bc

Our Wild Romantic Tale -R-18

book_age18+
42
FOLLOW
1K
READ
billionaire
one-night stand
HE
powerful
heir/heiress
bxg
city
office/work place
another world
cheating
substitute
like
intro-logo
Blurb

⚠️ WARNING: This novel is R-18 and not suitable for minors. Contains explicit s****l content and detailed adult scenes.

She gave him everything.

Her heart.

Her trust.

Her fortune.

At ang kapalit?

Betrayal.

Sa loob ng tatlong taon, naniwala si **Aphrodite Lagdameo** na si **Maron** na ang lalaking makakasama niya habang buhay. Siya ang bumuo ng pangarap nito. Siya ang dahilan ng tagumpay nito. Siya rin ang babaeng buong pusong naghanda para sa kasal nilang dalawa.

Hanggang sa isang araw...

Nahuli niya itong may ibang babae.

Ang babaeng ipinakilala sa kanya bilang pinsan.

Ang babaeng tunay palang minahal nito noon pa man.

Habang siya...

Abala sa pag-aayos ng sarili niyang kasal.

She was ready to expose him at the altar.

But fate had a far more dangerous plan.

A stranger from one reckless night stepped into her life...

Vance Asher Wertheimer.

The man who refused to become a one-night mistake.

The man who was willing to become her groom.

Sa loob lamang ng isang araw...

She lost her fiancé.

She married a stranger.

And unknowingly started a war between two powerful families.

But what if the man she accidentally married...

was the same man who once saved her life?

And what if everyone knew the truth...

except her?

Because in the Lagdameo family...

Love happens only once.

And once a Lagdameo gives away their heart...

There is no turning back.

