ay naroon na rin ang mga magulang ni Prince at binati ko sila. Katulad lamang nang dumating ako rito kahapon, kasalo naming kumain ang mga nagtatrabaho rito kaya masaya talaga ang pagkain dito. Hindi mo mararamdamang nag-iisa ka. Damang-dama ko kung gaano nila ako i-welcome dito at sigurado akong ganoon din ang iba. Naisip ko na napakaswerte rin ni Tiya na mabuting tao ang naging amo niya. Mayroong bacons, eggs, hotdog at ham. Hindi rin mawawala ang kanin at tinapay at kape sa hapag kainan. Katabi ko si Prince at Tiya. Tahimik lamang ako habang kumakain at minsan tumatawa sa mga biruan at kalokohan ng mga kasalo namin. “Kanin pa Victoria oh? Kain ka lang nang kain diyan,” ani ni Tita Prescila sa akin at ngumiti naman ako saka kukunin na sana ang lagayan ng kanin na inaabot niya ngunit nauna na si Prince. Siya na rin ang naglagay ng kanin sa pinggan ko at sigurado akong dahil doon ay natahimik ang lahat at mukhang nasa amin ang atensyon. “Okay na ba ang kanin mo?” tanong nito saka nakatitig siya sa akin. “Ahm a-ayos na iyan, salamat,” ani ko saka napainom ng tubig. Nagpasalamat din ako kay Tita Prescila sa pag-abot kanina at muling nabasag ang nakakabinging katahimikan ngunit minsan nararamdaman ko ang nagtatanong na tingin sa akin ni Tiya. Mas naging tahimik lalo tuloy ako hanggang sa matapos na kumain. Mabilis kong sinundan ng tingin si Prince noong agad itong umalis sa dining room at saka huminga nang malalim. Tahimik akong tumutulong sa pagliligpit ng mga pinagkainan at naramdaman ko muli ang presenya ni Tiya. “Anong mayroon sa inyo ni Sir Prince?” tanong ni Tiya na pabulong lamang kaya natigilan ako. “Wala po, kung sa kanina po ahm nagkataon lang siguro na inabot na lamang ni prince kasi medyo malayo ako kanina kay Tita Prescila,” pabulong ko namang sagot. “Pero grabe mo sundan ng tingin kanina huh?” tanong ni Tiya na makahulugan at medyo napanganga ako. “Tiya naman, kung ano man iniisip ninyo mali po kayo,” ani ko agad at makahulugan din siyang ngumiti saglit. “Sus! Wala naman masama kung may crush ka sa kaniya pero payo ko lang ingat-ingat, ha? Wala naman problema, maayos at mabuting tao naman siya minsan pasaway nga lang lalo na noong bata siya. Pero ayon, sige tulungan mo na ako magligpit at pagkatapos ililibot ka raw ni Ma'am,” saad ni Tiya kaya napangiti na lang ako habang umiling-iling. PAGKALIGPIT nga namin ng mga pinagkainan ay pumasok din ulit si Tita Prescila at sinundo ako dahil ipapasyal na raw niya ako sa buong paigid ng hacienda. Hindi ko rin matanggihan lalo na nais ko rin naman. Pagkalabas ay pasimple akong tumingin sa paligid upang tingnan kung naroon si Prince ngunit wala siya. “Siguradong magugustuhan mo ang paligid dito hija, siguro sa lawak nito baka umabot tayo hanggang bukas o sunod bukas sa paglilibot,” ani ni Tita Prescila at medyo may pabiro pa. “Okay lang po iyon, saka ngayon na lang ulit ako nakapunta sa lugar na maraming mga puno, halaman at kung ano-ano pang pananim na nagbibigay presko. Ang ganda rin po lalo na roon sa kuwarto ko kapag tumitingin ako sa may glass wall. Salamat po pala ulit sa binigay ninyong opportunity na maipagpatuloy ko ang pag-aaral sa kabila ng pangit na background ko,” wika ko na medyo humihina ang boses sa bandang huli. “Ano ka ba hija, okay lang iyon. Saka sa kabila ng mga nangyari, ang mahalaga pursigido ka pa ring magpatuloy at labanan ang mga hamon sa buhay. Kasi believe me hija, mas magiging malala ang laban mo kapag nakapagtapos ka na ng pag-aaral. Now, enjoy-enjoy muna rin kasi tulad ko ngayon, na-mi-miss ko ang pag-aaral ko dati,” sambit niya at marahang hinaplos ang buhok kong natutuyo na rin. “Salamat po, may mga mali rin po akong nagawa sa buhay ko. Mga kasalanang alam ko rin pong 'di basta mapapatawad o malilimutan ng nagawan ko niyon. Handa rin naman po ako harapin ang consequences niyon kahit sabihin pang humingi na ako ng tawad. Karma ko nga po talaga siguro ang mga nangyari sa akin ngayon. Nagpapasalamat na lang din po ako kahit paano may tao pa ring handang tulungan ako at nangangako akong 'di ko na uulitin ang ginawa ko noon. Na magbabago na rin ako at patuloy na pagsisisihan din ang mga nagawa ko dati sapagkat alam kong mali po talaga ako. May mga classmate at schoolmate akong napagsalitaan ng 'di magaganda noon, at 'di ko talaga sila masisisi kung hindi nila ako mapapatawad agad at for sure it's not enough to erase the pain I made them feel,” mahabang ani ko habang naglalakad-lakad na kami patungo sa may hardin. “Totoo ang sinabi mo, hindi na talaga mabubura basta ang nagawa mong mali noon, maaaring tumatak na iyon sa taong nagawan mo ng mali. Pero masaya rin ako na malaman na humingi ka ng kapatawaran sa kanila sa kabila ng lahat. Na inaamin at tanggap mong nagkamali ka. Hindi rin naman talaga porket humingi na ng tawad ay mabubura na ang mga nagawa mo. Pero kahit na ganoon, sa paghingi ng kapatawaran, maaaring makatulong iyon upang dumating ang araw ay magkaayos kayong muli. Pero don't forget na porket napatawad ka na o naka-move on na sila, malilimutan na nila iyon, mananatili pa rin sa kanila iyon. Saka matagal man nila ibigay sa'yo ang kapatawaran, for sure pinag-isipan at napagdesisyonan nila iyon nang maiigi. Hindi pilit na pagpapatawad lang para masabing ayos na kayong dalawa at 'di rin iyon basta-basta kasi maibibigay lalo na emotionally at mentally mo silang nasaktan at maaaring makaapekto o nakaapekto sa kanila noon nang physical pero 'di mo lang alam. Depende iyan pero it's good to know that you're ready to face the consequences too and that you're ready to change,” mahabang tugon sa akin at nauunawaan ko ang bawat katagang narinig ko sa kaniya. “Opo Tita Prescila” “Just remember, sa tuwing may gagawin o bibitiwan kang salita, think about it okay? Pag-isipan mong maiigi kung ano ba ang mangyayari pagkatapos mo gawin o sabihin ang isang bagay. Hindi dapat padalos-dalos lang. Panindigan mo ang pagbabagong nais mong gawin at kapag nakagawa ka ng pagkakamali, always remember may consequences kang kahaharapin at dapat handa mo iyang harapin. Malaki ka na rin hija at for sure alam mo na rin ang tama at mali. Anyway, ililibot kita rito sa garden for sure magagandahan ka rito.” Napangiti naman ako at sumunod sa daang tinatahak na niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD