VICTORIA'S POINT OF VIEW Makalipas ang sampung taon NAKATINGIN ako sa labas at ang himpapawid ang bumungad sa akin. Dekada na rin halos noong umalis ako sa Pilipinas. May kontak pa rin naman ako kay Tiya Christine noon kait wala na ako sa Pilipinas. Kinakabahan na parang na-e-excite ako dahil ngayon na lang ulit ako babalik ng Pinas. Huminga ako nang malalim at naalala ang huling pangyayari bago ako tuluyang umalis patungong South Korea. Kaya pala inis na inis noon si Nastia at pamilya nito dahil nagkaroon na si Uncle Ren na bigyan ito ng rason upang umalis sa lugar namin. Na lumipat sa ibang lugar at 'di manggugulo o kaya naman sa ibang bansa. Hindi na kasi si Uncle mag-i-invest sa kompanya nito kung 'di sila susunod. Sobrang laki rin ng perang iyon. Nang sumunod na araw matapos ang