chap-preview
Free preview
Aphrodite Goddess of Beauty
Mainit ang ulo ni Aphrodite Lagdameo habang paulit-ulit na pinipindot ang pangalan ni Maron sa screen ng cellphone niya. "The number you have dialed cannot be reached..." Napapikit siya at marahang napabuntong-hininga. "Ilang araw na ba..." bulong niya sa sarili. Dalawang linggo. Dalawang linggo na silang hindi nagkikita. Malapit na ang kasal nila. Dalawang buwan na lang at magiging Mrs. Vasquez na siya, pero pakiramdam niya siya lang ang abalang-abala sa paghahanda. Siya ang pumipili ng venue, siya ang kumausap sa florist, siya ang nakikipag-coordinate sa wedding planner, siya rin ang nag-aasikaso ng guest list, siya din ang gumastos na sabi ni Maron ibabalik nito sa kanya lahat pero ni piso walang nabalik sa kanya. Konti-konti nalang talaga parang gusto na niyang i-cancel ang wedding pero mas natatakot siya sa Mommy niya kapag nag cancel siya kaya kahit pikon na pikon na siya kay Maron kailangan niyang ituloy tapos bahala na. Tutol ang buong pamilya niya kay Maron lalo ang mommy niya pero dahil likas na matigas ang ulo niya ipinilit niya at may pag sabi pa siya na kung hindi lang din si Maron ang mapapangasawa niya mag papakamat*y nalang siya kaya heto busy siya sa wedding niya at wala ng tumutol. Basta tiyakin lang daw niya na hindi siya mali ng desisyon dahil according sa mommy niya, ibabalik nito si Maron sa dulo ng TT ng tatay nito makakita lang daw ito ng isang pagkakataon na lalagot sa pasensya nito. Hindi daw ito natatakot na makulong ulit mapat*y lang si Maron. At kilala niya ang mommy niya hindi ito nag bibitaw ng salita na hindi nito gagawin. Kilala ang mommy niya bilang killer assassin nung kabataan nito at minsan na din nilang nakita magkakapatid ang paraan nito ang mga kilos nito hindi man nila ito nakikita sa action pero sa kilos ng ina alam nilang hindi ito basta mommy lang nila. Marami silang rumor na narinig na killer ang mommy nila, na pinalaki ito ng isang demonyo. Ninakaw ang mommy nila ng newborn palang ito ng isang kalaban at pinalaki na parang hayop. Ngunit kahit ganun may puso pa rin ang mommy nila yun nga lang napuno ng galit at nagkaroon ng psychological issue dahil sa mga naranasan nitong pang aabuso at labis na exposure sa pagpat*y pero dahil sa pag mamahal ng Daddy nila at buong pamilya nito, unti-unti na nag bago ang mommy nila at sa paningin ng lahat isa na itong hero without a cap bagay naman na ikinagagalit ng Daddy nila madalas dahil nasasaktan ang ina nila. Sobrang mahal na mahal ng Daddy nila ang ina kaya sa bahay nila ang Mommy nila ang boss hindi ang Daddy nila na hindi naman under sadyang mas mahal lang nito ang mommy nila at ang mommy nila marunong din naman yumuko sa daddy nila kapag alam nitong ito ang may mali. Kaya hanggat maari ayaw niyang magalit ang ina sa kanya at ayaw din niyang aminin na mali siya ng lalaking pinili. Kaya paninindigan niya ang desisyon niya hanggang dulo. Masyado lang talagang sinasagad ni Maron ang pasensya niya, palgi nalang itong busy. May multi-million project daw ang kompanya nito na ilalaban sa bidding kaya halos hindi na siya matingnan man lang. Napabuga siya ng hangin. "Kung hindi ko pa siya tatawagan, parang wala siyang balak magparamdam." Sinubukan niyang tawagan ulit. Ring... Ring... Ring... Hanggang sa kusa na namang naputol ang tawag. Napaikot ang mga mata niya at napamura, kung alam lang niya na ganito ang kakalabasan ng lahat ng ginawa niya hindi na sana niya pinabangong masyado ang pangalan nito. Sa kagustuhan niyang tanggapin ito ng pamilya niya. Nag labas siya ng malaking pera para pang simula ng negosyo na gusto nito at nag tagumpay naman si Maron pero dahil parin sa mga connection na meron siya. Kung hindi siya lumapit sa mga Tito niya na Van Amstel hindi magkakaroon ng mga project si Maron, narating nito ang narating dahil sa kanya. Yumaman ito dahil sa mga connection na meron siya na palihim niyang kinakausap at kung di pa niya irerevise ang mga proposal nito hindi papasa ang mga pinapasa nito. "Seriously, Maron?" Napakagat siya sa labi. Kagabi pa niya sinusubukang tawagan ito. Kahit simpleng good night wala. Kahit good morning wala rin. Napailing na lamang siya. "Baka talagang sobrang busy lang..." Iyon na lamang ang paulit-ulit niyang dahilan sa sarili. Dahil kung hindi... Ayaw na niyang isipin ang ibang posibilidad. "Aphrodite." Napalingon siya nang tawagin ng principal. "Sir?" "Magli-leave ka pala ngayong hapon?" "Yes, Sir. May aasikasuhin lang po para sa wedding." Napangiti ang principal. "Congratulations in advance." "Thank you po." Habang nag-aayos siya ng gamit ay biglang lumapit ang isa sa mga guro. "Miss Fyra, puwede bang pakiabot itong mga confiscated items sa faculty? Papunta lang kami sa meeting." Tinuro nito ang isang malaking plastic basket. Punong-puno iyon ng iba't ibang gamit. Cellphone, Playing cards, Portable speaker, Power bank, Make-up kit at kung anu-ano pa. "Sige po." Madali niya iyong binuhat. Hindi naman gaanong mabigat. Tahimik siyang naglakad sa corridor ng school habang iniisip pa rin si Maron. "Mamaya pagkatapos ng duty, pupuntahan ko na lang siya sa condo." Baka sakaling naroon ito. Kung wala... Si Bambi na naman ang makakaharap niya. Ang napakabait na secretary ni Maron na pinsan nito. Kaya doon na rin nakatira sa condo dahil dalawang kuwarto naman daw iyon para madali daw ang trabaho at meron din itong instant na katulong sa bahay at hindi naman siya tumutol bahala ang dalawang ito sa set-up na gusto ng mga ito. Paliko na sana siya sa kanto ng corridor malapit sa hagdan nang— "Ah!" Nabangga niya ang isang matangkad na lalaki. Dahil sa lakas ng impact ay nawalan siya ng balanse. