VICTORIA'S POINT OF VIEW Naibalita pa nga pagsapit ng gabi ang nangyari kanina sa mall. Lalo na ang aking announcement na aalis na ako sa Eternal Band. Kasalukuyang narito ako sa aking silid at ang lalim ng iniisip habang nakahiga sa kama. Hindi ako makatulog at 'di mapakali. Nais ko ring kausapin si Prinsipe subalit mukhang ayaw niya. Ang tanging nakausap ko pa lang ay sina Ismael, Kellix at Novheille. Gusto ko na mag-usap kami ni Prince ngayon mismo at ayoko na sana ipagpabukas pa. Susubukan ko lang at kapag ayaw niya talaga ay bukas na lang. Huminga ako nang malalim at saka tumayo. Kinakabahan ako habang naglalakad palabas. Pagkarating ko naman sa pintuan ng kaniyang kuwarto ay sunod-sunod akong kumatok. “Prince! Prinsipe? Please . . . mag-usap naman tayo. Please, Prinsipe?” an