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang katawan niyang paatras na nahuhulog sa hagdan. "Patay!" Ngunit bago pa siya tuluyang bumagsak. May dalawang malalakas na braso ang mabilis na pumulupot sa baywang niya. Napasinghap siya. Nakatitig siya ngayon sa isang pares ng kulay abong mga mata, matangos ang ilong, makapal ang kilay, perpektong panga at isang mukhang parang inukit ng Diyos sa sobrang gwapo. - - - - - "Excuse me for a minute," paalam ni Vance sa receptionist ng lumabas muna siya ng office ng assessment room. Sumenyas lang siya sa kapatid na si Lyric na kasama ang limang anak nito na nag s-screening para sa pag pasok ng mga ito sa school pag tango ng kapatid lumabas na siya at sinagot ang tawag. "Yes, go ahead." ani Vance habang seryosong nakikipag-usap sa kabilang linya, mabilis siyang lumiko sa may hagdanan nang aksidente na may makabanggaan siya. "Ahh!" Isang babae ang nabunggo niya nang malakas. Napabitaw ang basket tray na hawak nito at tuluyang gumulong pababa ng hagdan. "OH MY GOSH!" Sunod-sunod na nahulog ang mga laman ng basket. Mga cellphone, power bank, chargers, earphones at kung anu-ano pa. Parang confetti ang mga ito habang nagkalat sa bawat baitang ng hagdan. Napayakap ang babae sa braso ni Vance para hindi tuluyang matumba. Nagtama ang mga paningin nila ng ilang saglit ngunit ilang segundo lang ng makabawi sa pagkabigla... Mariin siya nitong itinulak. "Are you blind?!" Napakurap si Vance. Hindi dahil sa sigaw ng babae. Kundi dahil... Natulala siya literal. Mahaba ang buhok ng babae wavey. Matapang ang mga mata at kahit galit na galit ito... Hindi niya maalis ang tingin. "Ang ganda..." "Hoy!" Napapitlag si Vance. "What?!" "Kung tapos ka nang tumulala, puwede bang tulungan mo muna akong pulutin ang mga gamit ko?!" "A-ah... yes." Mabilis siyang lumuhod. Isa-isang pinupulot ang mga nagkalat na gamit. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya." "Hmph." Hindi na lang siya pinansin ng babae. Pareho silang abalang namumulot. Hanggang sa... May nahawakan si Vance na kulay pink na silicone object. Kinuha niya ito. Tiningnan saka napakurap. Napabuka ang bibig. Dahan-dahan niyang iniangat iyon. Napatingin siya sa babae. Napatingin din ang babae sa hawak niya at nanlaki ang mga mata nito. "Sh*t!" Mabilis itong umiling na parang defensive agad. "Hindi akin 'yan!" Napataas ang kilay ni Vance. "Really?" "Hindi!" "Are you sure?" "Oo!" Napangiti si Vance. Bahagyang napailing. "There's nothing wrong with using..." saglit niyang inangat ang hawak. "...this kind of thing." Lalo lang namula ang mukha ng babae. "Sabi ngang hindi akin yan!" Napangiti pa lalo si Vance. "But if you ever need help..." Bahagya siyang yumuko. "I'm willing to volunteer." Tahimik ang namayani, tatlong segundo na umabot ng limang segundo ng biglang nagdilim ang mukha ng babae. "Bastos ka." Bago pa makaiwas si Vance... Diretsong ipinukpok ng babae ang silicone toy sa ulo niya ng hablutin iyon sa kamay nito. "Ouch!" Napahawak si Vance sa ulo. "Hey!" Mabilis na isiniksik pabalik sa basket ang naturang bagay. "Sabi nang hindi akin!" "Then how did it end up in your basket?" pigil ang tawa ni Vance na imbis na magalit sa babae na inihampas sa kanya ang d*ldo. "Nahulog lang!" "From heaven?" "IKAW TALAGA!" Muli nitong inamba ang hawak na bagay. Napaatras agad si Vance habang nakataas ang dalawang kamay. "Okay, okay! I surrender!" Inis na inis na sinimot ng babae ang natitirang mga gamit saka padabog na tumayo. Bago tuluyang umalis, mariin niya itong tinuro. "Kapag nakita pa kitang muli...ikaw ang ipupunas ko sa sahig ng hagdan na 'to." Napakamot na lang si Vance sa batok. Habang papalayo ang babae, hindi niya napigilang mapangiti. "Interesting..." Napailing siya sa dami ng paraan para makilala ang isang babae... "And of all things, my first impression of you involved a d***o. Great. Just great." habang sinusundan ng tingin ang magandang balakang ng babae na gumagalaw habang nag lalakad palayo. "Kuya..." napalingon naman si Vance sa boses ng isang batang nasa likod. "Huwag n'yo pong gagalitin sa susunod si Nurse Aphrodite, maganda po siya pero babalian ka po niya ng buto." wika ng bata na ikinagiti naman ni Vance na tumaas ang kilay. Aphrodite Goddess of Beauty nice name... it's suits her. Bulong ni Vance. "Is she single? Is she working here?" "...ang weird n'yo po." sagot ng bata na umirap sabay talikod sa kanya. Napakamot naman ng sintido si Vance saka hinanap ang phone na hawak kanina pero nawala na iyon sa bulsa saka lang niya na alala na baka napasama sa mga cellphone na sinimot nila. Napangiti naman si Vance. "I'm only following her because she took my heart...Oops. I meant my phone. Nothing else. Absolutely nothing." bulong ni Vance na isinilid sa bulsa ang mga kamay saka nakangiting naglakad pasunod sa babaeng nag ngangalang Aphrodite.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
749.4K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.8M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
982.4K
bc

A Warrior's Second Chance

read
361.7K
bc

Not just, the Beta

read
349.2K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook